CHAPTER 23

99 8 8
                                    

Napahiga agad ako sa kama. Kakauwi lang namin galing sa pamimili para sa party mamaya na hindi ko naman sigurado kung pupunta ako. Pero parang sayang yung mga pinamili para sakin kung hindi ko gagamitin nakakahiya kila Ellie.

Pasado alas-dos na kami nauwi may ilang oras pa ako para magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko at nag alarm siguro mga alas-kwatro ako gigising.

Inayos ko ang kurtina para hindi pumasok ang sinag ng araw. Bumalik ako sa kama at nag kumot para magsimulang matulog.

"Yhonnanica gumising kana sasakit yang ulo mo hapon na." Nagising ako sa pagyugyog at boses ni Mama.

Kahit na ayaw pa bumangon ng katawan ko dinilat ko ang mga mata ko at dahan dahan na bumangon.

"Anong oras na po ba Ma?" Kinukuskos ko pa ang mata ko at nag inat inat.

"For terte." Namilog ang mata ko at tumingin sa cellphone ko. Hayts Yhonna tanga ka.

Nakita kong AM ko pala naset ang alarm kaya hindi tumunog. Kapag pagod kanga naman oh.

"Diba may pupuntahan kapang party ba yun? anong oras ba yun para makapag handa kana." Pinulot pulot ni Mama ang mga kalat na nasa sahig mga papel yun na sinulat ko ng notes.

Maya maya pa po. Bumaba ako sa kama at sinimulang tiklupin ang kumot.

"Eh hanggang anong oras ka? baka naman kabihib ka duon ha." Kumamot pa si Mama sa muka niya.

"Hindi naman ako magtatagal Ma, hindi nga po ako sanay sa mga ganun diba." Kinuha ko ang unan at inayos sa isang tabi tapos pinatong ko ang kumot.

"Sigaraduhin mo lang, buti nga kasama mo si Meli at iba mo pang kaibigan para mabawasan ang pag aalala ko." Pasimple akong ngumit at humarap kay Mama.

"Opo Ma, magiging mabuti naman po ako duon." Siya namang pagtango niya.

Sabi ni Mama sabayan ko raw muna siya mag meryenda dahil wala na ako sa hapunan mamaya, gumawa pala si Mama ng sweet corn favourite ko to.

Habang kumakain kami bigla nalang may sumigaw sa pangalan ko boses palang kilalang kilala ko na. "Yhonnanica Allure." At ngayon nasa tabi ko na si Meli habang may bitbit na itim na bag.

"Oh Melissa mag meryenda ka muna." Pinaghanda pa siya ni Mama.

"Salamat po Tita." Tuwang tuwang sambit ng babae.

"Ano yang dala mo? maglalayas kaba?" Ang laki kasi nung bag parang kasiya ang isang tao.

"Nandito yung susuutin ko mamaya." Sumubo muna siya. "At yung mga make up galing sa parlor nila Baklang Jasmine. Hiniram ko para gamitin natin." Kakapalan talaga ng muka.

"Aba'y ikaw na ang bahala dito kay Yhonna ha." May nililista si Mama sa notebook baka mga utang na naman yun.

"Opo kelan ko ba pinabayaan ang anak n'yo Tita." Ngumiti ng malawak sakin si Meli kaya palihim ko siyang inirapan.

---

Nasa kwarto kami at kakatapos ko lang maligo habang si Meli naman ang nasa CR namin.

Tinignan ko lang ang damit, sandals, at bag na susuutin ko ngayon. Ang ganda sa tanang buhay ko ngayon palang ako makakasuot ng ganto.

"Tapos na ako." Pumasok ulit si Meli at nilock ang pintuan.

"Tara na simula na tayo malapit na mag ala sais." Sambit ko at sinimulan ng suutin ang dress.

Nag b-blower si Meli habang ako ay nagsusuot ng sandals. Black off shoulder dress na three inches above the knee hapit rin siya sa katawan ko at ang white sandals. Tumayo ako sa harapan ng salamin.

"Muka kang tao ngayon." Nakangiting sambit ko.

"Putcha beh pwede ba kitang ligawan? ang ganda mo." Nasa tabi ko na pala si Meli at nakaayos narin.

"Umayos kanga Meli." Tinulak tulak ko pa siya bahagyang lumayo sakin.

"Upo kana aayusan na kita." Hinala niya ako at pinaupo.

Kinuha ni Meli ang bag na dala dala niya kanina at may mga nilabas na kolorete. Baka mamaya masira pa muka ko sa mga yun.

"Konti lang ilagay mo Meli." Paalala ko sa kaniya.

Inunan niya ang buhok ko, sabi niya kulutin nalang daw niya para mas bumagay. Pagtapos sinunod niya na ang muka ko nakapikit lang ako habang dumadampi sa muka ko ang mga kolorete.

Pagtapos ko iniharap ako ni Meli sa salamin, light make-up lang ang ginawa niya kaya natuwa ako.

Naupo lang ako sa kama habang nag aayos si Meli hindi ko naman siya matutulungan dahil hindi ako marunong sa mga ganun.

Tumingin ako sa orasan. It's almost five thirty pm.

Nang matapos si Meli tuwang tuwa ang babae at lumakad lakad pa sa harapan ko.

"Beh nagtatahulan ang mga aso ng kapitbahay may tao ba sa baba?" Nakunot naman ang nuo ko.

Wala si Mama may pupuntahan na kaibigan kaya kaming dalawa lang ang tao dito. Kinuha ni Meli ang bag niya at hinatak agad ako pababa.

Nang buksan namin ang gate kumaway samin si Ellie na kalalabas lang ng sasakyan.

Nakahinga naman ako ng maluwag, kala ko kung sino na.

"Let's go girls?" Sumilip sa bintana ng kotse si Ryona.

Mas gumanda sila.

"Wait lang." Pumasok ako para kunin ang bag ko at ang susi baka pagbalik ko mamaya wala na kaming gamit.

Ni lock ko ang pinto at at gate namin. Kasabay ko ring pumasok sa sasakyan si Meli at sa backseat kaming tatlo nila Ellie.

"Ang ganda niyo." Papuri ni Chescka kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Thank you kayo rin sobra." Pabalik kong sagot.

Maingay ang buong biyahe dahil rin sa kadaldalan nila Meli at Chescka at minsan ay may pinag tatalunan pa.

Pumasok ang sasakyan sa isang yayamaning village, mas malaki ang village na to sa village nila Ryona.

Nasa labas ka palang ay maririnig mona ang ingay mula sa mga speakers, mukang nagsisimula na ang party. Huminto na ang sasakyan sa harapan ng malaking bahay. Magarbo at mukang isang mansyon na ito. Madami ring palamuti at bukas ang malaking gate may mga nakikita pa akong nagpapasukang mga tao na mukang mga galante rin.

Parang nakakahiya naman 'tong istura namin sa istura nila.

May umalalay saming guard papasok sa gate. Pagpasok ay mas madaming tao at mas maingay na.

"Hey!" Napalingon kami sa tumawag.

"Uy Veron." Balik na bati ni Meli.

"Y'all look beautiful tonight." Papuri rin niya.

"Let's go, nasaan ang may birthday?" Tanong ni Ellie.

"Mamaya pa yun lalabas, but tara na magsasalita raw ang daddy at mommy ni Zaiker." Nagpahila nalang ako kila Ryona.

---
A/N:  I don't know but i put this kind of plot twist. What is it? uhm wait the next chapter.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя