CHAPTER 32

96 4 3
                                    

"Anak kumain ka muna." Inilagay ni Mama ang lugaw sa tabi ko. Wala naman akong gana kumain tumatakbo sa isip ko ang operasyon na kanina pa nila pinag uusapan.

"S-Si Keijo po nasa'n?" Nakita ko lang siyang lumabas kanina pero ngayon hindi parin nakakabalik.

"Uuwi lang daw s'ya saglit at may pupuntahan rin daw." Tumango naman ako. Hindi na niya kailangan pang magtagal dito ayaw kong malaman nila Ryona kung anong lagay ko.

"Ma...uwi na tayo. Ayaw ko dito." Inilayo ko ang kamay ni Mama na susubuan na sana ako.

"Nak..pa opera kana kasi, kaya naman ni Mama ang mga bayarin." Pakiusap niya sa 'kin.

"Eh ako Ma? kaya ko ba? halos walang pag asang makakaligtas ako sa operasyon na 'yan. Oo malakas ang loob ko matapang ako pero kapag kayo 'yung nakikita kong nahihirapan gusto ko nalang sumuko." Pagod narin siguro ang mga mata ko sa kakaiyak kaya ni isang luha walang lumabas.

"Kakayanin namin Yhonna." Hinawakan ni Mama ang pisnge ko. "Kaya kailangan kayanin mo rin." Tipid siyang ngumiti sa 'kin at pinunasan ang luha ko.

"Bakit ka nagsinungaling kay Mama?" Huminga ako ng malalim.

"S-Sorry Ma...hindi ko po sinabi sa 'yo dahil ayaw kong mag alala ka. Ayaw ko rin pong mas mahirapan kayo." Tumabi sa akin si Mama at niyakap ako. Agad ko naman siyang niyakap pabalik.

"Sinabi ko naman sayo na basta kaya ni Mama gagawin niya lahat para sa iyo. Hindi mo kailangang mag trabaho at mag lihim sa akin para lang matulungan ako." Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.

"M-Ma...s-susubukan ko po. Lalaban ako." Kahit alam kong walang kasiguraduhan na makakaligtas nga ako ayaw ko lang masayang lahat ng pinag hirapan ni Mama.

"Lalaban ka Anak, kakayanin mo 'yan."

"Yhonna!" Agad namang bumitaw si Mama sa akin at binigyang daan si Meli na ngayong nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Kitang kita ko rin ang pag aalala sa muka niya.

"Allure naman!" Nabigla ako dahil sa pag yakap niya at biglang humagulgul.

"Hoy! M-Meli." Hinihimas ko ang likod niya. "Hindi pa 'ko patay." Pilit akong tumawa.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin ng masama. "Kahit na gaga ka pala e' alam mo bang pagtapos ng klase namin agad kaming dumeresyo dito." Nagtaka naman ang muka ko.

Kami?

"Anong kami? sinong kasama mo?" Pinunasan niya ang muka niya at tumingin sa pintuan.

Agad naman akong yumuko nung makita ko sila Ryona sa pintuan at halatang nag aalala rin sila. Kaya ayaw kong ipaalam sa kanila ang kalagayan ko. Ayaw kong makitang nahihirapan sila o naaawa dahil sa akin.

"Yhonnanica." Lumapit sa akin si Chescka at niyakap agad ako. Nahirapan akong yakapin siya pabalik dahil sa mga aparatong nakalagay sa akin.

"Tahan na, ano bang ginagawa niyo dito? papasok narin ako bukas." Narinig ko ang mahina niyang mura sa akin kaya mas natawa ako.

"Hindi ka pa pwede pumasok, nakakaasar ka. Bakit ka nag sikreto sa amin ha?!" Humiwalay ako ng yakap at tumingin kila Ryona.

"Kuya told us. He told us what happened last time." Tumango naman ako hindi ko parin naman nakakausap ng maayos si Keijo simula nung nangyari 'to.

"We are here to help you Yhonna, don't worry about the operation. Handa kaming tulungan ka." Saad ni Ellie at hinawakan ang palad ko.

"Hindi na kailangan." Agad kong sagot.

"But why? you will survive." Umupo sa tabi ko si Ryona.

"Walang kasiguraduhan." Pagtatama ko. "Ayaw kong mag sayang kayo ng panahon sa akin. Hindi ko kakayanin na pati kayo mahirapan." Ayaw ko ng atensyon, ayaw kong humihingi ng tulong sa iba, gusto kong pagsikapan lahat ng bagay.

Hindi ko kaya.

"Hindi mo naman kailangang ibalik ang itutulong namin sa 'yo. Matagal na tayong mag kaibigan Yhonna. And this time ako naman ang tutulong sa 'yo." Parang ibang tao si Meli ngayon mas nag matured ang isip niya.

"Tita kaibigan po kami ni Yhonna. Handa namin siyang tulungan." Nakita ko ang pagyuko ni Mama at ngumiti sa aming lima.

"Maraming... Maraming salamat." Mahina kong sambit.

Naiwang kaming lima. Kakalabas lang ni Mama para kausapin ang mga doctor at sabihing pumayag na ako mag pa opera.

"Kumain na ba kayo?" Naglabas pa ng mga libro sila Ellie at para daw may ma notes ako.

"Tara Ryona samahan mo 'ko sa labas bili tayo pagkain." Tumango naman si Ryona at sumama kay Meli.

"Wala bang masaydong assignment kanina?" Kahit na nasa hospital ako ngayon hindi pwedeng hindi ako makagawa at mahuli sa klase.

"Wag mong isipin 'yun, pwede ka namang umabsent para sa operation mo. It's just an assignment but your health is more important." Saad ni Ellie kaya napasimangot ako.

"Kelan pa iyang leukemia mo?" Biglang tanong ni Chescka.

"Three years narin, stage 3." Huminga sila ng malalim.

"Natiis mo 'yun ng tatlong taon?" Tanong ni Ellie kaya dahan dahan akong tumango.

Naalala ko mga dalawang taon palang ako nagagamot dahil nung una hindi ko naman 'to masyadong pinapansin. Akala ko simpleng sakit lang.

"Leukemia is a dangerous type of cancer, mahirap humanap ng bone marrow donor." Saad ni Chescka. Alam ko 'yun kaya nga nawawalan ako ng pag asa. Saan naman ako hahanap ng ka match ko at isa pa ang gastusin.

Natahimik kami dahil sa pumasok na nurse at doctor. Kasunod rin si Mama.

"How are you Yhonna?" Lumapit ang nurse sa akin at chineck ang mga aparatong nakalagay.

"Maayos lang po." Ngumiti naman siya.

"Mag papa opera kana." Tumango naman siya. "Pero hindi kakayanin ng hospital na 'to ang para sa operasyon mo ija. I already told it to your mother kaya ililipat ka namin para sa gaganaping operasyon mo." Lumapit si Mama sa akin si hinamas ang ulo ko.

"A-Ang para po sa donor?" Paano kapag wala akong ka match paano kapag hindi ko kinaya.

Tumatakbo na naman ang overthink sa utak ko.

"Ang sa donor ija, sinisimulan na naming hanapan ka but I'm telling you hindi madali maghanap ng donor at hindi rin madali makahanap ng ka match." Sambit niya na nagpabalis ng tibok ng puso ko.

"Isasalang kapa sa mga chemotherapy. Kailangan mong mas mag ingat hanggang hindi pa ginaganap ang operasyon mo. Ililipat ka ng hospital para masimulan ang treatment para sayo." May nilapag ang nurse sa table na parang mga gamot.

"Mother always make sure na hindi po siya mapapagod dahil kailangan niya ng energy at malakas na pangangatawan para matiyak na makaya niya." Agad namang tumango si Mama.

"You're still young Yhonna, you can do this." Pag papalakas ni Doc sa loob ko.

"There's a 50% that you can survive and 50% that you can't. You need to be brave and face it ija." Sambit pa niya bago sila tuluyang umalis.

fifty-fifty ang buhay ko. Nakataya sa akin kung kakayanin ko. Kahit na walang kasiguraduhan kailangan kong sumugal. Madami akong pinangako kay Mama at pati narin na hindi ko pa nakakasama si Papa.

Ayaw ko silang iwan pero unti unti na akong pinanghihinaan ng loob. Kung ano anong tumatakbo sa isip ko.

Kakayanin ko ba?



Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now