Chapter 3: Enchanted

8.5K 417 44
                                    




✦✧✦

CLENG


Habang nakasakay sa loob ng Grab kasama ni Joon, nararamdaman ko nang nawawala na ang tama ko. Nang medyo mahimasmasan na ay saka ko lang napagtanto ang sitwasyon ko. The two of us are going to his place right now.

Nag-init bigla ang buong mukha ko. Nakakapit ako nang mahigpit sa bag ko at sobrang kinakabahan. Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe.

"We're here." Those two words gave me goosebumps.

Nang makababa ng kotse ay napatingala ako. Nasa Serendra kami na isang condominum complex. "Sino kasama mo sa condo?"

"Ako lang," matipid niyang sagot.

Sumakay kami ng elevator at tumigil sa tenth floor. Nasa pinakadulo ang unit niya. Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa 'kin ang isang malawak na loft-style at high-ceiling room.

Nakakita agad ako ng maraming alak sa kitchen counter niya. Baliw na yata ako dahil gusto ko pang uminom para lang matanggal ang awkwardness ng sitwasyon.

"T-Tara, inom pa tayo! Round two!" yaya ko sa kaniya.

"Akala ko ba ayaw mong uminom?" He raised his brow in confusion. "Saka kaya kita dinala rito dahil masiyado ka nang lasing kanina."

Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil nilagok ko agad ang unang boteng nakita ko.

"H-Hoy! Matapang 'yan! By shots lang 'yan iniinom, nakikinig ka ba?" Inagaw niya sa 'kin 'yong bote. Nagbuntong-hininga siya at sumuko na. "Fine, tutal binilin ka sa 'kin ng friends mo."

His finger lifted my chin up and I saw him smirk. "Sabi ng mga kaibigan mo, pasiyahin daw kita ngayong gabi."

I can feel my whole face becoming red and hot. Hindi ko alam kung dahil ba sa alcohol o sa ginawa ni Joon.

We started pouring each other drinks and playing games. Nagtatawanan kami habang lalo naming nakikilala ang isa't isa.

"Wait, magpapatugtog ako!" Binuksan ko ang phone ko at pumunta sa Spotify. "Para mas maganda ang mood."

"Siguraduhin mong trip ko 'yang playlist mo, ha!" sabi ng medyo may tama nang si Joon.

Pinatugtog ko ang Taylor Swift playlist ko nang malakas. Love Story ang unang tumugtog. "We were both drunk, when I first saw you." Kumanta ako gamit ang bote ng alak bilang mic.

"Hoy, mali naman lyrics mo eh," natatawang sabi ni Joon. "Pero bet ko playlist mo. I'm also a fan of Taylor Swift."

"Joon-eo, take me somewhere we can be alone." Kinuha ko ang kamay niya at niyaya siyang sumayaw. "I'll be waiting, all there's left to do is dance."

"Mali-mali lyrics mo!" Hindi niya mapigilang tumawa. Sinamahan niya ako sa gitna ng sala at nagsimula kaming sumayaw na parang mga tanga. Panay birit din namin kahit sintunado kami parehas. Wala na rin kaming paki kahit hindi tama ang mga lyrics. Lasing na lasing na kami sa alak at kasiyahang dala ng gabi.

Lumuhod siya bigla sa dulong bahagi ng kanta at kinuha ang aking kamay. "Marry me pretty Cleng, you never have to be alone." Pinutol niya ang nakalawit na ring sa dulo ng cap ng soju at inikot ito sa daliri ko para maging singsing. "I love you, and that's all I really know."

Alam kong nakikisabay lang siya sa katuwaan, pero hindi mapigilan ng puso ko na matunaw sa ginawa niya. I almost felt sorry for judging him earlier and telling him harsh things at the club.

Pagkatapos ng ilang mga kanta, nagulat kami dahil biglang naging mabagal ang kasunod. Enchanted na ang tumutugtog. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at nilagay sa mga balikat niya. Hinawakan niya ako sa baywang at sumayaw kami nang dahan-dahan.

Hindi na kami kumakantang dalawa. Tahimik lang kami at nakatingin sa mga mata ng isa't isa. I was able to take a close look at his face. He has small dimples near his sharp jaw. Singkit siya pero expressive ang mga mata niya. I'll spend forever wondering if you knew, I was enchanted to meet you. I blushed when that part of the song played, because that's exactly what I'm feeling right now.

"Please don't be in love with someone else," he suddenly said.

"H-Huh?" Nagulat ako sa sinabi niya.

He gave me a sweet smile. "Wala, kumakanta lang."

***

Umupo kami sa sofa at tumambay. Nagbukas siya ng pack ng sigarilyo at nagsindi ng isang yosi. "Do you smoke?" he asked while offering me a stick.

"N-No, I don't."

Bigla niyang inupos 'yong yosi sa ash tray. "Shit! Sorry! Baka pala hindi ayos sa 'yo na manigarilyo ako sa harap mo."

Umiling ako nang mabilis. "Hindi, okay lang! Nagyoyosi rin ang mga kaibigan ko kaya sanay na ako. Go ahead."

Nagdalawang-isip muna siya pero ako na mismo ang namilit at nagsindi ng sigarilyo niya.

Kinuha ko ang pack ng yosi at binasa ito. "Berry flavor? May lasa ang yosi?"

"Yup. You just need to bite this part here." Tinuro niya sa 'kin iyong parang bilog sa gitna ng stick at kinagat niya ito. It made a light popping sound which made my heart jump a little. Ang pogi niya do'n.

"I'm curious. I want to know how it tastes like," I told him innocently.

"You wanna try?" Pagkahithit ay inabot niya sa 'kin ang yosi.

"No! I don't want to smoke."

"Eh pa'no mo matitikman 'yong lasa?"

Napatitig ako sa mga labi niya at napalunok. "D-Does the taste also stay in your mouth when you smoke?"

Napatigil siya at lumingon sa 'kin. His eyes wandered on my shivering lips. I can feel my heart going wild.

"You wanna try?" he asked again, but this time while looking at my lips.

Siguro ay dala na rin ng kuryosidad, siguro ay nagdadahilan na lang ako, pero tumango ako sa kaniya at pumikit.

Pinatay niya na ang sindi ng yosi at hinawakan ang dulo ng aking baba. Inangat niya ang mukha ko at dinampi ang mga labi niya sa'kin. He slowly started to move his lips, and I followed him.

Yes, I could definitely taste the berry flavor. Dahil kaya sa lasa ng yosi... o matamis lang talaga siyang humalik? His tongue went inside and took over my mouth. Hinawakan ko ang suot niyang damit para hindi ako mabuwal, nagiging mabilis na kasi ang halikan namin.

Bigla akong may naramdaman sa tiyan ko at tinapik ko siya bigla. "Mmm! Mmm!"

Tinulak ko siya at bigla akong nagsuka. Narumihan ang damit naming dalawa.

"Why did you—"

Hindi na natapos ni Joon ang sasabihin niya dahil nag-blackout na rin siya sa sobrang kalasingan.

I was left in shock. What the hell just happened?




#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now