Chapter 12: Do What You Want

6.8K 311 83
                                    


Warning: This chapter contains mature topics and jokes not intended for younger audiences. Reader discretion is advised.



✦✧✦

CLENG


Kagat-labi akong nakangiti pagpasok ng bahay pagkatapos ihatid ni Joon. Nakakainis na nakakatuwa ang sunod-sunod niyang mga banat. Hay, ang lakas niyang magpaasa! Hirap na hirap kaya akong magpigil ng kilig kanina sa kotse!

Nagmadali akong umakyat sa kuwarto, sinipa paalis ang suot kong tsinelas at pinunasan ang lipstick ko. Habang nakatingin sa salamin ay inilarawan ko sa 'king utak ang mga pangyayari sa condo ni Joon kanina. We kissed again, it was longer... and more intense.

Tuwing magtatagpo ang mga labi namin, papusok nang papusok ang aming mga halik. Will we be taking it to another level the next time I see him?

'Kung darating man tayo sa puntong iyon, of course with your permission, sisiguraduhin kong pasisiyahin kita, Cleng.' Nag-init ang aking mga pisngi nang maalala ang binitawan niyang mga salita.

I immediately sank into my bed and buried my flushed face on the nearest pillow. Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang Facebook, kaka-add lang kasi sa 'kin ni Joon kanina at gusto kong makita ang profile niya. The bluish light from the phone screen was blending with the pinkish blush on my face as I scrolled through his feed.

Pigil na pigil ang mga daliri ko sa pag-like, lahat kasi ng mga larawan niya ay sobrang pogi. Nakaka-in love. Hindi ko namalayan na nakakasampung screenshot na pala ako.

Napatingin ako sa chat at napansin kong online siya. Nahihiya man, nagpasya akong magpadala ng mensahe para magpasalamat sa paghatid niya. Hindi ako mapakali kakahintay sa kaniyang reply. 

Ngunit napuyat lamang ako buong gabi... dahil walang dumating.

***

"Cleng, ano? Are you still a V?" bungad na tanong sa 'kin ni Bey pagpasok sa klase kinabukasan. "We deserve a proper tsismis pagkatapos niyong maglaho ni Joon. Dalawang beses ka na niyang inaagaw sa 'min, ha?"

"Pakisabi sa kaniya, according to the law of equivalent exchange, dapat may binibigay siyang kapalit kapag kinukuha ka niya sa 'min," dagdag naman ni Jeb. "Marami pang single sa Green Giants, 'di ba? 'Wag kamo siyang madamot!"

Malungkot at nakangusong mukha ang sinagot ko sa kanila. "Hindi ko siya maintindihan. Mas malala pa yata siya kay Ross. After kissing me so passionately, he decided to ghost me."

"What?!" Halos magkauntugan sina Jeb at Bey sa gulat. "Saan nga ulit nakatira 'yang Joon na 'yan? Tara, sugurin natin!"

"B-Baka naman may dahilan siya kaya hindi siya nag-reply? Malay niyo, busy lang..." I tried to reason with my friends.

"Gaano katagal na ba siyang hindi nag-reply?" tanong ni Jeb na may mataas na boses at mas mataas na kilay. "Baka naman five minutes pa lang siyang hindi sumasagot, nagrereklamo ka na agad na na-ghost na. 'Wag gano'n."

"He didn't respond to me the whole night, and even until this morning," I explained with a gulp, followed by a shy laugh. "Actually, nagpasalamat lang naman ako sa paghatid niya sa 'kin. Hindi naman niya kailangang mag-reply roon, kung tutuusin."

Bey tsked three times and gave me an advice. "Hindi ka kasi marunong lumandi, Cleng! It's time to learn some titillating tips from an expert!"

"Teka, Bey!" singit ni Jeb. "Kung anoman 'yang titi-whatever tips na 'yan, hindi 'yan bagay sa isang inosenteng tulad ni Cleng—"

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now