Chapter 20: Tainted and Rotten

5.3K 251 19
                                    

Warning:

This chapter contains mature scenes and foul language that are not suitable for younger readers. Reader discretion is advised.


✧✦✧

JOON


Sa loob ng isang linggo ay marami na agad naging kaibigan si Pabs, tuwang-tuwa kasi sa mga pilyong hirit niya ang blockmates namin. Ako lang yata ang hindi natutuwa sa kaniya.

I tried my best to avoid him, especially since Mina has warned me that Pabs is bad news. Kaya tuwing naiinis ako, iniisip ko na lamang ang maamong mukha ni Cleng bilang pampakalma.

That's why I decided to meet my cute girlfriend for a little samgyupsal date.

"H-Hilaw pa 'yan, Joon!" natatarantang sambit ni Cleng.

"Puwede na 'yan!"

Dumating bigla ang waitress at naglabas ng flyer. "Hi, ma'am! Hi, sir! May promo po kami ngayon sa mga soju. Buy 1, take 1 sila ngayon."

"Uy, soju! Brings back memories," nakangiti kong usal habang sinisingkitan ng mata si Cleng. "Sige ate, we'll get one order of your promo."

Pagkalapag ng dalawang bote ng soju ay agad kong tinanggal ang takip ng isa rito. I removed the flimsy ring from the cap and took my girlfriend's hand.

"Will you, Clestiana Anastacia, take this jerk, Joon Villamontano, to be your lawfully wedded husband, to have and to hold from this day forward, for better, or for worse..."

Agad na namula ang mga mapuputing pisngi ni Cleng. "Joon! H-Hinaan mo ang boses mo, nagtitinginan ang mga tao sa'tin," nahihiya niyang bulong.

"Till death do us part?" pagtapos ko.

Ngumiti siya at dahan-dahang tumango. "I do."

Nakaramdam ako ng malambing na init sa 'king dibdib nang makuha ang kaniyang oo, kahit na kunwarian lamang ito. Inikot ko ang alambre mula sa cap ng soju sa palasingsingan ni Cleng.

"This time, huwag mo nang itatapon 'to, ah?" I told her in a sweet voice as I gently squeezed her soft cheek.

Umiling si Cleng at ngumiti. "I won't, promise."

Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko. Kinuha niya ang alambre mula sa takip ng isa pang soju at pinaikot ito sa 'king daliri. "Alam ko kasi, hindi lang isa ang kinakasal."

She told me with a set of doe eyes, "Will you marry me, Mr. Villamontano?"

"Fuck yes. I do, Mrs. Villamontano."

Sa sobrang kilig sa kaniyang ginawa ay sinapo ko ang magkabilang pisngi ni Cleng at binigyan siya ng mariing halik. "I'm the fucking luckiest groom in the world."

She gave me a cute hiss because of my foul worlds. Pagkatapos no'n ay inubos na namin ang mga iniihaw na samgyupsal.

"Uh, Cleng, binili ko lang talaga 'yong soju para lang gawin 'yon," pag-amin ko habang napapakamot. "Pero wala akong balak uminom. I want to stay sober from now on."

"Talaga?" gulat niyang reaksyon. "Kaya mo ba talagang tumigil sa pag-inom?"

"For my bride, I will." Hinalikan ko ang alambreng singsing sa kaniyang kamay.

"O sige, kailangan may parusa kapag uminom ka ng alak," aniya. "Kapag nahuli kitang may bote—no kiss, two weeks!"

"No kiss?!" kunot-noong hiyaw ko. "Pero sex, puwede?"

"Joon! Please don't say the letter S in front of food!" she said while blushing.

"I'm just kidding, my innocent bride." Tumawa ako at ginulo ang kaniyang buhok. "I'll say goodbye to alcohol from now on. Don't worry."

***

Pagpasok ko kinabukasan sa klase ay nakita kong nagkakagulo ang mga tao. Nakakumpol sila sa paligid ni Pabs na may hawak na cellphone.

"Oy, Pabs! Send mo naman sa 'kin," hiyat ng isa naming kaklase.

"Ako rin, pahingi akong kopya!" sundot naman ng isa pa. "Sobrang nakaka-L, gago."

Na-gets ko agad na porn ang pinagkakaguluhan nila. Ano ba 'yan, sa school talaga?

Dumiretso na lang ako sa upuan ko. Hindi ko na sana sila papansinin nang biglang nakarinig ako ng pamilyar na boses.

'Oh my god, you're making me feel so hot! You're so fucking good!'

Nagpanting ang aking tainga. Alam na alam ko ang mga salitang iyon. Those were the words that haunted me for years.

'Oh, Joon. Your d*ck is so big, it's alive and kicking inside me!'

Nanggagaling iyon mula sa speakers ng cellphone ni Pabs na lalo niya pang nilalakasan.

Agad akong tumayo at sumugod sa kaniya. Inagaw ko ang cellphone niya para tingnan kung ano ang pinapanood nila.

"Hoy Joon, kung gusto mo ng kopya, pumila ka!" nakangising hirit ng walang malay na isa naming kaklase.

Tila ako nawalan ng dugo sa mukha nang makita ang sarili kong nakatalikod at nakikipagtalikan sa banyo.

Malabo ang kuha ng camera kaya hindi ako namumukhaan, pero sigurado ang mga nakatindig na balahibo sa 'king mga braso na ako ang nasa video na iyon. Having sex with Dallas' fiancée.

Nagtaka ang mga kaklase namin kung bakit ko sinugod si Pabs. Dinakma ko siya sa kuwelyo at dinala palabas ng silid.

"Who the fuck are you and why do you have this?!" I shouted at his face.

Tumawa lang ang kumag. "Nice to meet you again, Joonyakis."

Sinuntok ko nang malakas ang pagmumukha niya. Umibabaw ako sa kaniyang katawan at sinunod-sunod ang pagsuntok. I was smashing and bashing his annoying face with my fists. Kung hindi pa nagdatingan ang mga guwardiya ng school ay hindi ko siya titigilan.

***

Napagdesisyunan ng paaralan na isuspinde ako sa klase, at pati na rin sa pakikilahok sa mga laban ng Green Giants. Once again, I have disappointed my team... just when I just got back.

Dahil laging busy ang mga magulang ko, si Simon ang pumunta para magsilbing guardian ko habang pinagsasabihan ako ng faculty.

"Sir Joon, are you okay?" bulong sa 'kin ni Simon.

"Ayos lang ako. May hihingin pala akong pabor sa 'yo," seryosong bilin ko sa kaniya. "Simon, can you find out who the hell is Fabian Caliones?"

"Noted, Sir Joon. Babalitaan ko po kayo agad."

Pagkalabas sa Discipline Office ay napatingin ako sa alambreng singsing sa 'king daliri. May bahid na ito ng dugo mula sa pagsuntok kay Pabs. Tinanggal ko muna ito para hugasan sa CR.

"Wait, no!" Dahil sa sobrang lalim ng aking iniisip, hindi ko napansing nangalawang na pala ito dahil sa tagal na nakababad sa tubig.

Agad ko itong pinatuyo, ngunit huli na at hindi na matatanggal ang ilang kalawang na namuo na rito.

Sinuot ko na ulit ito paikot sa 'king palasingsingan. Inangat ko ang aking kamay palapit sa mukha para pagmasdan itong maigi. Tila ba may sinasabi sa 'kin ang nangalawang na singsing na iyon.

No matter what you do, no matter how much you try to find happiness... You will always stay tainted and rotten, just like this ring, Joon Villamontano.




#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now