Chapter 15: Electric Spark

5.6K 275 71
                                    




✦✧✦

CLENG


May isang magandang babae na panay silip sa classroom namin. Mahaba ang kaniyang buhok at iba ang kulay nito sa dulo. Ombré yata ang tawag sa hairstyle na iyon, at lalong lumilitaw ang ganda niya dahil sa matingkad niyang buhok.

Napatingin ako saglit, at malayo ang hitsura ko sa kaniya. Maiksi ang buhok ko at kulay itim lamang ito. Malaki at makapal pa ang frame ng salamin ko. Sino kaya ang hinihintay niya?

Nang matapos ang klase ay isa-isa na kaming lumabas sa pintuan. Muntik ko nang mahulog ang hawak kong mga libro nang bigla akong harangan ng magandang babaeng napansin ko kanina.

"Ikaw ba si Cleng?" nakangiting bungad niya sa 'kin. Mas maganda siya sa malapitan. "Clestiana Anastacia? Nagtanong-tanong ako kung saan kita mahahanap at tinuro ka sa 'kin ng mga pinagtanungan ko."

Inayos ko ang pagkakasuot ng aking salamin at tumikhim muna sandali. "A-Ako nga, bakit? Ano ang kailangan mo sa 'kin?"

Lalong lumaki ang kaniyang ngiti at naningkit ang mga mata niya na tila ba kinikilig. "Halika, usap tayo!"

Pagkasabi no'n ay hinatak niya ako papunta sa isang sulok. "Ako si Cherry! Cherry An Versoza. Kaibigan ako ni Joon!"

Namula ang mga pisngi ko sa pagkakabanggit ng pangalan ni Joon. Naalala ko ang huli naming pagkikita, 'yong gabing kung ano-ano ang mga pinaggagagawa namin sa sofa... Mas lalong namula ang buong mukha ko nang maisip muli ang mga nangyari noon.

"Available ka ba ngayong weekend?" tanong sa 'kin ni Cherry.

"Ngayong weekend? Para saan?" nahihiya kong tanong habang tinatakpan ang kalahati ng aking mukha gamit ang mga hawak kong libro. Nahihiya kasi ako sa ganda niya.

"Pupunta tayo sa beach kasama ang Green Giants!" Nagningning ang kaniyang mga mata habang ibinabalita iyon. "Huwag kang mag-alala! Makukulit sila, pero ako ang bahala sa 'yo!"

"P-Pero hindi nila ako kilala. Nakakahiya yata kung sasama ako," nakayuko kong tugon. "At... paano mo pala ako nakilala?"

"Nababanggit ni Joon ang pangalan mo kay Nikko, tapos nakuwento ni Nikko kay Denz, na siyang nagkuwento kay Bastiel, na nagkuwento sa 'kin."

Medyo nahilo ako sa paliwanag niya. Hindi ko kasi kilala ang mga pangalang nabanggit. I blushed at the thought of strangers knowing my name. Why would Joon tell them about me? And I wonder... what he said about me?

"Tapos sobrang tuwang-tuwa ako nang malaman na parehas pala tayong nag-aaral sa Yuchengco!" patuloy ni Cherry. "Biruin mo 'yon! Kaya heto ako, niyayaya kang sumama sa 'min sa Sabado. Sige na, please?"

"A-Alam ba ito ni Joon?" I pursed my lips while asking. Bakit kaya hindi siya mismo ang nagyaya sa 'kin?

Cherry grinned wide and laughed for a bit before saying, "Ikaw ang sorpresa namin sa kaniya!"

***

I bit my lip as I stared at Joon's name on my phone. Nakauwi na ako sa bahay at nakahiga sa kama. Hiling ni Cherry na isikreto ko lang daw sa kaniya, ngunit hindi ko magawang hindi mahiya. Will Joon be really happy to see me?

Pagkatapos pag-isipang mabuti ang paanyaya ay pumayag na ako sa alok ni Cherry. Kinonsulta ko ang mga matalik kong kaibigan kaya naman narito sila ngayon sa kuwarto ko at tinutulungan akong mag-impake.

"Beach 'yon, 'di ba? Suotin mo 'to!" May binatong swimsuit si Bey. Pagkasalo ay binuklat ko ito, at bumungad sa 'kin ang isang two-piece bikini.

"Sigurado ka bang para sa 'kin ito?" natataranta kong tanong. "B-Bakit parang hindi naman kasya sa 'kin?"

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now