Chapter 24: Deja Vu

5.1K 251 100
                                    


Warning: 

This chapter may contain scenes depicting harassment. Reader discretion is advised.


✦✧✦

CLENG


Sariwa pa sa alaala ko ang mga araw na masaya't nagkukulitan kami ni Joon. Palagi kaming magkasama, halos araw-araw pa nga. We were addicted to each other, and we always craved the company of one another.

"Sabi sa 'kin ni Bey, unang tinitingnan daw ng mga lalaki sa babae ay ang katawan nila bago ang mukha, totoo ba 'yon?" inosente kong tanong habang nakadantay ang ulo sa balikat ng aking kasintahan.

"Hindi 'yon totoo, ah. Kasi ako, ito ang una kong nakita sa 'yo," sabay turo niya sa dibdib ko.

"Y-You're being pervy again, Joonie!" I snarled at him with a red face.

"'Yong puso mo kasi ang tinutukoy ko, Cleng!" paglinaw ni Joon. "Ito talaga. Ikaw yata ang pervy, eh."

He squished my face and pecked my lips.

"Cleng?"

"Yes, Joonie?"

Naglaho bigla ang alaalang iyon at napalitan ng mga pangyayari noong isang gabi na bigla siyang bumisita sa bahay.

"I love you..." he whispered as he gave me those three quiet kisses.

And for some reason, they felt more sad than sweet.

***

Panay scroll ko sa sunod-sunod na text messages ko kay Joon. Puro pangalan ko lang ang naroon. Pangatlong araw na ito na wala siyang mensahe sa 'kin.

"Cleng, may practice daw ang Blue Sharks mamaya," bilin sa 'kin ni Jeb. "Gusto mo bang puntahan si Joon?"

Kinuyom ko ang aking kamay at napatingin ako sa alambreng singsing sa 'king daliri. I answered my friend with a determined look and a firm voice, "Yes. I want to see him."

Pagkatapos ng aming huling klase ay dumiretso agad kami ni Jeb sa gym ng Blue Sharkz. Nilibot ng aking mga mata ang buong paligid—sa mga nag-eensayo sa court, sa mga nag-uunat sa gilid, at sa mga nagpapahinga sa bench.

"Jeb! Bakit ka nariyan? Tumatakas ka na naman sa project natin!" sigaw ng isa naming kaklase nang mahuli ang kaibigan ko. Hinihingal ito at halatang tumakbo para habulin kami. "Halika't iwan mo na si Cleng. Hindi mo pa nagagawa ang mga naka-assign sa 'yo! Deadline na natin bukas!"

Hindi na nakapagpaalam sa 'kin si Jeb dahil hinatak na siya paalis ng kaklase namin.

Paglingon ko pabalik sa court ay hindi naging handa ang puso ko.

Tila ako isdang walang kamalay-malay na nabingwit mula sa dagat nang lumabas bigla ang isang pawisang Joon na nakasuot ng jersey ng Blue Sharks.

Oh my, he's really here. In our school.

He came from the men's bathroom, and I could tell that he just washed his face to cool down from too much sweating. Kusa akong napatakip ng bibig nang makita ang numero sa kaniyang likuran.

Eighteen. That's the date when we officially became a couple.

My lips couldn't help but stretch out a shy smile. I knew it. He's really still my Joonie.

Drunk Diaryحيث تعيش القصص. اكتشف الآن