CHAPTER 35

126 5 14
                                    

"Maliwanag." Mahina kong turan.

Kadidilat ko palang ng mga mata ko tumama na ang liwanag mula sa itaas. Anong nangyari, ang huli kong naalala. Nasa hospital bed ako at sinisimulan na ang operasyon pero anong nangyayari? nasaan ako? bakit ang liwanang.

"M-Ma!" Parang ang sarap sa pakiramdam at wala akong nararamdamang sakit.

Ang ganda ng paligid puno ng mga bulaklak at ang ihip ng hangin na tumatama sa aking balat.

"May buhok ako?" Nakapa ko ang mahaba kong buhok. Pero hindi ba ay kinalbo ako. Paanong anong nangyayari?

"We are waiting for you." Napatigil ako at napalingon sa paligid. Sino yun? nag echo ang boses niya.

"You need to be back here."

"Ma!" Malakas kong sigaw at nawala ang nasa paligid ko.

"Check the heartbeat." Bumungad sa akin ang ilaw mula sa kisame ng hospital at ang mga doctor na nagmamadaling pumunta sa akin.

Buhay pa ako?

Pero nasaan ako kanina? anong nangyari? paano?

Bago pa masagot ang mga katanungan ko, nawalan na naman ako ng malay.

---

Third person's POV

Nailipat na ng silid ang dalaga pagtapos ng kaniyang operasyon, hindi parin tiyak ng mga doctor kung ano na ang kalagayan niya dahil naging maayos ang bone marrow transplant pero hindi parin tiyak kung gagaling na ang dalaga.

"Gigising na ba ang anak ko?" Pagtatanong ng kaniyang ina sa doctor.

Nandito parin silang lahat at nagbabantay sa dalaga, puno ng pag aalala ang mga muka nila habang pinapanuod ang dalagang nakahiga sa kama at may mga aparato sa buong katawan.

"Hintayin nalang po natin ang pag gising niya, dahil ayos naman ang lagay niya sa ngayon mamaya lang ay ililipat na natin siya ng kwarto para mabantayan niyo siya ng maayos." Mahabang tinuran ng doctor.

"Maraming salamat, nakaya ng Anak ko ang operasyon. Kaya sigurado akong makakaya rin niya makaligtas." Saad ng Ama ng dalaga.

Simula kagabi ay sila na ang nagbabantay sa dalaga sabi ng doctor na baka abutin pa ng ilang araw bago siya magka malay. Mas naging delikado pa ang lagay niya kagabi dahil hindi na talaga siya humihinga at wala ng buhay. Kaya tinitiyak maya maya ng mga doctor na ligtas ang pasyente.

"Kumain po muna kayo, baka po magalit sa akin si Yhonna kapag nalamang nag papagutom kayo." Saad ng binatang si Keijo at inabutan ang nanay ng dalaga.

Bakas rin sa muka nila ang pagod dahil wala parin silang pahinga mabantayan lamang siya.

"Ayos lang ijo, hihintayin ko magising ang anak ko." Pagtanggi niya.

"Yerie..you need to eat for our daughter. Siguradong malulungkot 'yun kapag nalamang hindi kapa kumakain." Inabot ng matanda ang pagkain. "Pwede ka munang magpahinga kami muna ang mag babantay." Dagdag pa niya.

Pero agad na umiling ang ina ng dalaga at nag pumilit manatili.

"She will survive, she promise that." Sambit ng binatang si Zaiker na sinang ayunan nila.

"Matapang si Yhonna, hindi niya tayo iiwan. May utang pa siyang kailangan bayaran." Sambit pa ni Keijo. Ang binatang gagawin ang lahat maging ligtas lang ang babaeng minamahal niya.

---

Yhonna's POV

Masakit, nararamdaman ko na naman ang sakit. Anong nangyari?

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now