CHAPTER 17

103 13 13
                                    

Nandito kami ngayon sa kotse nila Ryona, wala rin namang kanipisan ng pagmumuka tong si Meli dahil ako hiyang hiya na samantala tong si gaga pinabuksan pa ang aircon.

Naka tanaw lang ako sa bintana ng huminto ang sasakyan sa tapat ng isang subdivision na may malalaking bahay.

"Yhonna and Melissa mauuna na ako ihatid ni Kuya tapos kayo na, nay pupuntahan parin daw siya e." Tumingin si Ryona sa side mirror.

"Sige nag eenjoy pa naman ako dito sa kotse nyo." Tignan mo ang gaga.

Natawa naman ang magkapatid may kinausap lang silang guard at pinapasok na kami.

Kada bahay ay iba iba ang desenyo at mukang talagang mayayaman ang nakatira sobrang ganda.

Pangarap ko tumira sa isang simpleng bahay hindi malaki at hindi rin maliit, simula kasi pag mulat ko sa mundo palipat lipat kami ng bahay o kaya lagi kaming napapalayas. Nangako ako kay Mama na kapag nakapag tapos ako titira kami sa pangarap kong bahay. Ayaw ko rin ng masyadong malaki gusto ko kasi nandun parin ang komunikasyon namin sa isa't isa.

Huminto ang sasakyan sa isang bahay na may apat na palapag black, gray, white ang design halatang elegante.

Bumababa si Ryona at humalik sa pisnge ng kapatid niya, tumanaw naman siya sa amin ni Meli at kumaway siya kaya kumaway narin kami.

"Saan kayo hmm." Niliko ulit ni Keijo ang sasakyan palabas ng subdivision.

Tinuro ni Meli kung saan kami nakatira. Dahil nga parang eskenita ang lugar namin baka pag initan lang si Keijo ng mga tambay baka kung ano pa gawin sa kaniya ruon.

Malapit na kami. "K-Keijo pwedeng dito nalang." Agad naman siyang napalingon sa akin.

"Why? pwede ko naman kayo ihatid hanggang loob."

"H-Hindi na.. Madaming tambay d'yan baka mapano kapa." Mahina kong sambit.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "I can handle my self kung gusto mo." Inihinto niya ang kotse sa labas ng eskenita.

"Iwan ko muna ang kotse ko dito tapos ihahatid ko na kayo sa loob, lalaki ako at babae kayo." Pinasadahan niya ako ng tingin. "Mas magiging delikado."

---

Nasa likod namin si Keijo habang nakakapit si Meli si braso ko. Kapapasok palang namin sa eskenita pero grabe na ang tingin ng mga tao dito sa amin at kay Keijo.

Aamin ko mukang siyang artista ngayon, naka white t-shirt, maong pants, white rubber shoes at black hat. Mukang may pupuntahan nga siya.

Mauuna ang bahay nila Meli kesa sa amin kaya una siyang maihahatid.

"Dito nalang ako salamat sa paghatid." Kakaiba ang ngiti ng gaga habang nakatingin sakin at kay Keijo.

Nagpaalam na ako pati si Keijo wala sigurong tao sa bahay nila Meli ang tahimik.

"Malayo pa bahay mo?" Sumabay sa lakad ko si Keijo. "Oo medjo dulo pa." Sagot ko.

"Madalas ka lumalabas dito?" Tanong pa niya.

Hinawakan ko ang strap ng bag ko. "Hindi, wala rin naman akong gagawin sa labas lagi lang akong nasa loob ng bahay." Sagot ko at tumingin sa watch ko siguro nasa bahay na si Mama mag gagabi narin.

"Good to know it, siguraduhin mong kapag lumabas ka may kasama ka delikado na." Nagtama ang palad namin pareho, ganun pala siya kadikit sakin. "Isa kang binibini na hindi dapat mapahamak." Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

Nabalik ako sa tuliro ng nakarinig ng busina ng motor, napalingon ako sa likod at ganun ang gulat ko ng may isang motor na mabilis ang andar at mabubunggo ako.

"Are you ok?" Napa kapit ako sa dibdib ni Keijo na ngayon ay nakayakap na sakin.

Dahan dahan kong inangat ako ulo ko at nakita ko ng malapitan ang muka niya.

Simpleng pag tango nalang ang nasagot ko at dahan dahan na lumayo sa kaniya.

"Muntik na yun, tss hindi ba niya alam ang tamang pag mamaneho." Seryoso niyang sambit habang tinitignan kung ayos lang ako.

"Hayaan..Hayaan mo na." Mahina kong sambit.

"D'yan na ako malapit na salamat sa paghatid—" Nahinto ang sasabihin ko dahil sa pag tawag ni Mama.

"Nandyan kana pala Yhonnanica." Lumapit agad sakin si Mama kaya nagmano na ako sa kaniya.

"Oh sino tong kasama mo boyfriend mo nak?" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Keijo at pag salubong ng kilay ko.

"Ma.. nakakahiya kay Keijo kapatid siya ng kaibigan ko hindi ko po boyfriend." Pilit komg hinihila si Mama baka kung ano pa ang sabihin.

"Ay salamat sa paghatid sa anak ko ijo."

"Walang anuman po, masaya rin po akong ihatid ang anak n'yo." Napayuko naman ako dahil sa sagot niya.

"Gusto mo ba pumasok muna baka gusto mo mag meryenda." Ay wow ako ang anak pero hindi ako inaya.

"Naku hindi na po may pupuntahan pa po ako inihatid ko lang po sila ni Meli."

"Sigurado ka?" Tanong pa ni Mama.

"Oo Mama sigurado siya." Tinutulak ko na si Mama papasok.

"S-Salamat sa paghatid." Nakita ko ang pag ngiti niya dahan dahan siyang lumapit sa akin na hinawakan ang buhok ko at ginulo.

"Sa uulitin, basta lagi kang ligtas." Sambit niya na kinataka at bilis ng puso ko.

---

"Anak!" Nasa kusina ako at nagluluto ng hapunan namin nang tawagin ako ni Mama.

"Nasa kusina po!" Sigaw ko pabalik.

Naglabas na ako ng plato at sinalin ang ulam na niluto ko. Sana masarap.

"Makabalik na ako sa palangke bukas." Nag punas ako ng kamay at tuwang tumingin kay Mama.

"Talaga po? parang kaninang umaga lang namo-moblema tayo ha." Umupo na si Mama kaya umupo narin ako.

"Papa mo kasi ang nag bayad." Sumandok na si Mama ng pag kain niya at ako naman ay takang napatingin.

Si Papa na naman.

"Talaga Ma?, kanina rin may ginawa siya para sakin." Suamndok narin ako.

"Mukang bumabawi talaga siya." Mahinang sambit ni Mama.

"Sana nga po." Kumain na kami ni Mama at panay ang tanong niya about sa school ko sinabi ko narin ang tungkol sa music club pumayag naman si Mama dahil isa yun sa mga alam niyang talento ko.

Pagtapos namin kumain sabi ni Mama siya na raw ang mahuhugas ng mga plato at para makapag pahinga narin ako.

Nag half bath lang ako pagtapos umupo ako sa kama dahil medyo nahihilo ako baka pagod lang to o bahala na pahinga muna ako.

Nilabas ko ang mga gamit ko at mga gagawing kong homework nang biglang umikot ang paligid ko. Kasabay ng pagbilis ng takbo ng puso ko.

"MAMA!" Pilit kong kinakapa ang paligid at panay sigaw kay Mama.

I really hate this feeling.

"Anak bakit anong nangyayari?" Naaninag ko ang pag lapit sakin ni Mama at tuluyan ng dumilim ang paligid ko.



Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon