CHAPTER 16

104 13 17
                                    

"Nakita ko yung nangyari kanina haba naman ng hair mong gaga ka." Kanina pa natapos ang P.E namin at kanina parin ako kinukulit ni Meli tungkol daw sa nakita niya kanina.

"Walang malisya yun Meli tigilan mo ko." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at seryosong tumingin sa kaniya.

Wala naman talagang malisya na ako ang kinuhang partner ni Keijo at ang pag gamot sakin ni Zaiker.

"Sige nanga kain nalang tayo may practice kayo ngayon diba?" Kumapit ulit siya sa braso ko habang nilalabas ang wallet niya.

Oo nga pala. Muntik na mawala sa isip ko na may practice mamaya pagtapos ng break time deresyo na kami sa Club kaya tinatanaw ko kung nandito sa cafeteria sila Ryona.

Pumasok na kami sa cafeteria at naghanap ng vacant sit. Si Meli ang tumayo para kumuha ng pagkain namin. Naglabas notebook para mag take notes.

"Are you Yhonnanica Allure Freya?" Nag angat ako ng tingin sa isang lalaking naka black suit at may salamin pa.

"A-Ahmm yes po." Napatango naman siya at may nilagay na paper bag sa table katabi ng bag ko.

"This is for you Ms. Freya." Tatanungin ko pa sana kung saan galit at kung sino siya pero agad siyang lumakad paalis.

Agad akong tumayo para habulin yung lalaki pero hinila ako ni Meli.

"Anyare sayo? tara na kain na tayo." Pilit niya akong hinihila pero hindi maalis ang tingin ko sa lalaki.

"Oh saan galing to? Kay Keijo or Zaiker." Kunot nuo akong napatingin kay Meli.

Ano kinalaman nila dito?

"Yung... Yung lalaki kasi s-siya nagbigay niyan." Agad kong hinalungkat ang paper bag.

Papa.

"Eh kanino galing?" Sumilip rin ri Meli sa paper bag at kinuha ang mga laman nito, mga pagkaing halatang galing sa mamahaling resto.

"K-Kay..Papa." Mahina kong sambit at kinuha ang sulat na nasa ilalim ng mga tupperware.

"Yhonna, Papa start watching you from afar. I want to make sure my daughter is safe in every seconds, minutes and hours.

Simpleng bagay palang tong nagagawa ko sayo anak pero simula ngayon susubukan ni Papa ha, susubukang bumawi ni Papa sayo."

-Papa.

Mapait akong napangiti kahit papano ramdam ko yung pag bawi ni Papa sa akin, nung una kaming nag kita nagsisi ako na pinangungunahan ko ng galit. Pero ngayon nakakaramdam na ako ng tuwa kahit na maliit na bagay lang ito ramdam kong mahal ako ni Papa.

Papa napatawad naba kita?

---

Hindi ko naman kayang kainin lahat ng dinala ni Papa kaya hindi ko na pinabili at pinabawasan ang baon namin ni Meli.

Tuwang tuwa naman siya sa daming pagkain ang nasa harapan namin kanina, masaya akong kumain tapos tinabi ko narin yung letter na bigay ni Papa.

Nagbihis na ako naka t-shirt na black at leggings akong pumunta sa music room mga one hour siguro ang practice tapos uuwi na kami.

Ako sa vocal at duet nga kami ni Zaiker madami naman kasing maganda ang boses samin pero bakit kailangan ako pa.

"Veron." Humarap agad sakin si Veron at ngumiti. "Nandyan na si Ryona?" Lumapit ako sa pwesto niya.

"Oo kanina pa, tignan mo nalang sa loob." Tumango at pumasok na sa loob.

May mga nagaayos ng instruments yung iba naman nag kwe-kwentuhan lang may mga kumakain pa at may mga nag aayos ng speakers.

Natanaw ko agad si Ryona na may katawanan ng maaninag ko ng mabuti kung sino ang kausap niya pasimple akong napangiti. Halatang kanina pa kinikilig dahil sa pamumula ng pisnge ni Ryona habang kausap si Zaiker.

Gwapo pala siya kapag nakatawa mas bagay rin.

Mukang hindi ko maabala si Ryona kaya tumulong muna ako kay Jacob at James sa pag aayos ng mga mics at speakers.

Maaga raw matatapos ang practice ngayon dahil aalis pa daw sila buti nalang may mga homework pa akong gagawin.

"Yhonna kanina kapa ba dito?" Tinigil ko ang pag pupunas ng speakers at pumunta kay Ryona.

Pinagpagan ko muna ang kamay ko. "Hindi naman ngayon ngayon lang din."

"Magsisimula na tayo sabi ni Zaiker." Sambit niya at napatingin sa paa ko.

"Are you alright? bakit may bandaid yang paa mo."

Nababa rin ang tingin ko sa paa ko. Hindi ko talaga maalala kung saan ko nakuha tong sugat ko e.

"Ah.. Wala nagasgas lang ako kanina kaya may bandaid hindi naman malalim.

"Are you sure?" Tanong pa niya at tumango ako at ngumiti.

"START NA TAYO!" Napalingon kami sa pag sigaw ni Jacob kaya naglakad na kami patungo sa kanila.

Unang nag perform ang grupo nila Ryona ang galing niya mag piano halatang bihasa lahat naman sila magaling at talentado parang nakakakaba tuloy paano kung sintunado ako sa darating na contest.

Umaarangkada na naman ang what if sa utak ko.

Pagtapos nila pinaghanda na kami dahil kami ang sa duet konti lang ang musicians na nasa grupo namin malayo pa naman ang battle of the bands pero practice palang to nakakakaba na talaga.

Humanda na ako ng pagkanta random song lang daw muna kasi nga practice palang. Nang nasa duet version na kami nagulat ako at muntik pang hindi makasabay dahil kay Zaiker.

Ang ganda ng boses niya may pag ka seryoso kahit sa pag kanta, sumabay yung pag ka husky at cold dahil sa kanta.

"Stop looking at me, kung iisa isahin mo ang talents at look ko." Pinasadahan niya ako ng tingin. "I'm already perfect."

---

Pagtapos ng practice pagod akong napakapit kay Meli nag aantay na kami ng tricycle na masasakyan nakaka pagod naman kasi talaga.

"Maaga pa naman pero bakit ang tagal ng tricycle." Buryong saad niya.

"Hindi rin naman holiday halos ten minutes na tayong nag aantay oh." Maktol pa niya.

"Matuto kanga mag hintay." Umayos ako ng tayo.

Napa padyak nalang siya at humawak sa braso ko. Nag hihintay pa kami ng may humintong sasakyan sa harapan namin.

"Hey girls sakay na kayo." Si Ryona pala.

Simple pero halatang mamahalin ang kotse nila, business man ang father nila may ari raw ng malaki ring kumpanya sa buong bansa.

"Madilim narin baka mapano pa kayo sa daan." Lumabas mula sa driver sit si Keijo. "Mas safe kayo kapag ako ang nag hatid."

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon