Chapter 10: Wistful Woes

7.2K 319 59
                                    


✧✦✧

JOON


Lagi kong nahuhuli ang sarili kong nakatingin kay Cleng, at napapansin kong palagi akong nakangiti tuwing tinitingnan ko siya. The way her eyes curve into an arc when she smiles, the way her eyes twinkle in every angle, and the way the shape of her lips change along with her expression... All these tiny details about her make my heart smile.

Is this still lust that I'm feeling towards her? Kung talagang init lang ang nararamdaman ko, bakit masaya na ako kahit katabi ko lang siya at nag-uusap lang kami? Bakit ayokong madaliin ang gabi, at sa halip ay gusto kong sulitin ang bawat segundong kasama siya?

"Joon, baka mauna na pala ako. Anong oras na rin," biglang banggit ni Cleng.

Napawi ang ngiti sa 'king mukha at hindi ko napigilang sabihin ang nasa isip ko. "Uuwi ka? You won't stay over?" I said with a hint of hope in my words. It doesn't matter anymore to me if nothing happens tonight. I just really don't want this night to be over yet.

Halatang nagulat si Cleng dahil sa dagliang pamumula ng kaniyang mga pisngi. Shit, Joon! Don't do anything foolish to ruin the night again. I need to constantly remind myself that she's not as used to this as the other girls. I shouldn't hurry her, or make her uncomfortable. Respect is something I am learning and relearning, especially when it comes to Cleng.

"I-I understand, sorry for my stupid question," paumanhin ko sa kaniya. "But can you at least let me drive you home?"

A light smile appeared on my face when I saw her nod. Hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa 'kin, pero tila lahat na lang ng mga maliliit na kilos ni Cleng ay ikinatutuwa ko na masiyado. Sobrang saya ko na maihahatid ko siya—simpleng iyon lang, at pakiramdam ko agad ay ang suwerte-suwerte ko na dahil pumayag siya.

***

Habang nagmamaneho ay nagpatugtog ako ng mabagal na kanta. I played the song, 'Basic Space' by The xx. Ewan ko ba, tila niloloko ko ang sarili ko na sa pagpapatugtog ng mabagal na kanta ay babagal din ang oras naming magkasama. For the first time ever, I don't want to rush things with a girl. Like a slow song, I want to take my time and savor every second with Cleng.

"Uh, Joon? Are we driving at 25 kph?" mahinang pagpuna ni Cleng nang mapansin ang bagal ng aking pagmamaneho.

"Ay, sorry!" Kunwari akong nagulat. "Tsk! Ikaw kasi, eh."

"Ha? Bakit?"

"Pinapabagal mo kasi ang mundo ko," banat ko sabay saglit na sinilip ang reaksyon ni Cleng. Sa tingin ko ay kinilig naman siya sa biglaang hirit ko. Kinilig na rin tuloy ako dahil kinilig siya.

"Ang dami mong alam!" pabiro niyang kontra. "Mag-drive ka na lang, Mr. Joon."

"Grabe, Cleng. Ang cute mo pala 'pag nagiging masungit ka." I said my feelings frankly with a happy smirk. Natutuwa kasi ako kapag sumisimpleng hirit ako kay Cleng, namumula kasi ang kaniyang mga pisngi at lalo siyang gumaganda. "Sungitan mo pa 'ko, please."

"Baliw!" aniya habang natatawa. "You're crazy, Joon Villamontano!" Marahan niya akong hinampas sa balikat. Tama si Cleng, baliw na nga 'ko siguro dahil gusto ko pang hampasin niya ulit ako.

Bigla tuloy akong may naalala nang sabihin niya ang buong pangalan ko. "Cleng, ano pala ang name mo sa FB?" Habang nasa stoplight ay nilabas ko saglit ang aking cellphone. "Asawa mo 'ko, pero 'di man lang tayo friends sa Facebook."

She snarled cutely before taking out her phone from her bag. "Ako na lang ang mag-add sa 'yo, para hindi ka na mag-type dahil nagmamaneho ka. There, I added you!"

Lumabas na ang friend request at napanganga ako nang mabasa ang kaniyang pangalan. Clestiana Anastacia, what a beautiful name. Just simply seeing her name on the screen made me blush. Redness spread across my cheeks as I recited every syllable her full name in my mind.

"Ang ganda pala ng pangalan mo..." My heart spoke out. "No wonder I can't figure it out with my friends. I had no idea that 'Cleng' came from something so wonderful."

"Your friends? Nabanggit mo 'ko sa kanila?"

Nalaman tuloy ni Cleng na kinukuwento ko siya sa mga kaibigan ko. "Malapit na pala tayo!" Binago ko na lamang ang usapan.

 Bumalik ang lungkot sa 'king dibdib nang makarating na kami sa bahay ni Cleng.

"Thank you for tonight, Joon! Pinakain mo na nga ako, hinatid mo pa 'ko," she chuckled. "Ang suwerte ko naman sa asawa ko."

Her sweet joke wasn't enough to make me smile. I don't know why, but a certain sadness started to creep into my chest. Kinakabahan ako ngunit hindi ko alam kung bakit. Pagbukas ni Cleng ng pintuan ng sasakyan ay agad kong inabot ang kaniyang braso.

"Cleng, can you..." I closed my eyes and took a deep breath. "Can you give me one last kiss before you go?"

Nagulat siya sa 'king pakiusap, ngunit pinagbigyan niya ang kahilingan ko. Pumikit kami parehas hanggang sa magdampi ang aming mga labi. It was only a short kiss, but it was enough to calm my heart.

"Bye, Joon," nakangiti niyang paalam. Lumabas na siya ng kotse at nakapasok na sa bahay nila.

"Bye, my Clestiana..." I whispered in a low voice when I was sure she was safe inside her house, and safe from my wistful woes.

***

Pagkabalik sa Serendra ay pinarada ko na ang aking sasakyan. Nagpasya muna akong magyosi sa parking lot. I placed a stick inside my mouth and lit its other end with a lighter. Dahan-dahan akong humithit nang malalim, marahang pinupuno ang aking baga at ipinapaabot ito hanggang sa ilong. Maybe smoking can fill up the empty space that Cleng left in my chest.

"Oy, Joon, ikaw ba 'yan?"

Naubo ako bigla nang makarinig ng boses ng isang lalaki. Paglingon ko, tatlong magkakaibigan ang naninigarilyo mga ilang metro mula sa 'kin.

"Tangina, si Joonyakis nga!" kumpirma nito nang makita akong nakaharap.

Nagpanting ang aking tainga nang marinig ang salitang iyon. How long has it been since I last heard that insult? Akala ko ay nabaon na sa hukay ang aking nakaraan.

Lumapit ang lalaking tumatawag sa 'kin. Nagtanong naman agad ang mga kasama niyang tropa. "Oy, Pabs! Kilala mo ba 'yang kinakausap mo?"

I threw my cigarette on the ground and stepped on it while glaring at the guy who was calling me from afar. Hinanda ko na rin ang aking nakatikom na kamao. Kung gusto niyang makipag-away, pagbibigyan ko siya at sisiguraduhin kong hindi na siya makakabangon.

"Pabs! Ang pamilya ni Joon ang may-ari ng Serendra!" babala ng kaibigan nito. "'Wag mo siyang awayin, dito ako nakatira! Baka patalsikin nila ako sa condo!"

Umatras na si Pabs dahil sa hiling ng kaibigan nito at dumura na lamang sa sahig para mailabas ang galit. Hinatak na siya ng mga kasama niya paalis at tuluyan na silang nawala sa 'king paniningin. Nang masiguradong mag-isa na lang ako ay napasandal ang aking likuran sa dingding at napaupo ako sa sahig.

Why is the past haunting me now? Kaya pala ako kinakabahan kanina. Kaya pala halos hindi ko mabitawan si Cleng no'ng nagpaalam siya. Hindi ko inaasahang may dadalaw palang bangungot na tuluyang sisira sa 'king panandaliang kasiyahan.





#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now