Chapter 5: Missed Shot

7.9K 447 85
                                    




✧✦✧

JOON


I got knocked out for a bit after drinking too much. Naramdaman kong may nagtatanggal ng t-shirt ko kaya medyo naalimpungatan ako.

Holy shit! Nagising na 'ko nang tuluyan nang makita kong nagtatanggal na rin ng blouse si Cleng sa harap ko. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at nagkunwaring natutulog para hindi niya mahalata. Ayoko siyang mapahiya kapag nalaman niyang gising pala ako.

Panay libot niya sa condo ko nang naka-bra lamang, tila may hinahanap. She's wearing a simple black bra, but seeing it over her white skin? Fuck, she looks hot.

Under normal circumstances, lalandiin ko na siya at yayayain sa kama. Ngunit iba si Cleng sa mga babaeng madalas kong nakakasama. Kahit nagiging makulit siya 'pag lasing, inosenteng dalaga pa rin siya at ayaw kong pagsamantalahan iyon.

Tuwing lumilingon siya sa 'kin ay ipinipikit ko ang mga mata ko. Kapag nakatalikod na siya ay dumidilat na ako at pinagmamasdan siyang mag-panic at mataranta habang naghahanap kung nasa'n ang mga damit ko. Hehe, ang cute niya rin pala.

Nagtaka ako dahil medyo ilang minuto na ang lumipas nang makita niya ang walk-in closet ko at hindi pa rin siya lumalabas. I wonder if something happened. Tumayo na ako para silipin kung may problema ba.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang suot-suot niya ang Green Giants jersey ko. Seeing her wear that made me snap. I wasn't able to control my anger and I shouted at her.

Nang makita kong umiiyak siya, tila nanlambot ang puso ko. Hinabol ko siya sa elevator at humingi ng sorry, ngunit nakayuko lang siya at hindi makatingin sa'kin. Fuck, Joon. What the hell did you do?

"Cleng, can I still see you again?" tinanong ko siya pagkahatid sa bahay nila.

"Thank you for the ride." Matipid ang kaniyang sagot.

Pagkabalik sa condo ay hinagis ko ang susi ko at sinubsob ang mukha ko sa kama. "Way to go, Joon. You always mess things up wherever you go."

Nakaramdam ako bigla ng pananakit sa loob ng pantalon ko. What the fuck? I panicked and went to the CR. Ito ba ang sinasabi nilang blue balls? I got turned on after seeing Cleng in just her bra, wandering around my condo. Kaso naudlot ito dahil nag-away kami.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Tobin.

"Hoy, nakaranas ka na ba ng blue balls?" bungad ko sa kaniya pagkasagot niya ng tawag.

"Ano?" gulat niyang tanong. "'Di ko alam sa 'yo, Joon. Basta brown 'yong akin."

"Tangina, hindi kasi literal! Ipasa mo nga 'yong phone kay Nikko!" Gusto ko lang naman ng matinong kausap.

"What's up? Hindi ka pa rin ba babalik sa Green Giants?" tanong sa 'kin ni Nikko.

"Nikko! Forget about that for a minute. Ano'ng dapat kong gawin kapag may blue balls ako?" Hindi ako mapakali. Sobrang sakit kasi talaga, at si Nikko na ang pinakamatalinong taong kilala ko. Ayoko namang magtanong pa sa doktor para lang dito.

"Bwahahaha!"

Nagtaka ako nang marinig na maraming nagtatawanan sa kabilang linya.

"Sorry Joon, naka-loud speaker ka kasi kaya narinig ng buong team."

My whole face turned red in embarrassment. "Pakyu, Nikko!"

"Hoy, pakyu ka rin," sagot niya sa 'kin. "Bakit kasi hindi ka marunong mag-Google? Kailangan ba talagang ipaalam mo sa 'min 'yang sex life mo?"

Drunk DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon