CHAPTER 5

237 110 76
                                    


"Tanggap ka?, tanggap rin ako", masayang saad ni Meli.

Nandito kami ngayon sa canteen hindi na kami nakapag sabay umuwi ni Meli kahapon ginabi na daw sila sa journalism club.

Kami lang nila Ellie, Chescka, at Meli ang nandito wala si Ryona may kukunin daw sya sa library.

"Yeah, nag perform ako then tanggap na raw", sagot ko sabay subo ng french fries.

"Congratulations for the both of you!", masayang sabi ni Chescka, sya ang pinaka energetic palagi mas masayahin sya at masigla kesa kay Meli.

"Congrats sabi na papasa kayo", saad rin ni Ellie.

"By the way", agad namang napadapo ang tingin nila sa akin. "May kapatid pala si Ryona?", pagtatanong ko kasi nasagi ulit sa isipan ko yung lalaking tinawag na kuya ni Ryona kahapon.

"Oo may kapatid sya, pero hindi buong kapatid", saad ni Ellie kaya napatingin kami sa kanya ng seryoso.

"What do you mean?", pagtatanong ni Meli.

"Half siblings lang sila, mag kaiba ng nanay", dagdag pa nya. Magkaiba ng nanay? paano? parang ako?

"Yung nanay ng kuya nya namatay tapos nag asawa ng bago yung daddy nila at nabuo naman si Ryona", tapos bigla syang tumahimik at napahinga ng malalim.

"Nung una galit si Keijo kay Ryona dahil ayaw nya mag karoon ng kapatid at bagong nanay, hindi nya nun kasundo si Ryona lagi nyang inaaway ganun at galit talaga sya", dagdag pa nya.

May pag ka marites tong Ellie, kala mo inosente chismis pa teh.

"Pero nung 14 years old si Ryona, may nangayari kaya sila nag ka ayos", saad nya saka uminom ng pineapple juice.

"Ano yun", lumapit pa kami na parang napaka sikreto ng sasabihin nya.

"Ano ulit yun Chescka nakalimutan ko", napaatras kami saka napahinga ng malalim.

"Alam mo pabitin ka, masama akong pinaghihintay mahal oras ko", mataray kong sagot na sinabayan ng tatlong to ng tawa.

"Kasi ganto yan, may nakaaway nun si Keijo tapos yung kaaway nya naglabas ng knife ewan kung anong tawag dun tapos sasaksakin na dapat si Keijo pero humarang si Ryona", saad nya na kinalaglag ng panga ko.

"Ibig sabihin si Ryona patay na tapos yung kasama natin ngayon multo nalang", kung pwede lang pumatay ng bestfriend matagal ko ng ginawa anong klaseng tanong yung Meli?! ginagago mo ba kami? oops sorry bad words peace.

"Gaga anong patay?, asan ba utak mo", ok mahal na ata kita Ellie kudain mo yan.

"Hehe sorry naman peace", naka pout pang sabi ni Meli.

"Next na nga tapos nasaksak si Ryona sa kaliwanag balikat nya kaya kung makikita nyo ang balikat nya may peklat dun pero maliit nalang at hindi na masyadong halata", dagdag pa ni Chescka.

"Dahil duon nagsisi si Keijo kaya nakipag ayos sya kay Ryona at kay Tita Janein, duon sila nag kasundong magkapatid nakakainggit nga eh", saad naman ni Ellie. "Only child kami pareho ni Chescka tapos si Ryona baby na baby sa Kuya nya ayaw na may manliligaw bigla ayaw na umaalis si Ryona na walang kasama basta sobrang caring nyang kapatid", dugtong pa nya.

"By the way may kapatid kaba Yhonna?", tanong ni Ellie at agad akong umiling.

"How about you Meli?", napatingin naman sila kay Meli.

"Meron 5 years old bunso naming lalaki", Oo ang cute kaya ni Mikey ang taba ng pisnge, tapos maputi rin.

"I have question Yhoona", taas na kamay ni Chescka, agad namang nagsalubong ang mga kilay ko at tumingin sa kanya.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now