CHAPTER 33

104 6 5
                                    

Ilang linggo ang lumipas. Sunod sunod ang chemotherapy na ginawa sa akin, pag inom ng iba't ibang gamot, at pagtingin sa kalagayan ko.

Nakatayo ako sa harapan ng salamin. Kitang kita na ang laki ng pinayat ko, ang balak kong namumutla, malalim rin ang mga mata ko, dry ang lips ko, at ang buhok kong unti unting nalalagas. Kahit nga konting galaw lang may mga nalalalag na buhok.

"Yhonna." Tumingin ako sa nurse na laging nagbabantay sa akin.

"Si Mama nasaan po Ate Cherry?" Lumapit siya sa akin para alalayan akong umupo.

"Umalis ang Mama mo habang tulog ka, may pupuntahan lang daw siya." Napatango naman ako baka maghahanap na naman siya ng pera para sa bills ko dito sa hospital.

"Ate Cherry." Panimula ko napatingin naman siya sa akin. "Gaano po ba kalaking pera ang nagagastos na sa akin?" Tiyak na bawat araw ko dito sa loob ng hospital, ang bawat chemotherapy, ang bawat bagay na kailangan ko ay malaki ang halaga.

"Yhonna. Oo malaki na ang nagagastos para sa 'yo pero isipin mo nalang kailangan mong gumaling para makabawi sa mga tumulong sa iyo." Ibinaba niya ang pagkain sa lamesang katabi ko. May kasama narin 'yung mga gamot at may ituturok na naman sa akin.

"Oo nga pala, may nag bayad ng bills mo for one month." Kumunot ang noo ko at lumingon kay Ate Cherry na malawak ang ngiti.

"S-Sino po?" Wala akong ideya kung sino ang pwedeng mag bayad ng bills ko.

"Boyfriend mo 'yun diba, kanina nandito siya para bayaran ang bills mo." Ngumiwi ang muka ko.

Kelan ako nag ka boyfriend?

"Ate wala naman akong boyfriend, ano po bang pangalan?" Inayos niya ang wheelchair ko.

"Keijo? ganung pangalan ang narinig ko sa nurse." Huminga ako ng malalim. Nung nakaraang linggo sabi ni Mama may nagbayad na raw ng lahat lahat ng kailangan ko dito sa hospital at sila Ryona 'yun. Tapos ngayon siya naman. Masyado ko na silang na aabala.

Madalas ring pumupunta sila Ryona dito. Pagtapos ng klase nila dumederesyo sila sa akin para tulungan akong mag aral kahit na nasa hospital ako nakaratay.

Sobrang hirap kapag sinasalang ako sa chemotherapy, siguro rinig sa buong hospital ang kada sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Naiiyak nalang ako at gusto silang patigilin parang chemotherapy palang pinapatay na ako.

Paano pa kaya ang operasyon ko?

"Iiwan muna kita, babalik ako pagtapos mo kumain. Ang mga bilin ko Yhonna." Paalala sa akin ni Ate Cherry bago niya ako tuluyang iwan.

Sa mga nag daang linggo ang daming pinagbago. Kahit sa gabi nahihirapan akong matulog dahil sa sakit ko. Hindi ako pwedeng kumain ng kung ano ano. Lalo nang hindi ako pwedeng lumabas ng room na 'to debale nalang kung mag papaaraw ako dahil kinakailangan ko rin ng enerhiya.

May mga times na bigla nalang sasakit ang ulo ko na parang hinihiwalay ang kaluluwa sa katawan ko tapos biglang may tutulog dugo galing sa ilong ko o minsan nasa pag ubo ko narin. Sobrang hirap araw araw akong pinahihirapan.

"Yhonna." Nag angat ang tingin ko sa taong kumatok sa pintuan.

"Oh Keijo.." Lagi naman niya akong binibisita lalo na kapag wala akong kasama.

"Kumain kana?" May dala na naman siyang mga prutas na pwede sa akin.

"Kakain palang, ikaw?" Lumapit siya sa akin at pinaikot ang wheelchair ko palapit sa lamesa.

"Wag mo 'kong intindihin. Ikaw ang kailangang kumain." Hinila niya ang upuan at tumabi sa akin. Hinalo halo pa niya ang vegetable soup at sinimulan akong subuan.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now