Chapter 7: Dr. Love

7.6K 368 33
                                    


✦✧✦

CLENG


That enchanted night with Joon felt surreal, it was like a dream. Sinusuot ko ang kaniyang gawang singsing bilang patunay na nangyari talaga ang gabing iyon. It was my reminder that everything was real and true.

Pumunta ako sa salamin at ngumuso. It wasn't my first kiss, because my jerk ex-boyfriend Ross has kissed me already before. Pero bakit gano'n? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng hangover mula sa isang halik. I kept replaying the movements of our lips in our head. Joon's kiss was soft, careful, but overall hypnotizing. I knew I wanted more of it.

Kahit habang nagkaklase ay 'di ko mapigilang isipin ang mga labi niya. What's happening to me? I kept touching my lips... Kinakapa ko ang korte nito na siyang dinampian ng mga labi ni Joon. I was tracing its slopes while recalling our kiss. I suddenly felt something throb inside me.

"B-Bey? Jeb?" Kinonsulta ko ang mga kaibigan ko tungkol dito habang naglalakad kami papunta sa gate. Kakatapos lang ng huli naming klase. "Ano'ng ibig sabihin kapag... may nararamdaman kang iba sa katawan mo?"

"Nararamdamang kakaiba? Ano'ng ibig mong sabihin?" taas-kilay na tanong ni Jeb. "Natatae ka ba, Cleng?"

"Hindi! Parang kinikilig ka, pero..." Napalunok muna ako bago ko itinuloy. "Pero hindi dibdib mo 'yong kinikilig?"

"Ha?" sabay na reaksyon nina Bey at Jeb.

"Hindi dibdib... Lower..." nahihiya kong sabi.

"Tiyan? Baka kinakabag ka?" hula ni Bey.

Umiling ako at nagbigay ulit ng clue. "L-Lower pa..."

"Kinikilig ang petchay mo?!" malakas na hiyaw ni Bey kaya agad naming tinakpan ni Jeb ang bibig niya.

"Shhh, Bey! Baka ma-discipline office tayo dahil sa bunganga mo, eh!" sita sa kaniya ni Jeb.

"I-It's throbbing, every time I think of our kiss," nakayukong pag-amin ko sa kanila. "Ano'ng nangyayari? Kailangan ko na bang magpatingin sa OB-Gyne?"

Nagtawanan ang aking mga kaibigan na siyang pinagtaka ko. "Hahaha! Hindi doktor ang kailangan mo," hirit Jeb. "Dr. Love ang need mo!"

"Dr. Love?"

Pinatong ni Bey ang kaniyang magkabilang kamay sa ibabaw ng mga balikat ko. "Ganito kasi 'yan, Cleng. Merong lust, at merong love. Kailangan mong ma-determine kung alin sa dalawang ito ang nararamdaman mo."

"H-How do I determine?" Inayos ko ang pagkakasuot ng makapal kong salamin na halos mahuhulog na.

"You need to kiss him again," payo ni Jeb na siyang biglang ngumuso. Nagkunwari silang dalawa ni Bey na naghahalikan para asarin ako.

"Hay, kung ano-ano ang mga sinasabi niyo... Una na nga ako sa inyo," masungit na sermon ko sa kanila. Lumabas na ako sa class namin at dire-diretsong naglakad palabas ng gate ng university.

"Cleng! Cleng! Wait lang!" sigaw nila habang hinahabol ako.

"Cleng..."

Napatigil ako nang ibang boses na ang narinig kong tumawag sa 'kin. It's a voice that's new yet familiar at the same time. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon at natagpuan ang lalaking gumagambala sa puso't utak ko buong linggo. It's Joon, right in front of our school gates.

"Cleng, wait! Cleng! Please, listen to me." Hinabol niya ang mabilis kong paglakad. "Asawa ko! Asawa ko! Saglit lang, hintayin mo 'ko!"

Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Nagtinginan ang mga tao at halatang hinuhusgahan na kami. 'College pa lang sila, 'di ba?' narinig kong bulong ng isang tsismosa.

Tumigil tuloy ako at hinarap na siya. "A-Ano'ng kalokohan ang pinagsasabi mo? A-Asawa ka riyan!"

Pinaalala niya ang binigay niyang singsing. Oh no, suot ko pa pala ito! Nakakahiya! Agad-agad kong tinapon ito kahit na sa loob-loob ko ay nanghihinayang ako. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinatak ako papunta sa kung saan.

Nang makarating sa isang liblib na sulok ay sinandal niya ako sa pader. Nakita kong pinagmamasdan niya ang mga labi ko. Napakagat ako rito dahil hindi ko mapigilang kabahan sa kaniyang malalim na pagtitig. 

"If you don't want this... tell me. I'll give you time." 

He closed his eyes and started to slowly lean forward, narrowing our gap. Is he going to kiss me?

Napalunok ako at agad na hinarangan ang mga labi niya nang malapit na itong dumapo sa akin.

"Why, don't you want to kiss me?" his raspy voice asked in a low, whispery tone. Sadyang nakakaakit ang mga mata niyang nakikiusap. "Because I want to kiss you, Cleng."

Umangat ang mga dibdib ko dahil sa 'king malalim na paghinga. 'You need to kiss him again,' payo sa 'kin ni Jeb kanina na bigla kong naalala. She's right, I need to determine if what I'm feeling is lust or love. I want to feel those butterflies again.

"S-Sige, payag ako..." sambit ko kay Joon. "Pero sa isang kondisyon."

"P-Payag ka?" Nagningning ang mga mata niya sa tuwa. "I mean, sure. Ano'ng kondisyon?"

I placed my finger over my lips and told him, "Kiss me like how you kissed me that night."

Tila may apoy na nasindihan sa pagkatao ni Joon nang makita ang itsura ko at marinig ang mga salitang sinambit ko. Hinawakan niya ang nakaharang na daliri ko at ikinuyom ito kasama ng kaniyang kamay. He placed our hands on the side and proceeded to kiss me.

Nalasahan ko agad ang matamis na alak sa kaniyang mga labi. He's been drinking again. He licked my lips and I allowed him to invade my hot mouth. Naririnig ko ang bawat sipsip at dulas ng mga labi't dila naming dalawa.

He's an expert kisser, and I'm a helpless woman under his spell. Hindi ko alam kung dahil ba lasang alak ang kaniyang bibig, pero nalalasing na ako sa kaniyang mga halik. Ayos lang, gusto kong magpakalasing sa lasa ng mga labi ni Joon.

Naramdaman ko na ang hinihintay kong pagpintig sa 'king pagkababae. I was about to dive in for another kiss when he suddenly pulled away. Using his thumb, he wiped away the excess wetness at the side of my lips.

"Do you want more?" he asked me with a teasing smile. "If you want more of that, you know where to find me."

Umatras na siya at naglakad paalis. Naiwan ako rito sa sulok na nakanganga at may magulong buhok. Ano'ng nangyari? I fixed my uniform and my hair. Alam ko raw kung saan siya hahanapin, eh wala naman siyang sinabing kahit anong lugar.

Saka ko lamang naalala—oo nga pala, nakapunta na 'ko sa condo niya. Sa Serendra siya nakatira. I pushed the bridge of my thick glasses over my nose and gulped a few times. Is he asking me to visit his place again? Kinakabahan ako dahil baka kung ano'ng mangyari kapag kaming dalawa lang ulit doon.

Ngunit sa totoo lang, aaminin kong nabitin ako sa halik niya kanina. Sinadya ba ni Joon Villamontano na iwanan akong bitin, para puntahan siya? I frowned and blushed at the same time.

He already made his move and went to visit my school. Now it's my turn to make a move. I sighed harshly and asked my confused heart. Dr. Love, ano po'ng next step ko?




#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now