CHAPTER 4

261 120 83
                                    


"Ano club papasukin nyo?", tanong ni Chescka, we're here in the school garden. Vacant naming lima.

"Maghihiwalay kami ni Yhonna", malungkot na sagot ni Meli, "Sya music club sya papasok at syempre sa journalism ako", dagdag pa nya.

"Yes!, great choice Yhonna", tuwang tuwang sabi ni Ryona at nakipag high five pa sa akin. "Sa music club ako kaya mag kasama tayo", napatango naman ako ayos kasama ko isa sa kanila nakakabawas ng kaba.

"Si Ryona Music club, si Ellie sa cooking club yan at ako sa dance club", pag sagot ni Chescka.

"So si Ryona at Yhonna lang magkasama maghihiwalay muna tayong lima", Nakasimangot na sabi ni Meli.

"Sa clubs lang naman gaga, hindi tayo maghihiwalay at mag iiwanan habang buhay na friendship nating lima", sabi ni Chescka ay sinabayan ng yakap sa amin.

Bigla akong nalungkot i saw how my friends happy make me happy too, but I don't want to make any promises that i will stay forever with them. I really hate broken promises.

"So mamaya Yhonna sumama ka sakin ipapasok kita sa music club pero kilala mo naman siguro ang may hawak ng music club diba?", tanong ni Ryona at saka ako tumango.

Nothing new, Zaiker Morgan halos alam nya ata lahat.

Nagkwentuhan kami saglit, at ng tumunog na ang school bell kailangan na naming maghiwalay at pumasok sa next subjects.

History ang subject namin ngayon, last subject na ito at pwede ng pumunta sa mga clubs.

Hindi naman araw araw ang clubs dito, MWF ang schedule at dahil Wednesday ngayon ipapasok na ako ni Ryona sa music club mamaya, kailangan ko daw muna mag take ng test bago pumasok.

Maayos ang naging takbo ng class namin ngayon, kasabay ng pag tunog ng bell ang paglabas ng mga students.

"Yhonna kaya mo na ba?, mauuna na ako maaga daw ang journalism dapat ngayon", nagmamadaling paalam ni Meli kasabay ng pag aayos ng mga gamit nya.

"Oo, kaya ko na kasama ko naman si Ryona sa music club", sagot ko at nag aayos narin ng mga gamit.

"Sige sige", humalik sya sa pisnge ko. "Muuna na ako sabay nalang tayo umuwi", dagdag pa nya at lumabas na ng classroom.

Palabas narin ako ng makita ko si Ryona na naghihintay sa pintuan, kumaway sya sakin at kumapit sa braso ko.

"Tara na sa wakas may kasama na ako sa music club",masayang sambit nya lagi nalang mataas energy ng apat na gaga kong bestfriend.

Naglakad na kami sa Hallway ng biglang may tumawag kay Ryona.

"Ryona! bunso!", may lalaking papalapit sa amin naka jersey uniform sya basketball ata yun, matangkad, maputi, gwapo, basang ng pawis ang muka na dahilan para mas umangat ang kagwapuhan nya halata rin na kagagaling lang sa practice.

"Oh kuya!", kinawayan sya ni Ryona at lumapit ito, Kuya? may kuya sya?.

"Uuwi ka na ba? hindi na ako makakasabay may practice pa kami baka gabihin na ako", nagpupunas pa ng pawis yung lalaking tinawag ni Ryona na kuya.

"Hindi pa Kuya, pupunta pa kaming music club may practice at ipapasok ko rin ang kaibigan ko", sagot ni Ryona habang nakaturo sa akin.

"Ok, yeah you have practice nga pala and you", ganun na lang ang gulat ko ng mabaling sa akin ang tingin nya, "It's nice to meet you", dugtong nya at ngumiti sa akin. Ang gwapo.

Nagpaalam na si Ryona dun sa Kuya nya ata, hindi ko na rin tinanong kung kaano ano nya iyon at maski pangalan. I'm not a marites.

Ng makarating kami sa Club namangha ako ang daming instruments iba't ibang klaseng mics, speakers etc. Ang ganda.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now