CHAPTER 6

205 101 55
                                    


Hindi ako makagalaw ng mga pagkakataon na ito halos 16 years ng buhay ko hindi ko sya nakita, nakasama at lumaki akong halos walang kilalang ama.

Pero ngayon kitang kita ng dalawa kong mata ang lalaking kausap ni mama, ang lalaking dahilan ng mga pag iyak nya, ang lalaking hindi ko inakalang makikita ko lang sa mga litrato dati ay nasa harapan ko na ngayon.

Anong ginagaww nya dito? babalikan nya na ba kami ni mama? kukunin nya ba ako? alam ba niyang may anak syang halos naghihintay sa kanya araw at gabi? ang dami kong bakit sa buhay dahil sa pangungulila sa isang tatay.

Hindi tumatakbo ang utak ko, natotorete ako ngayon hindi ko alam ang gagawin ko, yayakapin ko ba, sisigawan ko ba sya, hindi ko lubos isipin na nadito sya ngayon.

"Tita", nabalik ako sa pag iisip ng tawagin ni Meli si Mama, bumalik sa akin ang mga panahong nahihirapan kami at walang tumutulong nandito parin sa isip at puso ko kung paano ko hinanap nun si papa kung gaano ko sya katagal hinintay dumating pero wala!, lagi syang wala.

"Yhonnanica", mahina at nagulat na tawag ni mama sa akin.

"It's that she?", nadako ang tingin ko sa lalaking nakatayo na sa harapan ko ngayon ang taong bumuo sakin pero hindi sa buhay ko.

"Anak", sa loob ng 16 taon tinawag nya akong anak?!.

T*ng*na naglolokohan ba tayo dito? halos wala sya nung unang nilabas ako, nung nabinyagan ako, yung una kong pagsasalita, yung una kong paglalakad, nung una kong pagpasok sa school, mga achievements kong wala sya. Anak?!.

"Mama paalisin mo sya, bakit sya nandito?", pagtatanong ko kay mama na kanina pa nakatingin sa akin, sa amin ni papa.

"Y-Yhonna--", hindi na natapos ni mama ang sinasabi nya ng lumakas ang aking paghikbi.

"BAKIT KA NANDITO HA?!", pati si Meli napaatras ng marinig ang malakas kong sigaw.

"Nak, let's me explain uhm", halos mataranta rin sya at hindi alam ang gagawin.

"I don't need your explanation and I don't have a father", pasagot ko at patuloy na pag agos ng mga hula ko.

"Anak, I don't mean that", narinig ko rin ang mahinang pag iyak ni mama. "Hindi ko kayo kayang iwan nung mga pagkakataon na iyon pero", dagdag pa nya.

"Pero ano?! ginawa mo pa rin kailangan ka namin nung mga pagkakataon na iyon pero ano nasan ka ha?! wala at hindi na kita kinalala pa", sambit ko subalit mas bumigat lang ang pakiramdam ko ng mga pagkakataon na iyon. mabigat sa dibdib sobrang bigat.

Agad akong tumakbo kay mama at hinawakan sya sa braso.

"Ma, paalisin mo sila mabigat ang pakiramdam ko", nagmamakaawang saad ko.

Agad na tumango si mama at gamit ang dalawa nyang hinlalaki at pinunasan ang mga luha ko.

"Pwede bang umalis nalang kayo at wag ng babalik pa", mahinahong sambit ni mama. nakita ko ang pagtingin nya kay papa na puno ng pangugulila.

"Pero Yerie kailangan kong makilala ang anak natin", napatingin ako kay papa na deresyong nakatingin sa mga mata ni mama.

"Hindi mo sya anak, wala tayong anak pakiusap ayaw namin ng gulo kaya pwede bang umalis ka nalang tahimik na ang buhay naminng mag ina", mas humigpit ang pagkakahawak sa akin ni mama ng mga pagkakataon na iyon.

"Sige aalis ako pero wait for me again Yhonna itatama ni papa lahat ng mali nya", huling katagang sinabi ni papa at kadahilanan ng pagbigat ng aking nararamdaman.

Huling sulyap ko na nung sumakay sya ng saksakyan at umalis, alam kong mali dahil isa sya sa dahilan kung bakit ako buhay ngayon. Pero sya rin ang dahilan ng paghihirap namin noon hanggang ngayon.

---

"Yhonnanica", pagtapos ng nangyari agad akong pumasok sa aking kwarto.

"Yhonnanica kakain na tayo", tawag ulit ni mama, ayaw ko pa syang magalit sakin kaya agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

Magsasalita palang ako ng biglang sumungab ng pagyakap si mama, hindi ko na napigilan ang pagtula mulit ng aking mga luha.

"Nak sorry ha, pasensya na kung lumaki kang walang ama, kung lumaki kang ako lang ang nandito kaya nangangako si mama hindi kita iiwan at gagawin natin ang lahat makaahon lang sa hirap", saad ni mama habang hinihimas ang aking likod.

"M-Ma a-ayos lang po basta wag nyo ko iiwan lagi ka lang pong dito sa tabi ko", patuloy parin ang aking pag hikbi.

Kanina pa tulo na tulo ang mga luha ko hindi ba kayo napapagod kasi ako pagod na pagod at wasak na wasak na.

I don't want to feel any kind of pain now, i just want to be happy together with my love once not this kind of sh*t.

"Mama..", nasa ganun parin kaming posisyon ng tawagin ko sya.

"Hm?", agad na humiwalay ng yakap si mama at tumingin sa 'kin.

"Kain na po tayo at ayaw ko ng maalala ang nangyari kanina", sambit ko at ngumiti.

Alam kong hinding hindi ko malilimutan ang araw na ito araw na una kong nakita ang taong nagbigay buhay sa akin, ang taong hindi ko kilala ng lubusan pero matindi ang pangugulila at galit na aking nararamdaman.

Papa, bakit kasi ganun pa?, bakit kailangan pang lumayo ka?, minahal mo ba kami? si mama?, kailangan kita nuon hanggang ngayon pero alam kong hindi na pwede dahil may nauna.

Nasa hapag na kami ni mama tahimik lang kaming kumakain ng basagin ko ito.

"Ma, aalis po ako", naalala ko yung about sa vacation next Saturday mas maayos na at maaga akong magpapaalam.

Agad namang napahinto si mama at tumingin sa akin.

"Aalis?, saan ka naman pupunta? iiwan mo si mama", ng dahil dun hindi ko mapigilan matawa.

"Mama hindi po kita iiwan, next saturday po kasi may vacation pong inihanda ang university para sa lahat ng shs to college hindi ko po gusto sumama dahil yung pera na gagamitin ko dun dagdag ko nalang sa tuition ko", mahabang paliwanag ko at narinig ko ang paghinga ng malalim ni mama.

"Pero sagot po ako ni Ryona yung mga bago po naming kaibigan ni Melissa", dagdag ko pa.

"Ilang araw ba kayong mawawala?, baka matagal nak hindi ko kayang hindi ka makasama", nalungkot bigla ang muka ni mama.

"2 days po babalik din po kami ng sunday ng hapon or gabi", nakangiting sambit ko at agad na niyakap sya.

Katulad ni mama hindi ko gustong nalalayo sa kanya lalo na ngayong todo bantay sya sa 'kin hindi ko rin naman sya masisisi kailangan ko ng gabay ngayon.

Yung dalawang araw na iyon mahirap na yun kay mama siguradong segu segundo syang tatawag at kakamustahin ako.

Sobrang swerte ko na kaya mama, kahit siguro sya na ang tumayong ama at ina sa 'kin sa loob ng mahabang panahon sobrang swerte ko na, Hinding hindi ako pinabayaan ni mama kahit isang beses.

At sa unang pagkikita namin ng aking ama, mas napatunayan ko lang na hindi ko na siya kailangan pa.

Kontento na ako sa isang inang laging nandyan sa tabi ko, isang inang lagi akong dadamayan sa mga problema.

Mama, hindi ko maipapangako pero hindi kita iiwan, Mahal kita higit pa sa buhay ko.

---
A/N: Sorry for late update, I'm kinda a busy these few days. Wala akong maisip sa part na ito so love lots!

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ