CHAPTER 22

103 8 7
                                    

Linggo na pala ngayon, at ngayon rin gaganapin ang kaarawan ni Zaiker per nagdadalwang isip ako kung pupunta ba ako o hindi.

Kasi una sa lahat, hindi ako sanay o maalam sa mga ganyang party dahil hindi ko pa nararanasan at isa pa sino namang mga kilala ko dun? Muka ngang invitation card palang sosyal na paano pa kaya ang gaganapan at ang party.

Nasa labas ako at nagwawalis para narin maarawan ako baka maging amag na ako kakakulong ko sa bahay.

"YHONNANICA!" Naibaba ko ang walis sa gulat at inis.

"Ano ba yan Melissa umagang umaga nangbubulaho ka ng kapitbahay pwede mo naman akong tawagin ng hindi ka sumisigaw." Tawa lang ang nasagot sakin ng babaeng 'to.

"Good morning bestie ko!" Sambit pa niya at humawak sa braso ko. "Tara na maligo kana hinihintay na nila tayo." Kumunot ang kilay ko at tumingin sa kaniya.

"Pinagsasabi mo na naman? kung kukunin kana ng kadiliman wag mo kong idamay." Isang hampas ang sinagot niya sa akin.

"Gaga hinihintay na tayo nila Ryona diba inimbitahan karin ni Papa Zaiker." Inartehan pa niya ang boses niya.

"Ha? diko gets sabog pa 'ko." Tinuloy ko nag pag wawalis.

"Beh inimbitahan tayong lahat kaya wag kang mag inarte mamayang gabi pa ang party wala tayong susuutin kaya sasama tayo kila Ryona." Kumamot pa siya sa kaniyang nuo.

"Saan naman? hindi ko nga sigurado kung pupunta ako." Kinuha ko ang plastic para ilagay ang mga nawalis ko.

"Sa SM bibili damit." Tinabi ko ang malaking plastic at nilingon siya.

"May pera ka aber?" Lumapit ako sa kaniya at pinitik at tenga niya.

"Hindi naman tayo ang gagastos, libre nila." Ah basta libre sige lang ng sige walang kakapalan ang muka.

"Nipis ng muka natin ha, gusto mo sampalin kita para mamanhid yan." Ngumuso naman ang gaga at kumapit ulit sa braso ko.

"Sige na Yhonna, kanina pa tayo iniintay nung mga 'yun." Sambit pa niya at saktong paglabas ni Mama.

"Aalis na ako Yhonna, oh nandyan pala si Melissa kumain kana ba ija?" Lumapit si Meli kay Mama at nagmano.

"Katatapos lang po Tita, at ipagpapaalam ko po sana si Yhonna." Napa ismid nalang ako. Ang kulit kasi.

"Sa birthday party ba? Oo pumayag naman ako ah." Talaga namang pumayag si Mama pero ako alam naman nilang hindi ako sanay sa mga ganto.

"Opo yey! at isa pa po hinihintay po kasi kami nila Ryona para sa pamimili ng mga damit para sa party." Hinawakan pa ni Meli ang kamay ni Mama at inalog alog.

"Oh sige papayag ako basta ikaw ang bahala kay Yhonna kelan ko ba pinagbawalan yan. Ikaw na ang bahala alam mo naman ang pwede at hindi pwede sa kaniya." Agad namang tumalon talon ang babae at lumapit sa akin.

"Una na ako, mag iingat kayo." Hinalikan ko ang pinsge ni Mama at nagpaalam na.

"Naligo kana ba?" Tanong ni Meli sakin at siya na ang dumampot sa walis.

"Oo ano aalis naba ngayon na?" Pinasok ko na rin ang itim na plastic.

"Oo bilis bihis na hintayin kita." Umakyat na ako habang nasa ibaba si Meli.

Kahit anong gawin ko mapipilit at mapipilit ako ni Meli tsk.

Naghanap lang ako ng pwedeng suutin, nag oversized t-shirt ako, jeans at rubber shoes kong luma.

Hindi rin naman ako magastos sa mga damit minsan nga tumatagal na sa 'kin ng ilang taon.

Kinuha ko ang sling bag kong itim at bumaba na.

"Tara na baka hapunin tayo." Kinuha ko ang susi ng bahay at para sa gate. Naalala ko hulugan na pala ng upa pero baka nabayaran na ni Mama.

Nasa tricycle na kami na kami papuntang Mall, hindi ko naman afford ang mga gamit dun kaya hindi pa ako nagpupunta kahit isang beses.

Tahimik lang ang byahe habang kwento ng kwento si Meli.

"Simple lang naman ngumiti habang kausap siya diba, hindi pa naman ako inlove diba?" Panay ang tanong at minsan ay ulit ulit nalang ewan ko rin basta puro inlove ang naririnig ko.

Pagbaaba namin ng tricycle natanaw ko agad si Chescka na naka hawak sa braso ni Ellie.

"Chescka!" Sigaw ni Meli at hinawakan ako para lumapit sa kanila.

"Pasensya na ngayon lang kami nakapunta." Sabi kasi ni Meli kanina pa sila nag hihintay.

"Ha? that's fine Yhonna kakarating lang namin." Dumako agad ang tingin ko kay Meli na kabadong nakangiti sa akin.

Sabi na dahilan lang niya yun para sumama talaga ako.

"Let's go!" Hinila na kami ni Chescka papasok sa Mall.

Napanganga ako sa lawak at sa lamig, ganto pala ang Mall ang dami mong makikitang iba't ibang bagay na hindi pa ako nagkakaroon pati narin ang mga restaurant dito sa loob.

Inuna namin ang clothes area, S clothing ang pangalan ng clothes shop na pinasok namin.

May mga damit pang bata hanggang pang matanda. Kita mo rin sa mga display nila ang magandang quality ng mga damit.

May kinausap lang si Meli at tinawag kami, ina-assist kami ng may ari ng clothing shop sa pinaka dulong bahagi kung nasaan ang mga dresses.

Iba't ibang dress na pang elegante at mukang pati ang mga presyo nito. Ang iba ay ilang daan at libo na gusto ko sila hilahin para lumipat ng shop.

Nakakahiya naman kasi na ililibre na naman nila kami.

"It's fine Yhonna, sabi rin ni Mommy na treat ko kayo." Pilit kong nginitian si Ellie.

Pinasukat kami ng iba't ibang dress, nakaka tatlo kami ng ma-desisyonan na pumili.

Nang nakapili na kami lumipat kami sa shoes area. Iba't ibang klase ng sapatos hindi ako sanay sa heels.

Inalalayan agad kami ng mga tauhan at pinasukat ng mga sandals. Simple lang ang dress na pinilit ko kaya bagay na ang simpleng sandals kesa naman sa heels baka madapa ako.

Nahuling pumili si Cheska dahil wala raw siyang magustuhan pa o kaya naman hindi kasya sa paa niya.

"Wah I'm so happy to have a bestfriend day with you guys." Nilabas ni Ryona at cellphone niya at nag picture kami. Maganda rin ang background kaya tuwang tuwa kaming lima.

It's my first time having this kind of bonding. Sobrang nakakatuwa maka diskubre ng mga bagay bagay kasama ang mga kaibigan mo.

"Gutom na ako, tara kain na tayo." Pang aaya ni Ellie kaya hindi na kami tumangge.

"Anong oras na Yhonna?" Tanong ni Meli sakin nang huminto kami sa food area.

"Pasado alas dose na." Sagot ko at tumango naman siya.

Mamayang ala-sais pa ang party. Kaya madami pa kaming oras.

Pumasok na kami sa food area. Parang sobra na to lagi nalang nilang sagot ang lahat sana magawa ko rin to sana dumating yung time na ako naman ang mang lilibre sa kanila. Sana tumagal pa ako sa mundo.




Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now