CHAPTER 28

94 6 9
                                    

"Tara na, i a-annouce na ang panalo." Hinila ako ni Meli patungo sa court dahil duon sasabihin ang mga nanalo sa battle of the bands.

Inaantok panga ako dahil hindi sapat ang tulog ko kagabi at nung mga nag daang araw. Baka pagtapos nito makapag pahinga na ako.

"Kinakabahan ako." Sambit ni Ryona habang madiin ang hawak sa kamay ni Chescka.

"Beh ako yung mas kinakabahan sayo, ang diin ng hawak mo sakin." Palihim kaming natawa nila Ellie sa pag nguso ni Chescka.

"GOOD MORNING STUDENTS! WE ARE HERE TO ANNOUNCED WHO WINS!" Malakas na palakpakan ang sinagot naming lahat sa pahayag ng Dean namin.

Mas humigpit ang kapit ko kay Meli at nakayuko ako habang nag papadyak.

"OF COURSE OUR UNIVERSITY!" Nag talunan ang ibang music club members habang ako napa tulala hindi pa pumapasok sa isip ko ang nangyayari ngayon.

"Wah Yhonna! We win!" Napayakap si Ryona sakin kaya binalik ko ang yakap sa kaniya.

Tinawag kami para umakyat sa stage pero hanggang ngayon wala kaming nakikitang Zaiker dito. Inuna ang grupo nila Ryona at sinuutan ng tig iisang medals. May cash prize rin daw kami kaya mas natuwa ako.

Ililibre ko nga pala sila Meli.

Pag akyat namin agad na sumalubong ang sigawan at palakpakan sabi rin nila Veron na isang beses pa lamang natatalo ang university at last year raw 'yon.

"Nanalo kayo Yhonna." Umalon alon ang muka kilay ni Meli. "May pangako ka sa 'kin." Saad pa niya.

"Oo na. Wala rin naman pasok bukas." Lumapit agad siya sa 'kin at kumapit sa braso ko.

"Kain tayo, libre ko tapos celebrate narin." Napangiti kami ng sabay sabay sa sinabi ni Chescka.

Napag desisyonan naming pumunta sa malapit na café sa University pwede naman kaming lumabas kapat vacant.

"Ano order n'yo?" Nag hanap kami ng vacant sit. Si Chescka at Ellie na daw ang o-order.

Maganda ang buong café presko sa loob, at maganda ang theme vintage.

Maya maya lang bumalik na sila Ellie dala ang mga orders namin. Milk tea ang order ko dahil hindi ko naman alam yung ibang klase ng inumin dito. Napuno ng kwentuhan ang puwesto namin.

"Congratulations!" Nabuga ko ang milk tea na iniinom ko sa muka ni Keijo na ngayon ay naka upo na sa tabi ko.

"H-Hala..sorry sorry Kaijo." Inabutan ako ng tissue ni Meli agad ko namang pinunasan ang muka niya hanggang leeg. Kita ko naman ang pamumula ng tenga, ilong at pisnge niya.

"Bakit ka kasi nangbibigla." Kumuha pa ako ng tissues.

"M-Malay ko bang magugulat ka."

"Ehem." Natigil ako sa ginagawa ko at lumingon kila Meli na may ibang reaksyon ang mga muka habang nakangiti ng nakakaloko.

"E-Eh malamang..magugulat ako bigla ka nalang kasing lumitaw." Iritang sambit ko.

"Surprise tawag du'n, nuba yan Yhonna tagal mo na sa mundo hindi mo 'yun alam." Narinig ko ang hagikgik nila Ryona.

Tinaasan ko siya ng kilay, grabe to magsalita ha.

"Nabugahan ka tuloy Kuya." Natatawang sambit ni Ryona.

"Kelan pa kayo naging close?" Makahulugang tanong ni Ellie.

"Hindi naman kami close." Simpleng sambit ko.

"Hoy Yhonna anong hindi, diba mag bestfriend tayo?" Nakangusong sambit niya.

"Anong bestfriend? kagabi nga lang tayo naging mag kaibigan tapos ngayon bestfriend? wow nag update ka ha!" Mas lumakas ang tawa nila Meli pati siya at natawa narin.

"Ganun talaga para maangas, wala ka talagang alam." Sarap tirisin ng nail cutter ang daming alam.

"Yhonna sunduin kita sa inyo bukas ha." Nag taka naman ako.

"Anong meron bukas?" Humigop muna siya sa inumin ni Ryona at tumingin sa akin.

"Lalabas tayo." Simpleng sagot niya.

"Sorry taong bahay ako, tamad ako lumabas." Sagot ko at nakita ko ang simple niyang pag irap.

Bakla ba 'to sa past life niya?

"Napaka kj mo, minsan lang humiling bestfriend mo e." Nangongonsensya pa ah.

"Pag iisipan ko." Hindi rin kasi ako sigurado kung papayagan ako ni Mama.

"Yehey! congrats ulit bunso at sa buong music team." Tuwang saad niya.

"Thank you Kuya, ano prize ko?" Pagtatanong ni Ryona sa Kuya niya.

"Ano ba gusto mo?" Sana all.

"Kahit ano Kuya." Sagot pabalik ni Ryona.

"Mauuna na ako may klase pa ako at may practice sa basketball." Tumayo agad siya at lumingon sa akin.

"Paalam Yhonna, sunduin kita mamaya." Mahinang sambit niya. Kapag narinig to nila Meli siguradong magtatanong sila.

---

Natapos ang klase namin ng maaga kaya baka maaga rin akong makapunta sa kainan mamaya.

"Oo Meli kaya ko na. May dadaanan lang ako kaya mauna kana." Nakasunod sa akin si Meli at sabay na raw kami umuwi pero hindi pa pwede may trabaho pa ako.

"Ano ba 'yang dinadaanan mo araw-araw ha." Bulyaw niya sa akin.

Binuksan ko ang wallet ko. "Oh heto pamasahe ayan nilibre na kita mauna kana." Tinulak tulak ko pa siya.

"Eh! samahan nalang kita sa dadaanan mo." Ang kulit talaga.

"Dadaanan ako kay Mama sa palengke, wag kana sumama." Palusot ko para hindi na siya magtanong pa.

"Bahala ka nga d'yan." Lumakad na siya papuntang sakayan at lumihis naman ako ng lakad papuntang bayan.

Siguradong magtatampo sa akin yun, hindi rin naman ako sanay manuyo.

"Oh maaga ka ata ngayon Yhonna." Tumango naman ako kay Aling Milda. Kapapasok ko palang at wala pang masyadong tao wala parin yung iba kong katrabaho.

"Maaga po kasi natapos ang klase ko ngayon." Nag suot na ako ng apron at inayos ang gamit ko sa loob.

"Oh sige wala pa namang mga tao, kumain kana ba?" Tanong pa ni Aling Milda at nagsimula na ako mag punas ng lamesa.

"Mamaya na po, ayos lang po ako." Sagot ko.

Maya maya lang nag daraksaan na ang mga tao karamihan mga tricycle driver at dumapi ang gabi at tapos na ako sa aking trabaho.

"Eto ang sweldo mo ngayong araw Yhonna." Pinunasan ko ang kamay ko at kinuha ang pera sa kamay ni Aling Milda.

"Bakit po limang daan? sobra po ng dalawang daan ito." Baka namali lang siya ng bilang kaya inabot ko ang dalawang daan.

"Hindi ija, sa iyo na yan ang aga mo ngayong araw tapos natulungan mo pa aki ng malaki. Sige na tanggapin mo na." Napangiti naman ako dahil sa tuwa.

"Salamat po ng marami." Nahihiyang sambit ko.

Pagtapos ng trabaho ko, lumabas na ako para mag abang ng sasakyan.

"Kanina ka pa ba dito?" Nagulat ako dahil sa pawis at hingal na istura ni Keijo.

"Ginagawa mo dito?" Takang tanong ko at pinalitan niya ng ngiti.

"Sabi ko naman sayo susunduin ulit kita." Kinuha niya ang bag ko at nagsimula na mga lakad. Habang ako naiwang nakatulala dito.



Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now