Chapter 2: Walang Inosente sa Mundo

10K 455 145
                                    




✦✧✦

CLENG


Joon Villamontano? Hindi ako gano'n kapamilyar sa mga Green Giants pero alam kong sikat nga sila. I guess even athletes go to parties from time to time.

"Mare, si Joon nandito!" kinikilig na sabi ni Jeb.

"Oo mare, narinig ko!" Malaki rin ang ngiti sa mukha ni Bey. "Nandito rin kaya si Kyle? Crush ko 'yon eh!"

I sighed. I really want to go home right now, kaso wala akong choice dahil wala akong kotse at wala ring pang-Grab. Napatingin ulit ako doon sa mga nagkukumpulan na mga babae. I guess this is better than being there in the middle of that mess.

Dahil busy pa makitsismis ang mga kaibigan ko, lumayo muna ako para hanapin ang CR. Nasaan nga ba 'yon? Dapat pala ay nagtanong muna ako kina Bey. Hindi naman ako sanay sa mga ganitong lugar.

Sa sobrang sikip at dami ng tao, kung saan-saan ako napadpad. Ilang minuto na ang lumipas at hindi ko namalayan ay natulak na pala ako papunta sa bar counter.

"What drink are you having, Miss?" tanong sa 'kin ng barista.

"Oh, sorry! I-I don't have money to buy a drink," I answered nervously.

"Ako na magbabayad ng drink niya. Give her anything."

Paglingon ko, may isang makisig na lalake akong katabi. "Naliligaw ka yata? Para kang pupunta ng birthday party," aniya. He gave my body a full look from head to toe.

Napasalumbaba na lang ako roon sa counter. "Sorry naman, I didn't mean to stand out like this. Akala ko kasi birthday talaga ang pupuntahan ko."

Natawa siya nang malakas. Tingin niya yata ay nagbibiro ako. Medyo cute siya tumawa kaya napangiti ako.

Dahil medyo komportable ako sa kanya, tinuloy ko ang pakikipag-usap. "At least I don't stand out like some guy over there." I used my thumb to point to the direction behind me without looking.

"Bakit, sino ba ang nag-stand out doon?"

"Joon daw? Joon ata or John, 'di ako sure." I shrugged.

Dumating na ang drinks na nilibre niya. Itinulak ko 'yong baso sa kanya dahil hindi ako umiinom. "Sorry, wala akong pambayad for this drink."

"Hindi mo ba type ang mga gano'n?" tanong niya habang nilalaro ang stirrer ng cocktail. "'Yong mga lalakeng tulad ng Joon na 'yon?" Itinulak niya pabalik sa'kin 'yung baso. "Don't worry, it's on me."

Tila mayroon kaming magkaibang topic na sabay pinag-uusapan. I had to bite my lip to stop a smile. I found our two-way conversation cute.

"Oo. Hindi ko pa nakikita ang itsura niya pero sigurado akong mayabang 'yon." Ngumiti ako at dahan-dahang ginuhit ang aking daliri paikot sa rim ng baso. "Gano'n naman lagi kapag sikat at mayaman."

"Mayabang agad? Grabe ka naman." His chuckle was bright, almost melodic. The glass is now in the middle between us. Slowly, his finger traced the curves of the glass. My throat throbbed, finding his little gesture... sexy. "Malay mo, mabait pala 'yon," dugtong niya na nagpagising muli sa akin.

"For sure, mayabang 'yon." Nilipat ko ulit ang baso at nilagay sa harapan niya. "Spoiled, entitled, and most likely a playboy! Gabi-gabi, iba-ibang babae ang kinakama!"

"Akin na lang 'yan kung hindi niyo iinumin!" Biglang may kumuha ng baso na kanina pa namin pinagpapasahan. Katabi ko na pala si Jeb at sumingit siya sa gitna namin.

"Joon! Nandito ka pala, bro!" May lumapit sa lalakeng kausap ko at inakbayan siya. "Tara, maraming naghahanap sa 'yo."

My heart suddenly skipped a beat. What? 

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now