CHAPTER 15

117 18 17
                                    

"Mama bakit ano pong nangyari?" Pagkababa ko nakita ko agad si Mama na naka upo at parang ang lalim ng iniisip.

"A-Ah Yhonna kumain kana may pasok ka pa ngayon diba." Agad siyang tumayo at nilalayan akong umupo at nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko.

"Ma..may nangyari po ano po 'yun." Alam kong may nangyari kay Mama o may problema kagabi pa siya tulala at parang may iniisip.

"Nag sara ang pwesto ko sa palengke dahil hindi pa ako nakakapag bayad ng upa." Naangat agad ang tingin ko kay mama na hinahanda parin ang almusal ko.

"Ma..magkano po ba ang kailangan? bawasan mo po muna yung ipon ko medyo matagal pa naman ang college." Mahina kong sabi. Mahalaga ang pwesto ni Mama sa palengke kasi malakas ang benta niya duon at duon kami kumukuha ng pagpapaaral at pag kain namin.

"Naku ka naman Yhonnanica wag na." Narinig ko ang malalim niyang pag hinga at kumamot pa sa ulo. "Hindi natin babawasan ang pang college mo kailangan mo yun."

Kinuha ko ang plato at sumandok ng ulam. "Hindi ko naman po alam kung aabot pa ako sa college." Mahina kong sambit at malalim na tumingin sa plato.

"Anak." Umupo si Mama sa aking tabi at hinagod ang ulo ko. "Wag kang magsalita ng ganyan makakapasok ka sa college pinangako mo sakin yan diba." Tipid nalang akong napangiti.

Ngasimula na ako kumain ng may napansin ako sa lamesa, madami kasing laman may nakalapag pang isa o dalawang sako ng bigas at mga delata kung ano ano pa.

"Ma saan po galing ang mga yan? bakit ang dami? relief goods ba yan mula sa baranggay?" Bumagyo ba para mamigay sila ng ganyan kadaming pagkain?

Pwede na kami magtayo ng sari-sari store e'.

"Sa Papa mo." Nabitawan ko ang kutsara at dahan dahan tumingin kay Mama.

Hindi paba ako nakakapag linis ng tenga o tama ang pag kakarinig ko?

"Kahapon yan..d-dumating wala ka pa dito sa bahay nakita ko na nakalagay yang mga yan sa pinto." Tumayo si Mama at may kinuha sa isang notebook niya.

"Nakasulat yan dun kaya alam kong sa Papa mo yan galing." Nilapag ni Mama sa lamesa ang isang puting sobre.

I opened it.

Yhonna.

Name ko agad ang unang bumungad sa pag bukas ko ng sobre.

"I know i hurt you and your mother several times, but i want to give those things and this simple letter for you. Hindi ako naging mabuting ama sa 'yo madami akong pag kukulang ni hindi manlang kita nakitang lumaki."

"I want to know you more my daughter I know you hated me but please let's me explain first. Simula sa araw na 'to susubukan ko maging mabuting ama sayo kahit na wala ako sa tabi mo."

-Papa.

My heart ache after reading it.

Nagtutubig na ang mata ko at sobrang sikip ng dibdib ko, it's just a simple letter pero yung sakit, saya, at galit magkakasama na. Gusto ko maranasan magkaroon ng isang Ama, gusto ko makompleto yung pagkatao ko kahit saglit lang. Gusto ko rin makilala si Papa at makasama siya pero pinangungunahan ako ng takot, at galit nakulong ako sa pangugulila sa kaniya sa matagal na panahon.

---

"Yhonna tulala ka na naman." Kumapit sa braso ko si Melissa.

Pagtapos ng nangyari kanina hindi na ako nakakain ng maayos, nag paalam na muna sakin si Mama na maghahanap ng pera para sa pangbayad ng pwesto niya sa palengke.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora