Chapter 14: Shitstorm

5.9K 274 40
                                    


✧✦✧

JOON


Umalingawngaw ang tunog ng buzzer sa buong gym. Nakapuntos ako ng tres sa huling segundo, na siyang ikinapanalo ng aming team. Malapit na naman ang UAAP kaya narito kami ngayon ng Green Giants sa 'ming university gym at inabot na ng gabi kakapraktis.

Pawis na pawis kami ng mga kaibigan ko habang nagbibihis sa locker room. Malaki ang ngiti sa 'king mukha dahil na-miss ko nang husto ang makipaglaro sa kanila. I'm finally playing again in the Green Giants, and it feels so good to be back.

"Gumagaling ka yata, Joon-Joon?" bungad ni Nikko habang pinapatuyo ang kaniyang buhok gamit ang puting tuwalya. "Inspired ka ba kay Ms. Blue Balls?"

"Hoy! 'Wag mo ngang tawaging ganiyan si Cleng!" Pabiro ko siyang sinuntok sa pisngi. "Napakaganda kaya ng pangalan niya! Clestiana Anastacia..." I told him with a smug face. "Lalo pang gaganda kapag nadugtungan ng Villamontano sa dulo."

"Oy, Joonieboy! Tara na, bilisan mo!" nagmamadaling singit ni Anlex na siyang nagsusuot na ng sapatos. "'Wag mong sabihing nakalimutan mong may lakad tayo ngayong gabi?"

"Ha? Gabi na, ah!"

"Tara na, naghihintay sila!" Hinatak ni Tobin ang suot kong damit mula sa likuran. Sinong sila?

Kasama ko sina Tobin at Anlex na sumakay sa Grab. Hindi ko maalala na may lakad kami ngayon, kaya sumunod na lang ako sa kanila. Halos nahulog ang panga ko sa sahig nang makitang huminto ang sasakyan sa tapat ng Rue Bourbon bar sa Makati.

"Gusto niyong uminom?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Iinom tayo, pero hindi 'yon ang importante!" nakangiting sambit ni Anlex. Pagkapasok namin sa bar, nakita kong may tatlong babaeng nakaabang sa isang mesa sa may sulok. "It's our monthly chicks-hunting day!" patuloy ng loko.

"A-Ano?"

"Nakalimutan mo na?" Inakbayan ako ni Tobin habang ipinapaliwanag ang layon namin ngayong gabi. "Simula nang magka-girlfriend si Captain, nagpupustahan tayo kung sino ang susunod na makakahanap ng end game sa Green Giants."

"Kaya naman buwan-buwan ay nakikipag-group date tayong tatlo sa mga chicks!" dugtong ni Anlex. "Masiyado kasing busy sina Denz at Nikko. Si Gin naman, walang malay pa 'yon. Imbis na makakuha ng chicks ay aalagaan pa natin. Kaya naman ang titillating trio ng Green Giants ang magkakasama ngayon."

Hindi na ako makatakas dahil mahigpit ang pagkakaakbay ni Tobin. Tama nga ako, dahil doon kami umupo sa mesa ng tatlong babaeng naghihintay kanina. Isa-isa na kaming nagpakilala sa kanila.

"Hi, girls! I'm Anlex, the handsome boy-next-door ng Green Giants!"

"Ako naman si Tobin! The more handsome boy-next-door ng Green Giants," sabay kindat niya na siyang nagpatawa sa mga babae. Siningkitan naman siya ng mata ni Anlex.

"Hi... I'm Joon," medyo walang gana kong pakilala. Gusto ko na sanang makauwi agad.

"Joon lang?" nakangiting tanong ng isa sa mga babae, halatang gusto nitong makipaglandian.

"'Yan ang pretty playboy ng Green Giants!" banggit ni Tobin habang tinatapik ang aking balikat.

Nagngisngisan ang mga kasama naming babae sa biro ni Tobin. Siniko ko naman siya para tumigil. Buong gabi ay daldalan sila nang daldalan, samantalang tahimik lamang ako. Kung nangyari ito noong nakaraang buwan bago ko makilala si Cleng, siguro ay lumalandi rin ako tulad nila at todo-papogi sa mga babae. Pero ngayon, ewan ko ba, hindi ako interesadong makipagkilala kahit kanino.

Drunk DiaryOn viuen les histories. Descobreix ara