CHAPTER 19

106 13 13
                                    

"Ayos ka lang ba? bakit namumutla ka at bakit hindi ka pumasok kaninang umaga?" Sunod sunod na tanong ni Chescka.

Katatapos lang ng Class at nandito kami ngayon sa field vacant for 2 hours.

"A-Ah..may emergency lang kasing nangyari ..kaya hindi ako nakapasok kanina." Mahina kong sambit.

"Are you sure? you ok?" Tanong pa ni Ellie.

Tumango ako at bahagyang ngumiti sa kanila. Ayaw ko pang sabihin kung ano talaga ang nangyari sakin ayaw kong mag alala sila at maawa.

"Wala kasi prof namin kaya pinag isa nalang ng room ang A at B." Kaya pala nasa classroom namin sila dahil wala silang prof.

"Pero sa next class hindi na sayang sana mag kaka-klase nalang tayo." Busangot na saad ni Chescka.

When I see them,  I feel so happy and relieved how can I tell them the truth. Umaasa pa naman silang mananatili lang ako at hindi kami mag iiwanan pero mukang ako pa ang unang mang iiwan.

Natanggap ko na naman na konting panahon nalang ang itatagal ko dito sa mundo sumuko na ako. Hindi ako matapang e.

"May alam ba kayong trabaho?" Kailangan ko at namin ni Mama ng pera dahil nagastos pa niya para sakin ang tinatabi niya at pinag hirapan niya sa paglalako sa palengke.

"Trabaho? para kanino?" Tanong ni Meli.

Alam ni Meli ang sakit ko last year lang ako nagka lakas ng loob sabihin sa kaniya. Todo iyak panga ang gaga kala raw niya mawawala na ako, saan ko raw nakuha ang sakit ko. Simula nun hindi niya na ako hinahayaan mapagod, mag isa, lagi lang siyang nandyan para sakin.

I'm lucky to have a bestfriend like her and them.

"Magiging working student ako." Mahina kong sagot.

"Huh? why Yhonna?" Tanong ni Ryona kita ko rin ang pagtataka sa mga muka nila.

"K-Kailangan ko lang kumita at makatulong kay Mama." Piniga piga ko pa ang kamay ko sa kaba.

"Pwede ka namang mangutang sa akin o sa amin." Nag angat agad ang tingin ko kay Ellie.

"Yup pwede naman yun Yhonna magkano ba ang kailangan mo?" Sambit pa ni Ryona.

"W-Wag na...ayaw ko magka utang sa inyo." Ayaw ko magkaroon ng utang na loob sa kanila alam ko masyado na nila akong natutulungan ayaw ko na madagdagan yun.

"Bakit naman? pwede ka naming pautangin kahit wag mo munang bayaran." Sambit pa ni Chescka.

"Gusto ko... Gusto kong magkapera galing sa pinaghirapan ko ayaw ko na magka utang na loob sa inyo."

"Pero Yhonna." Magsasalita pa sana si Chescka pero agad siyang pinigilan ni Ryona.

"Sige susubukan ko magtanong kay Mommy kung may alam siyang pwede mong pasukan." Tumango at ngumiti naman ako kay Ellie.

"Basta Yhonna magsasabi kalang kung may problema ba." Kahit gusto ko man sabihin sa kanila pinipigilan ako ng isip ko na baka pati sila mahirapan ng dahil sakin.

---

"Yhonna!" Napalingon ako kay Meli na tumatakbo papalapit sakin.

Pupunta lang akong restroom para mag ayos dahil may next class na kami.

"B-Bakit?" Alam kong magtatanong siya kung may problema ba.

"Alam kong hindi basta basta emergency ang nangyari kanina kaya hindi ka nakapasok." Sabi nanga ba hindi ako makakapagtago sa kaniya.

Hindi agad ako naka sagot at pumasok na sa restroom.

"Yhonna nangyari na naman ba?" sumagot ka sakin." Sinundan ako ni Meli at hinawakan ang kamay ko para makaharap sa kaniya.

"M-Meli...h-hindi ko na kaya." Pinipigilan kong lumandas ang luhang kanina ko pa gustong ilabas.

Agad niya akong niyakap at hinimas himas ang ulo ko.

"Kaya mo yan diba nga malakas ka, kakayanin mo yan." Pagpapagaan niya sa loob ko.

"Nahihirapan na si Mama.. K-Kailangan namin ng pera kaya ayaw ko mag pa opera." Kahit na anong tapang meron ako ang pinaka ayaw kong makita ay nahihirapan sila dahil rin sakin.

"Mahal na mahal ko kayong lahat ayaw ko...Ayaw na ayaw kong maghirap kayo. Kahit sakin nalang kahit na ako nalang ang mahirapan wag lang kayo. Ubos na ubos na ako." Mas humigpit ang yakap sakin ni Meli.

Pinalabas ko muna si Meli sabi ko hintayin niya nalang ako sa classroom susunod agad ako.

Tinignan ko ang istura ko sa salamin, namumutla ang muka at labi ko, mapula naman ang mata ko dahil sa kakaiyak pagtapos lumabas ni Meli.

Naghilamos ako at nag lagay ng pulbos sa muka at lipgloss para hindi walang makahalata.

Lumabas na ako at dumeresyo sa classroom, pagdating ko hindi muna ako kinausap ni Meli baka gusto niya muna akong mag isip isip.

Walang pumapasok sa utak ko sa buong klase nakatingin lang ako sa bintana.

---

"Oh Yhonna ang sabi ni Ryona kakapasok mo lang raw?" Kumapit sa braso ko si Veron at sinuklian ko nalang siya ng ngiti.

Nasa music club na ako katatapos lang ng break si Meli pumunta sa library baka hindi na kami sabay na makauwi mamaya.

Late na ang practice it's almost 5:30 pm na dapat nakauwi na kami.

"May emergency lang kasi." Mahina kong sagot at dumeresyo na sa loob.

"Ah sige dito muna ako." Paalam niya sakin.

Nilibot ko lang ang mata ko nauna na daw pala mag practice ang grupo nila Ryona kaya wala na sila dito.

Tss, paano yan wala akong kasama dito.

"TARA NA START NA!" Malakas na sigaw ni James.

Agad nagpuntahan sa stage ang grupo namin, hindi maayos ang pakiramdam ko pero hindi ko alam kung bakit tumuloy parin ako dito.

"Z-Zaiker." Huminga ako ng malalim bago ulit mag salita habang siya nakatingin lang sa akin na parang hinihintay ang sasabihin ko. "H-Hindi ko...kayang mag practice ngayon." Mahina kong sambit habang nakayuko.

"Hm are you not feeling well today?" Tumango naman ako.

"It's fine, just rest here." Sambit niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

Pumunta narin siya sa stage at may sinabi lang kila James mukang tutugtog muna sila ngayon. Naglabas lang ako ng libro at notes ko kahit na walang pumasok sa isip ko ngayong araw. Susubukan ko rin munang maghanap online o kung saan-saan ng pwede kong pasukan.

Mga isang oras at kalahati rin ang tinagal ng practice ngayon nagliligpit na sila ng mga instruments at speakers para makauwi narin.

Naghihintay na ako ng masasakyan ngayon, malapit na mag alas-syete pero nandito parin ako sa University baka mapagalitan ako ni Mama.

Kapit kapit ko lang ang bag ko at naghihintay parin ng pwedeng masakyan baka may jeep pa naman o tricycle.

Dapat talaga hindi na ako pumunta sa music club ngayon eto ako naghihintay parin ngawit na ngawit na ang paa ko.

"Hey." Jusko lord kagagaling ko lang sa hospital. Wag nyo naman po akong kunin agad.

Hindi ako lumingon sa kumalabit sakin baka mamaya magnanakaw to baka mamaya may kutsilyo siyang dala dala at saksakin ako.

"Yhonna." Agad naman akong tumalikod at lumingon sa kaniya. "Let me drive you home. It's already late." Sambit ni Zaiker.


Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now