CHAPTER 29

97 6 11
                                    

"Dapat kasi hindi kana nag abalang ihatid ako." Kababa ko lang ng sasakyan ni Keijo.

"Ipingako kong ihahatid kita." Napakamot naman siya sa batok niya.

"Sige na mauna kana, papasok na ako." Binuksan ko na ang gate ng dahan dahan baka mamaya magising si Mama.

"Wait Yhonna." Napahinto ako at nilingon ulit siya.

"Hmm may kailangan kapa?" Inaantok narin ako.

"Sunduin kita bukas, diba nga... ano labas tayo." Mas humina ang boses niya.

"Bakit ba gusto mong lumabas tayo?" Nakakataka narin 'to.

"W-Wala lang...may gusto lang akong sabihin." Tumaas ang isang kilay ko.

"Pwede naman ngayon ay, ano ba 'yun?" Lumapit ako ng kaunti.

"H-Ha? wala wala." Nagulat ako nung bigla itong tumakbo papasok sa sasakyan niya at umalis na.

"Adik 'to." Huminga ako ng malalim.

Pagpasok ko sa bahay dumeresyo ako sa kwarto ni Mama at nakita kong tulog na nga siya. Pag punta ko sa kwarto kumuha ako ng damit para makapag palit na at makapag pahinga na ako.

Nagpupunas na ako ng buhok na may napansing nakalagay maliit na box sa tabi ng kama.

Hindi ko 'to napansin kanina.

Kinuha ko 'yun, may nakalagay pang sticky notes.

"Yhonna."

"This is for you my daughter, I don't know what's things do you like but i want to give you this."

-Papa.

Mahina kong pagbasa, umupo ako sa kama at binuksan ang kahon.

Kwintas.

Isang silver necklace na angel ang design at may nakalagay na Yhonna.

Napangiti ako at inayos ang buhok at nilagay ang kwintas. Tumayo at humarap sa salamin para makita ang istura nito. Ang ganda.

"Salamat Papa." Hinawakan ko ang kwintas at ngumiti.

---

"Meli umagang umaga ano ba kailangan mo?" Kumakain ako dahil tanghali na ako nagising ngayon at itong babaeng 'to kanina pa raw nandito sabi ni Mama.

"Hoy! tanghali na." Pagtatama niya sakin pero tinuloy ko lang ang aking pag kain.

"Diba may usapan tayo? ililibre mo ako ngayon." Mabagal niyang saad.

"Tss oo na, ano bang gusto mo?" May ipang lilibre naman ako dahil rin sa kinita ko sa kainan.

"Libro, samahan mo 'ko sa book store." Binababa ko ang kutsara ko at nilingon siya.

"Kelan kapa sinipag mag basa?" Nakita ko naman ang pag angat ng labi niya at inirapan ako.

"Grabe ka ha! masama ba mag bagong buhay?" Kumuha siya ng hotdog at sinubo 'yun.

"Ayaw ko. Dito nalang ako sa bahay bibigyan nalang kita ng pera." Niligpit ko ang plato ko at dinala sa kusina. Ramdam ko naman ang pag sunod niya.

"Hala eh sinong isasama ko?" Sumandal siya sa pader at nakanguso sa akin.

"Sa kapatid mo, sa boyfriend mo bahala ka." Inumpisahan ko nang hugasan ang platong ginamit ko.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now