Chapter 1: Cleng the Virgin

14.2K 493 185
                                    


✦✧✦


CLENG


"Ross Rosales, isa kang letter G! Ginawa mo 'kong letter T!"

Ihahagis ko na sana ang cellphone ko sa pader pero may dalawang kamay na biglang pumigil sa 'kin.

"Hoy, Cleng! 'Wag mo ibato 'yong phone mo! Kung ayaw mo, akin na lang 'yan!" awat ni Jeb.

"Oo nga! Saka kung magmumura ka na lang din, itodo mo na! Gago! Tanga! Isigaw mo!" hiyaw naman ni Bey. "Hindi 'yong letter G, letter T ka riyan! Ano ka, kumakanta ng alphabet?"

Napasalampak na lamang ako sa sahig habang humahagulgol. Tumutulo na rin ang sipon ko kasabay ng luha ko. Paano ba naman kasi, anim pala kaming pinagsabay-sabay ng boyfriend ko.

"'Hindi porke't wallpaper mo si Ross ay ibubuhos mo na sa cellphone mo ang galit." Jeb confiscated my phone to avoid further damage. "Halika, palitan na nga natin 'yang wallpaper mo. Gawin nating si Taehyung."

"Heartbroken at niloko ka na nga, hindi mo pa rin kayang magmura?" Hinihimas ni Bey ang likuran ko. "Dali na, ilabas mo na 'yan. Say 'gago' with feelings."

Sinubukan ko namang sundin ang sinabi niya. "G-Ga—" Napalunok ako sa gitna ng sasabihin ko. "Ga—lit na galit talaga ako sa kaniya!"

"Hay, Cleng! Masyado ka pa ring mabait!" Tumayo si Bey at nagmura nang malakas. "Dapat ang isinisigaw mo, punyeta ka Ross! K*ngina ka! Ul*l! Kak*ntiin ko 'yang bura—"

"Hoy, hoy!" Tinakpan namin ang bibig niya na tila machine gun. Kami naman ngayon ni Jeb ang pumipigil sa kaniya. "Easy lang, Bey! Hindi ikaw 'yong niloko!"

Sina Jeb at Bey ang dalawa kong matalik na kaibigan. Eleven years na kaming magkakakilala, simula elementary hanggang college. Kilala kami bilang Tres Marias ng Yuchengco University. Ako raw si Maria Clara dahil sobrang hinhin at inosente ko. Si Jeb naman si Maria Sharapova dahil sobrang athletic. Si Bey naman ang tinatawag na Maria Ozawa na hindi ko kilala kung sino.

"Bakit ka naman kasi nagsyota ng basketball player?" pasinghal na reklamo ni Jeb. "'Yung taga-Blue Sharks pa! Alam mo namang puro red flags ang mga 'yon."

"Hindi ko naman minahal si Ross dahil lang athlete siya ng school natin," pilit kong paliwanag. "Minahal ko siya dahil sweet siya."

"Sweet ampota!" sigaw ni Bey. Kaunti na lang ay tatapalan na namin ng tape ang bibig niya. "Sa sobrang sweet niya, anim kayong tinuhog niya na parang barbecue!"

"Hoy, Bey! Hindi pa natutuhog 'tong si Cleng, 'no. Virgin pa 'yan." Tinuro ako ni Jeb.

Inayos ko ang suot kong salamin at nagsalita nang mahina. "H-Hindi naman kasi ako barbecue para tuhugin."

"Alam ko na! Para maka-move on ka, maghanap ka ng boylet sa isang party," nakangiting alok ni Bey.

"Party? As in club? Ayoko! Never!" I cringed. "Puro mga naghahanap ng fling ang nando'n!"

Kinuha ni Jeb ang dalawang kamay ko at tiningnan ako nang diretso sa mga mata. "Cleng, baka isang ka-fling ang kailangan mo para makalimutan si Ross."

Inalis ko agad ang mga kamay ko mula sa kaniya. "Ano ba! I can move on by myself! I'll just drown my sadness away by singing and dancing to Taylor Swift songs."

Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan at sabay nagbuntong-hininga. "Hopeless na ang pagiging inosente ng babaeng 'to."

***

Kinagabihan, mag-isa lang ako sa bahay nang makakuha ako ng mensahe mula kay Bey sa group chat naming tatlo.

Bey the Bomb 💣: Cleng! Punta tayo sa party mamaya! 💃

Birheng Cleng 🙏: Hard pass. Ayoko nga sa mga party.

Jebinator 💪: 'Di, Cleng! Birthday party 'to! Birthday ng pinsan ko! Invited kayo.

Birthday party? I guess that one's okay.

Birheng Cleng 🙏: Sige, I'll go. Ilang taon na ang pinsan mo? Para mabilhan ko ng regalo.

Jebinator 💪: Hindi na! Basta pumunta ka lang!

Bey the Bomb 💣: At magsuot ka ng sexy!

Birheng Cleng 🙏: What? Akala ko birthday?

Bey the Bomb 💣: Oops, wrong send! 😝 Este magsuot ka ng disente.

Jebinator 💪: Susunduin ka namin in thirty minutes! Mag-ready ka na!

Nagmadali akong maghalukay ng susuotin. Kung birthday party iyon, ayos na siguro ang jeans at blouse. Medyo namamaga pa rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kaya naglagay na rin ako ng kaunting makeup. Lalong nakatulong ang makapal kong salamin na may itim na frame at malaking lens. Nakalugay lang din ang itim at diretso kong buhok na maiksi ang bagsak, halos tumatama lamang sa balikat.

Maya-maya ay dumating na ang kotse. Pagpasok ko sa sasakyan, nagulat ako sa itsura nilang dalawa. Nakasuot ng crop top at mini skirt si Bey, samantalang naka-backless at dangling earrings naman si Jeb. Doon na ako kinabahan.

"Bakit ganyan ang suot niyo? Anong klaseng birthday party ba 'to?" Pinagpapawisan na ako. Hindi maganda ang kutob ko rito.

Binuksan ko agad muli ang pintuan ng kotse at tatakbo na sana palabas kaso bigla akong na-arm lock ni Jeb. Masyado siyang malakas kaya hindi ako makatakas.

"Bilis, Bey! Imaneho mo na!"

Dali-daling pinaandar ni Bey ang kotse at tuluyan na akong na-kidnap ng dalawa kong magaling na kaibigan.

***

"Nasa entrance pa lang ako, nasusuka na 'ko," reklamo ko sa kanila nang makarating na kami sa Revel at The Palace sa Taguig.

Lahat ng mga narito ay puro sosyal at mayayaman. Nangingibabaw ang suot kong jeans at blouse dahil puro mga naka-dress na sexy ang mga babae tulad ng suot nina Bey at Jeb.

"Tara na! I-celebrate natin ang pagiging single mo!" Hinatak na nila ako sa loob.

Jam-packed ang buong lugar, pero nagulat kami dahil nagkukumpulan ang mga kababaihan sa isang sulok. Ano'ng meron doon? Free drinks?

"Aw!" Nagulat ako nang bigla akong sikuhin ni Jeb.

Nakatulala silang dalawa ni Bey sa direksyon kung saan nagkakagulo ang mga tao. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang nangyayari. Nakarinig na lamang ako ng malakas na hiyawan.

"Joon Villamontano of the Green Giants is here!"



#DrunkDiaryWP


Drunk DiaryWhere stories live. Discover now