CHAPTER 21

109 11 13
                                    

Tanghali na ako nagising dahil sabado naman ngayon.

Pagkababa ko nakita ko pa si Mama na nagaayos ng mga gamit niya baka pupunta ng palengke.

"Good morning Ma...pwede po ba ako sumama sa palengke?" Naisip ko kasi na wala naman akong gagawin dito tapos ko na rin naman mag review. At baka may mahanap akong pwedeng pasukan sa palengke at hindi ko muna sasabihin kay Mama dahil tiyak na hindi siya papayag.

"Sigurado kaba anak? baka mamaya sa sobrang init duon mahimatay kapa." Lumapit si Mama sakin at nilamas ang pisnge ko.

"Wala naman po akong gagawin dito Ma, sama nalang ako sa inyo at iinom naman po ako ng gamot." Pumunta na si Mama sa kusina at inihanda ang pagkain ko.

"Sige pero mauuna na ako sumunod ka nalang pagtapos mo kumain, uminom ka agad ng gamot mo ah." Tango nalang ang nasagot ko at kumuha ng kain at ulam.

"Sige po Ma, opo kaya ko na po." Humalik si Mama sa pisnge ko at nagpaalam na.

Pagtapos ko kumain dumeresyo ligo na ako, at naghanap ng pwedeng isuot.

Napili ko tong white t-shirt at black pants. Nakainom na rin ako ng gamot kinuha ko na rin ang itim kong bag na may lamang tubig, bimpo, pamalit at gamot. Lagi kasing inihahanda ni Mama to tuwing may pupuntahan ako baka raw kasi may mangyari.

Nag antay na ako ng tricycle na pwedeng sakyan papuntang palengke pwede ko namang lakarin para tipid kaya lang papagalitan ako ni Mama kapag nalaman niya.

Nakita ko si Mang Carlo na papasada na kaya pinasakay na niya ako, madami kang madadaanang iba't ibang tindahan kapag malapit na sa palengke may mga mall din tulad ng Robinson, Watson, at SM. Halos dabi dabi ang gusali at mga stall dito.

"Dito nalang po Mang Carlo, magkano po?" Nilabas ko na ang wallet ko ay kukuha na sana ng pera.

"Naku ikaw naman ija, wag na libre na dahil unang pasada kita basta sabihin mo sa Mama mo na dapat may discount ako sa mga isda niya." Natawa naman ako sa sagot ni Mang Carlo.

"Sige po salamat po, sa uulitin Mang Carlo." Natawa naman kami pareho at nagpaalam na siya sakin.

Pumasok na ako sa palengke amoy na amoy mo ang isda, manok, baboy at kung ano ano pa. May nakita pa akong mga namamalimos na bata sobrang nakakawa dahil sa batang edad nila ganyan na agad ang kinabubuhay habang hinahayaan lang ng mga magulang nila.

"Uy Yhonna ikaw ba yan?" May kumalabit sakin at si Aling Helena pala.

"Opo si Mama po?" Tanong ko at agad naman niyang tinuro ang pwesto ni Mama.

"Ayun nandun ang pwesto ng Mama mo ija." Napatango naman ako at nagpasalamat na.

Lumakad ako papunta sa sinabing pwesto muka ngang mabili dito dahil mahaba ang pila kahit siguro malipat ang pwesto ni Mama siya parin ang dadayuhin dahil sariwa at mura ang mga tinda niya.

"Ma kailangan mo po ng tulong?" Pumasok agad ako at nilagay sa isang tabi ang bag ko.

"Naku wag na kaya na ni Mama to, kanino ka nakasakay papunta dito?" Naghugas si Mama ng kamay at nagsukli sa mga bumibili.

"Kay Mang Carlo po at libre na." Tuwang sambit ko at natawang napailing naman si Mama.

"Ayan naba ang Anak mo Yerie?" Narinig kong tanong nung isang babae na pumipili ng isda.

"Oo dalagang dalaga nanga." Sagot naman ni Mama.

"Magkasing edad lang ata sila ng aking anak na lalaki e, baka gusto mong pakilala ko." Agad namang kumunot at nuo ko at pareho silang nagtatawan.

"Naku itong anak ko at mahiyain pa sa mahiyain." Kamot ulong sagot ni Mama.

Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin sa relo ko, halos tanghalian na pero hindi pa naman ako nagugutom.

"Ma maglilibot libot lang po ako dito pwede po ba?" Lumingon si Mama sakin.

"Sige pero bumalik ka agad ha, at sabihin mo sakin kapag nagugutom kana." Tumayo ako at binitbit ulit ang bag ko.

"Opo gusto ko lang po mamasyal." Pero ito na time ko para maghanap ng pwedeng pasukan dito kahit na pag uwi ko nalang galing school ako pumasok.

Malawak talaga ang bayan, parang ang sarap mamasyal dahil madami kang mapupuntahan may mga malapit rin na mga parke dito sa amin. Pero dahil nga taong bahay ako hindi pa ako nakakapunta dito.

May nakita akong tarpaulin sa isang tindahan, gotohan ata to.

Looking for waitress, 6:30 pm to 8:30 pm.

Nagliwanag ang muka ko at pumasok agad sa gotohan, madaming tao may mga students, tricycle drivers, at iba pa.

"Excuse me po." Humarap sakin ang isang babaeng parang kaedaran ni Mama.

"Pwede po ba mag apply?" Pinunasan niya ang kamay niya.

"Ilang taon kana ba ija?" Tanong niya at lumakad papunta sa isang table sinundan ko naman siya.

"Sixteen po." Agad kong sagot.

"Edi ikaw ay nag aaral pa? kaya mo ba ang ganung oras?"

"Opo patapos na po ang klase ko sa ganung oras kaya ko po yun." Agad ko namang sagot.

"Sige tatlong daan." Pwede na basta makatulong ako kay Mama kahit na maliit na pera malaking bagay na samin yun.

"Sige po salamat po talaga." Tuwang sambit ko.

"Magsimula ka sa lunes."

---

Bumalik agad ako sa pwesto ni Mama mag gagabi narin pala alam ko hanggang ala-singko o ala-sais lang si Mama sa pwesto niya.

"Oh nakapag ligpit na ako tara na at makauwi na tayo, nagugutom kana ba?" May kinuha lang si Mama na plastic baka natirang paninda.

"Mamaya nalang po sa bahay at Mama nasarapan ako mamasyal." Tumawa naman si Mama at ginulo ang buhok ko.

Agad naman kaming nakasakay sa tricycle at nakauwi.

"Nasa akin po ang susi Mama." Kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan ang gate.

"Saglit Yhonna, may bill naba ng kuryente?" Lumapit ako kay Mama ay may kinuha siyang nakaipit sa gate.

Black na sobre at mukang sosyal dahil may ribbon itong kulay ginto.

"Mama hindi ata yan galing sa meralco hindi naman nag sosyal ng ganyang sobre ang meralco." Sumang ayon naman si Mama at pumasok na kami sa loob.

Pag kaupo ko agad kong kinuha ang sobre at pinagmasdan ito.

"Buksan mo na Anak." Muntik na akong magulat kay Mama na nasa likod ko na pala.

Tinalikod ko ang sobre at gamit ang kulay dilaw o gintong glitters nakasulat ang.

"You're invited." Basa ko.

"Ha? invited saan?" Tanong naman ni Mama.

Inalis ko ang ribbon ay kinuha ang isa pang itim na papel at nakatiklop sa dalawa.

Pagbukas ko bumungad ang Zaiker's 18th birthday.

Halos malaglag ang panga ko, langyang to invitation palang bongga na paano pa kaya ang celebration.

At talagang inimbitahan niya ako. Kala ko joke lang.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now