CHAPTER 26

97 8 9
                                    

Hinihila pa ng higaan ang buo kong katawan dahil sa kapaguran. Anong oras na akong nauwi kagabi buti nalang tinutoo ni Keijo ang sinabi niya at inihatid ako. Naalala kong hindi na ako nakapag pasalamat sa kaniya dahil sa kaantukan.

Heto ako ngayon kaka bangon lang pilit na kasi akong ginigising ni Mama kung pwede lang wag na pumasok at dito nalang ako sa kwarto mag damag. Pero ngayon ang band battle bawal ako ma late dahil pwede rin kaming mag practice pa. Baka gabihin ulit ako mamaya.

"Ma, baka gabihin po ako mamaya dahil rin sa band battle." Kinuha ako ni Mama ng plato at nag lagay naman ako ng tubig sa mga baso.

"Ngayon naba iyun? oh sige basta wag ma masyadong mag pagod at uminom ka ng mga gamot mo." Bilin niya sa akin.

"Opo sa ulo ko na lahat ng iyan Ma." Sagot ko bago umupo at mag umpisang kumain.

Pagtapos kumain inihanda ko na ang mga daldalin ko dahil ang instrument na gagamitin ko ay nasa university na. Kinuha ko ang bag at naglagay ng pamalit na damit, gamot, ang mga iba pang kailangan ko. Hindi kami mag u-uniform dahil nga may event wala ring mga klase mag hapon may mga bubuksan ring food stall sa university kung saan pwedeng kumain ang lahat pati mga outsiders.

Iba't ibang university ang makakalaban namin kinakabahan nanga ako kahit hindi pa nagsisimula. Hindi sa OA ako pero hindi talaga ako sanay sa mga gantong bagay.

"Para po!" Nasa labas na kami ni Meli at nag aantay ng masasakyan. Punuan agad pati sa mga jeep hindi kami maka sakay.

"Tara heto para po!" At sa wakas may humintong tricycle kaya nakasakay na kami.

"Ako na mag babayad, pero kapag nanalo kayo ililibre mo 'ko." Tinaasan ako ng kilay ni Meli.

"Oo sige na ililibre kita." Sagot ko nalang para hindi na siya mangulit. May pera naman ako sa pag pa-part time job at dinagdagan pa ang sweldo ko kagabi.

Madaming tao ngayon siguro yung iba pupuntang university namin. Pinili ko munang umidlip sa balikat ni Meli hindi naman siya nag reklamo mahaba haba pa naman ang byahe at medyo traffic ngayon.

"Gising na Yhonnanica, nandito na tayo." Nagising ako sa pagtapik ni Meli sa akin.

"Heto po Manong salamat po." Nagbayad na siya at bumaba na kami. Bukas na bukas ang malaking gate ng univ may mga tao na kahit maaga pa humigpit rin ang security dahil nadagdagan ang guard kailangan pa namin ipakita ang school ID para patunayan na students kami.

"Yhonna! Meli! wait." Sabay kaming napalingon.

"Oh Ryona." Tinulungan namin si Ryona sa mga bitbit niya.

"Ang dami mong dala nasaan Kuya mo?" Pagtatanong ni Meli.

"May pinuntahan si Kuya kaya inihatid lang ako ni Dad." Naglakad na kami.

"Saan tayo dederesyo Ryona?" Tanong ko.

"Sa music club siguro, how about Meli, Ellie, and Chescka?" Dala na rin ni Ryona ang instrument niya.

"Sayang dederesyo na pala kayong music club, maglilibot nalang siguro kami sa mga stall." Sagot sa kaniya ni Meli.

---

"Kinakabahan na ako." Wala sa sariling sambit ni Veron. Kararating lang namin sa music club at wala pang gaanong tao dahil rin maaga pa.

"Ako rin." Saad ko. Kaming tatlo lang ang magkakatabi dito sa upuan.

"Lahat naman tayo kinakabahan but guys we can do it right?" Pagpapagaan ni Ryona sa amin.

"Susubukan." Napatawa nalang kami dahil sa sabay na sagot namin ni Veron.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now