Chapter 18: Blind Spot

5.8K 260 58
                                    

Warning:

This chapter contains mature scenes and foul language that are not suitable for younger readers. Reader discretion is advised.

 

✦✧✦

CLENG

Isang malakas at malalim na hikbi ang namutawi sa 'king bibig pagkabitaw ng mga salitang iyon. Natahimik lamang si Joon, kasing tahimik ng lumalalim na gabi. Tanging ang mga hampas lamang ng alon ang maririnig sa paligid.

Humakbang palapit si Joon at niyakap ako nang mahigpit. "Hindi ko alam kung bakit mo iniisip o kung saan mo nalaman 'yon... Pero isang babae na lang ang importante sa 'kin ngayon, wala na akong pakialam sa ibang mga babae."

"N-Narinig ko kayong nag-uusap nina Anlex..." mahina kong bulong.

"That was the past. At kung nakaraan lang din ang pag-uusapan, talagang hindi maganda ang nakaraan ko, Cleng." Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at niyakap pa ako nang mas lalong mahigpit. "Kaya natatakot akong magmahal, pero tangina... hindi ko na kayang pigilan, eh. Lalo na kung nagkakaganiyan ka."

May dinukot siyang papel mula sa kaniyang bulsa at nilagay ito sa kamay ko. "Do you remember the sticky note that you were trying to guess earlier during the game?"

Tumango ako nang maalala ang kaniyang tinutukoy. Tinanong ko kung maganda ba ang babaeng nakasulat. Biglang sumigaw si Joon ng determinadong 'Oo, sobra!' no'ng mga saglit na iyon.

"Open it," malambing niyang pagkakasabi. "The name of the person I love is inside that note."

Natatakot akong buksan ito, ngunit ang puso ko ang nag-udyok sa 'king harapin ang katotohanan. Diniretso ko ang lukot na papel at nabasa ang pangalan ng babaeng hindi ko inaasahan.

'Cleng' was written in big, scrawly letters.

Napahawak ako sa 'king bibig sa sobrang pagkagulat. Inangat ko ang aking paningin at natagpuan ang mga seryosong mata ni Joon Villamontano.

"The game isn't finished yet, I still have more questions," usal ng lumalalim niyang boses. "May pag-asa ba 'ko sa kaniya?"

Bumalik ang tingin ko sa maiksing pangalan ko na nakasulat doon sa hawak kong papel.

"Pagbibigyan niya ba 'ko kung mamahalin ko siya? Bibigyan niya ba 'ko ng pagkakataong pasiyahin siya?" Naging sunod-sunod ang pagtanong ni Joon. Naramdaman ko ang mainit niyang palad na marahang humahaplos sa'king malamig na pisngi. "Puwede ko ba siyang maangkin bilang akin?"

My fingers were trembling as I desperately held on to the piece of paper swaying in the cool wind. Pagpatak ng luha ko sa buhangin, binitawan ko ang papel at hinalikan ang nakaabang na mga labi ni Joon. Binitawan ko na rin ang lahat ng aking mga pagdududa at pag-aalala.

"Oo, oo, at oo," sambit ng mga labi kong marahang humahalik. "Oo sa lahat."

Joon grabbed my head and pushed me in closer for a deeper kiss. "Cleng. Mahal kita, tangina."

Yumakap ang kabila niyang kamay sa'king baywang, inaalalayan ang aking pagtingkayad para maabot ang kaniyang mga labi.

"I-I love you too, Joon," I whimpered between his lips. "Do I need to say bad words too?"

Naramdaman ko ang kaniyang pagngiti sa gitna ng aking mga labi. "I'm gonna make you say bad words, Clestiana."

"Ahh! Joon—"

Walang pag-aalinlangang hiniga niya ako sa buhangin. Umibabaw siya sa katawan ko at nilapat ang kaniyang noo sa'kin. "I own this resort. Kabisado ko ang bawat sulok nito. And guess what, Cleng?"

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now