PROLOGUE

16.3K 570 64
                                    

NOTE:

The main character of this story is not a hero, or an exemplary role model. In fact, he is the opposite. He is broken, struggling, makes wrong moves, acts erratic, and crumbles every now and then. Please bear in mind that fictional characters are not always written to be idolized—they are written to represent: as main subjects of a narrative that the story wants to convey.


TRIGGER WARNING:

This story may contain scenes that depict depression, alcoholism, foul language, sex, harassment, and bullying. Reader discretion is advised.



PROLOGUE

✧✦✧

JOON


"Wow, Joon. The rumors are true." Nagkagat-labi ang babaeng katabi ko sa kama habang pinagmamasdan ang katawan ko. "You're a beast under the sheets."

"May yosi ka ba riyan?" Kamot-kamot ko ang ulo ko habang tinatanong siya. Malabo sa paningin ko ang mukha niya dahil masyado akong lasing. Bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. I can't see her face, but her body sure is nice. Inabutan niya ako ng isang stick ng Lucky Strike at sinindihan ito para sa'kin.

"Are you allowed to smoke?" tanong niya habang ginuguhit ang daliri niya sa pagitan ng dibdib ko. "Hindi ba dapat inaalagaan mo ang katawan mo para sa mga laban niyo?"

Bumuga ako nang marahas pagkatapos ng isang hithit. "I'm no longer part of the Green Giants."

Nanlaki ang mga mata niya. Ayoko nang magpaliwanag kaya tinuro ko na lang sa kaniya ang pintuan. "Thanks for letting me bum. You can now leave."

"Pinapaalis mo na 'ko? Ayaw mo na ba ng isa pang round?" Sinubukan niyang hawakan ang buhok ko pero tinabig ko ang kamay niya.

"Leave." I told her firmly.

Inirapan niya ako at tumayo na mula sa kama.

"W-Wait!" I called out.

Lumingon siya sa 'kin nang may mga matang umaasa.

"Pwedeng paabot ng bote ng tequila bago ka umalis?" I winked at her. "Thank you."

I heard her hiss but she still handed me the bottle of alcohol. Mabilis siyang nagbihis at nag-ayos ng makeup sa salamin. "The rumors are true..." Bago buksan ang pintuan ay nagparinig muna siya sa 'kin. "Joon Villamontano of the Green Giants has turned into an alcoholic."

Paalis na sana siya nang tawagin ko siya ulit. "Wait! Wait!"

"What now?!" Padabog siyang lumapit. Inis na inis na ang mukha niya.

"Pahingi ulit ng isa pang yosi."

Binato niya ang buong pack sa dibdib ko at binalibag pasara ang pintuan.

Nagkibit-balikat lamang ako at nilagok ang bote ng alak. "Buti ka pa tequila, hindi mo 'ko iniiwan." Lalagok na sana ako ulit kaso wala na pala itong laman. "Tse! Pati rin pala ikaw, isa ka ring paasa!" Hinagis ko ang bote at nabasag ito sa pader. "Stupid tequila!"

Binuksan ko ang speakers at pinatugtog nang malakas ang Style ni Taylor Swift. Kumuha ako ng panibagong bote ng alak at ginamit ito bilang microphone. "You've got that James Dean daydream look in your eyes..." Tinuturo ko ang aking sarili sa salamin habang kumakanta.

Lasing na lasing na talaga ako, sumasayaw mag-isa sa nirentahan kong hotel room habang nakahubad at nakasuot lamang ng boxers.

Yep, Joon Villamontano of the Green Giants is now totally wasted.

#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora