CHAPTER 27

98 8 5
                                    

"Wait Yhonna!" Kanina pa ako sinusundan ni Keijo simula nung natapos ang band battles.

"Uuwi na kasi ako gabi narin." Sagot ko sa kaniya. Ewan ko pero gusto ko siyang iwasan nakakahiya kasi.

"Sus uuwi pupunta ka lang duon sa kainan diba duon ka nag tra—" Tinakpan ko agad ang bibig niya baka mamaya may makarinig sa amin.

"Ang ingay mo." Pinangdilatan ko siya ng mata. Tinggal niya ang kamay ko at huminga ng malalim.

"Papatayin mo ba ako? grabe ka." Ngumuso pa siya sakin.

"Ihahatid na kita." Saad niya habang sumusunod sa bawat lakad ko.

Nakauwi na sila Meli dahil ang sabi ko mauna na siya at may dadaanan pa ako kanina pa rin ako late baka magalit si Aling Milda. Madami paring tao sa univ at bukas pa malalaman kung sino ang mga panalo.

"Ikaw pala 'yun." Nakasunod parin pala siya sakin habang ako inaantok na pero kailangan ko paring pumasok.

"Ang alin?" Antok narin ang boses ko.

"Yung boses na sinabayan ko sa beach." Napakagat ako sa ibabang labi.

"Ang ganda." Huminto ako sa sinabi niya at hinarap siya. Nakatingala siya habang nakatingin sa langit madaming bituin at bilog ang buwan.

"We meet again, stranger." Unti unting bumaba ang tingin niya sa akin at nagtama ang mga mata namin.

"I suddenly miss your voice." Napailing nalang ako at umiwas ng tingin.

"Uy alam mo ba kala ko hindi ko na mahahanap yung boses na 'yun." Sinundan niya ulit ako sa paglalakad.

"Hmm." Hindi na ako makasagot dahil pagod narin ako.

"Hinanap kita, at ikaw lang pala iyun Yhonna." Huminga ako ng malalim. Hindi ko rin naman inaasahan na makikita o maririnig ko ulit ang boses na iyon.

"Hinanap mo rin ba yung boses ko?" Konting lakad nalang papuntang kainan pero panay parin ang tanong niya.

"Ewan, hindi naman ako nag expect na makikita ko kung sinong may ari ng boses na iyun." Simpleng sagot ko.

"Yhonna." Hinihintay ko lang ang sasabihin niya. At nakahinto na kami sa tapat ng kainan.

"P-Pwede tayong maging... magkaibigan?" Gusto kong matawa dahil nakayuko siya habang nag papadyak sa sahig.

"Bakit naman hindi?" Saad ko.

"E-Eh ewan kasi nga diba stranger pa ako para sayo kaya gusto kong ipakilala ang sarili ko." Napa tango tango naman ako.

"Sige, papasok na ako salamat sa paghatid." Simpleng saad ko at pumasok na sa loob ng kainan.

"Pasensya na po na late ako." Hinubad ko na ang bag ko at kumuha na ng notebook at ballpen.

"May ano ba yun, contest ba sa school niyo kaya ka nalate?" Pagtatanong ni Aling Milda.

"Opo pasensya na po talaga." Tinulungan ko na ang ibang mag serve dahil dumadami narin ang mga costumers.

"Ayos lang naman dahil kailangan mo yan sa pag aaral mo." Saad si Aling Milda kaya napangiti ako.

Medyo ginabi talaga aki ngayon sana tulog na si Mama pag uwi ko para hindi na siya mag tanong kung bakit ako ginabi.

"Mauuna na ako Yhonna." Paalam ni Paloma isa sa mga kasama ko dito.

"Sige tatapusin ko nalang 'to." Nagpupunas pa ako ng mga lamesa nahihikab narin ako dahil sa kapaguran.

"Una na po ako salamat po." Inabot ni Aling Milda ang sweldo ko ngayong araw at nag paalam na sa kaniya.

Paglabas ko ng kainan nagulat ako dahil kay Keijo na nakapamulsa habang nakasandal sa pader at nakayuko.

"Hoy gabi na ano pang ginagawa mo dito?" Nag angat ang ulo niya at agad na ngumiti sa akin.

"Hinihintay ka." Simple niyang sagot kaya kumunot ang kilay ko.

"At bakit aber?" Nag pamewang ako sa harapan niya.

"Ihahatid kita sa inyo." Kinuha niya ang bag na dala ko at binitbit saka nag lakad.

"Oy saglit lang." Wala na akong ibang ginawa kung hindi sundan siya. Anong trip nito sa buhay.

Huminto kami sa harap ng kotse niya kanina wala naman siyang dala.

"Paano ka nag ka kotse? hindi mo naman yan dala kanina." Tanong ko at aabutin na sana ang bag na nasa balikat niya pero iniwas niya ang kamay ko.

"Umuwi ako kanina para kunin tapos may dinaanan ako tapos naalala kita." Binuksan niya ang passenger sit at pinasakay agad ako.

"Sakay na, stranger ako pero mapagkakatiwalaan ako. At hindi ko kayang gumawa ng masama lalo na sa mga babae." At ngumiti siya sapat na para makita ko ang dimple niya.

Tahimik ang biyahe wala akong planong magsalita dahil rin sa kapaguran gusto ko na umuwi para makatulog at pahinga na.

"You can sleep here first." Pagbabasag ni Keijo sa katahimikan.

"Hindi ayos lang, malapit na naman tayo." Saad ko.

"Anong favourite songs mo?" Tanong niya ulit. Umayos ako ng upo at nilagay ang bag ko sa harapan ko.

"Madami lalo na ang mga 90's and 80's songs." Lumawak ang ngiti niya.

"Pareho tayo!" Galak na sambit niya.

Nakita ko ang pagtitig niya sa bag ko at sa keychain na nakalagay sa bag ko.

"Tinabi mo pala 'yan." Nanatili ang tingin niya dito.

"Oo ang cute kasi." Antok na sambit ko.

"Tignan mo oh." May kinuha siya sa back sit.

Wala na may nakalagay na keychain na katulad ng binigay niya sakin.

"Bakit pareho?" Takang tanong ko. Masyadong feminine ang design na rabbit.

"Wala lang gusto ko lang." Nag focus siya sa pag dri-drive kaya tinuon ko nalang ang pansin ko bintana kung saan tanaw mo ang tahimik na daanan.

"D'yan mo nalang ibaba." Inihinto niya ang kotse sa labas ng eskenita. Agad naman niya akong sinunod. Bumababa na ako.

"Sige salamat sa paghatid una na ako." Paalam ko, mahaba haba pa ang lalakarin ko at sobrang pagod na ng katawan ko.

Nagulat ako ng may kumuha sa bitbit kong bag.

"Sabi ko sayong ihahatid kita." Pinauna akong palakarin ni Keijo.

"Malaki na abala ko sayo ngayong gabi, sige na kaya ko na umuwi." Pilit kong kinukuha ang bag sa kaniya.

"Madilim at delikado na Yhonna mas magandang may kasama ka. Wag kanang makulit." Seryoso na ang boses niya. Kakaiba ang kinikilos ni Keijo ngayon.

Wala na akong ginawa kung hindi pumayag nalang naglakad pa kami ng medyo malayo may mga tambay narin sa kanto at may mga bata pang naglalaro kahit gabi na.

"Salamat, dito nalang ayan na gate namin." Tinuro ko pa ang gate namin. Nginitian niya ako at iniabot ang bag ko.

"Walang anuman po." Tumaas ang kilay ko.

"Goodnight." Antok na saad ko.

"Sige na pumasok kana tapos uuwi narin ako, goodnight Yhonna." Inabot niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Trip talaga nito sa buhay eh!

"And Yhonna." Pagtawag niya ulit sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"It's nice to meet you your voice again." Ewan pero napangiti ako dahil sa sinabi niya at nakaramdam ng kakaiba.


Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now