Chapter 25: Blue and Green

3.6K 225 66
                                    




✦✧✦

CLENG


'AVAILABLE ka ba ngayong weekend?'

Iyon ang mga salitang nabasa ko sa phone na galing kay Cherry. This weekend? Dahil matagal akong walang communication kay Joon ay bakante ako sa araw na iyon. Kaso lang, dahil sa mga nangyayari ngayon ay medyo wala akong gana lumabas. I wanted to spend the weekend at home, just watching some chick flicks and feel-good movies that I've watched five times already.

I was about to decline when Cherry followed up with a new message. '

Cherry: 

May laban ang Green Giants at Blue Sharks. 💚

We heard the news about Joon transferring to Blue Sharks kaya nagulat kaming lahat. 

May extra tickets ako, Cleng. Do you wanna join and watch the game with me? 😄

Nilapit ko agad ang phone sa mukha ko para masiguradong tama ang nababasa ko. I really miss my Joon, and I want to see him. If this is the only way I could meet him, or even catch a glimpse of him...

Me:

Yes! I'll go with you, Cherry! 😊😊


***

DUMATING ang Sabado't narito ako sa labas ng gate ng SM MOA Arena, naghihintay kay Cherry. Nakasuot ako ng blue ringer shirt ng Yuchengco University, denim shorts, at Stan Smith na may green heel tabs. Sinuot kong pamatong ang Green Giants varsity jacket ni Joon na binigay niya sa 'kin. I wore a mix of blue and green because I'm confused as to which team I'll be supporting today.

"Ganda mo naman!" hirit ng babaeng nakatali nang mataas na ponytail ang buhok at nakasuot ng all-green outfit. Pangalawang beses ko pa lang siyang makikita ulit kaya hindi ko agad namukhaan na si Cherry na pala ito. Grabe, ganda niya talaga!

"Tara, naghihintay na ang mga dyowa natin!" aniya sabay hatak sa 'kin papunta sa loob ng coliseum.

Pang-Green Giants ang hawak na VIP tickets ni Cherry kaya hindi ko masusuportahan si Joon na nasa Blue Sharks. Habang naglalakad ay sinubukan kong ilarawan sa aking utak ang eksena para hindi ako malito:

Kami ni Cherry ay parehas na taga-Yuchengco University kung saan ang basketball team ng uni namin ay Blue Sharks. 

Karibal namin ang Gokongwei University kung saan ang basketball team naman nila ay Green Giants. 

Pero susuportahan namin ngayon ang Green Giants na karibal ng school namin. 

At ang nobyo kong si Joon na dating nasa Green Giants ay lumipat na sa university namin kaya nasa Blue Sharks na siya ngayon. Ay, ewan! Lalo yata akong nalito!

"A-Ate Cherry! Puwede po bang magpa-picture?" mahinang pakiusap ng babaeng sumulpot sa tabi namin. Pumayag naman si Cherry at nag-selfie kasama ng lumapit.

"Sikat ka pala," bulong ko sa 'king kasama nang makaalis na ang babae.

Ngumiti nang malaki si Cherry sabay siko sa 'king tagiliran. "Ikaw rin, soon! Kaya lang naman ako nakikilala ng mga fans ng Green Giants ay dahil girlfriend ako ni Bastiel. Next time, magpapa-picture na rin sila sa 'yo 'pag nalaman nilang kayo ni Joon!"

Napansin niya ang mapait na pagngiti ko, tila ba nagtatanong ng bakit ang kaniyang mukha kaya nagkuwento na ako. "J-Joon said he doesn't know me. Hindi niya na rin ako pinapansin... Matagal na siyang hindi nagpaparamdam. I-I don't even know kung, kung kami pa rin," I struggled to share with a lump in my throat.

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now