CHAPTER 25

105 7 6
                                    

Tatlong araw na ang nagdaan pero blangko parin ang aking isipan, hindi ko parin talaga alam kung paano at kung bakit. Ni hindi ko nga alam kung ano ang sunod na nangyari duon sa party.

"Yhonnanica nakikinig kaba?" Nag angat ang tingin ko kay Mama.

"P-Po? may sinasabi ka Ma?" Kumawala naman ang malalim na paghinga mula sa kaniya.

"Ano bang nangyayari sayo Anak? halos ilang araw ka nang ganyan." Napayuko nalang ako at pinagmasdan ang pagkaing hindi ko naman nabawasan.

"M-Ma..pwede po ba akong magtanong." Nahihirapang saad ko.

"Oo naman tungkol saan ba?" Sumubo si Mama habang ramdam ko ang mga tingin niya.

"Tungkol kay Papa." Humina ang boses ko.

"Hmm." Naramdaman ko ang kamay ni Mama na nasa ulo ko na. "Anong gusto mong malaman tungkol sa Papa mo?" Dahan dahan na tanong niya.

"Diba Ma may ibang p-pamilya si Papa." Parang kahit anong segundo pwedeng tumulo ang luha ko.

"Nung naging kasintahan ko ang Papa mo at hanggang mabuo ka hindi ko rin alam na may pamilya na siya." Hinimas himas ni Mama ang buhok ko at tipid na ngumiti sakin.

"Nagalit po ba kayo sa kaniya? dahil rin nagsinungaling siya." Hindi ko rin alam kung bakit nagtatanong pa ako ng mga gantong bagay kay Mama kung nakikita ko naman ang sagot.

"Sa totoo lang Anak, sobra ang galit ko sa Papa mo kaya nagawa ko siyang itago sa 'yo." Humina rin ang boses ni Mama.

"Minahal nyo paba si Papa?" Nasa platong puno pa ang laman ang aking paningin ayaw kong mahalata ni Mama na maiiyak ako.

"Minahal ko ng totoo ang Papa mo pero siguro talagang hanggang duon nalang ang kwento naming dalawa." Bumaba ang kamay ni Mama sa kamay ko.

"Ang buhay na pinapangarap ko at ang pagmamahal at sayo ko nalang inilay Anak.
Salitang mas lalong nagpasikip sa dibdib ko.

"Mahal na mahal kita Mama." Nahihiyang sambit ko at hinawakan rin ang kamay niya.

"Mahal karin ni Mama, bilisan mo na sa pagkain at may pasok kapa." Tipid akong ngumiti at uti uting sumubo.

---

Naglalakad ako sa corridor at patungo na sa classroom namin.

"Yhonna!" Dahan dahan akong lumingon dahil sa pagtawag sakin.

"Good morning bakit hindi ka sumabay sakin papasok?" Kumapit si Meli sa braso ko.

"K-Kala ko kasi nauna kana pumasok." Pagsisinungaling ko. Alam ko kasing magtatanong siya ng magtatanong sakin.

"Hmp halos tatlong araw kanang ganyan, kala mo ba hindi ko nahahalata." Sinabayan niya ako lumakad pero agad siyang humarang sa harapan ko.

"May problema ba Allure?" She call my second name. Seryoso na siya kapag ganun.

"W-Wala, pagod lang ako." Pilit kong iniwas ang mga tingin sa kaniya.

"Siguraduhin mo lang, hindi kita titigila dahil alam kong may problema ka." Kumapit ulit siya sa braso ko.

"Kaibigan mo 'ko Yhonna, lagi lamang akong nandito para sa 'yo." Tumango ako pilit na ngumiti.

Pilit kong itunutuon ang aking isipan sa buong klase pero kahit anong gawin ko ang mga nangyari at ang sinabi ni Mama kanina ang tanging tumatakbo sa isipan ko. Sobrang hirap ng sitwasyong 'to.

"Anong gusto mo?" Nasa cafeteria na kami at vacant for two hours.

"Kahit ano ikaw ang bahala." Tumango naman si Meli at pumila na. Humanap nalang ako ng vacant sit para sa aming dalawa.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon