Chapter 17: Sticky Feelings

5.5K 276 80
                                    




✦✧✦

JOON


"Aray! Dahan-dahan naman, Tobyo!" galit na angil ko kay Tobin nang bigla niyang sinaksakan ng tissue ang ilong kong nagdugo.

Narito kami ngayon sa clinic dahil natamaan ang mukha ko ng frisbee disc. Ayos naman na ako, pero sila lang itong OA na dinala pa 'ko rito kahit hindi naman kailangan. Tapos sumama pa lahat dito maliban kay Bastiel, ang sikip tuloy sa kuwarto.

"'Tol, masiyado kang halata kanina, ah?" puna ni Anlex habang pinapaikot ang swivel chair na inuupuan niya. "Grabe kung makabakod kay Cleng, eh!"

"Kaya nga," sundot ni Tobin. "Kulang na lang lagyan mo ng electric fence 'yong paligid ni Cleng."

"Hoy, Joon! Parang last year lang, patay na patay ka kay Cherry!" natatawang paalala ni Nikko.

"Oo nga, Joon. Sinolo mo pa nga si Cherry sa pool para makaporma," dagdag ni Denz.

Ngumiwi ako at pasinghal na sumagot sa kanila. "This time, I'm sure. Tinamaan na talaga ako nang malakas para kay Cleng. Sagad hanggang buto."

"Good luck na lang kay Cleng," pabirong hirit ni Tobin.

"Pakyu, Tobyo!" Tumayo na ako at pumunta sa pintuan. "Walang hahawak sa inyo kay Cleng, ha? Babaliin ko ang mga kamay niyo."

"Angas ni Joon-Joon! Bakit, kayo na ba?"

Napatigil ako bigla sa makabuluhang tanong ni Anlex. Bumelat na lamang ako at lumabas na sa clinic. May punto siya roon. Hindi naman kami.

***

Pagkalabas ay napansin kong tila umiiyak si Cleng sa may dulo ng pasilyo. Napatakbo ako bigla dahil sa pag-aalala. Hindi ko mapapatawad ang kung sinomang nagpaiyak sa 'king Clestiana.

"Cleng! Ayos ka lang?" Sinubukan kong abutin ang braso niya ngunit inilayo niya ito.

"P-Please leave me alone..." kagat-labing usal ni Cleng. Ipinunas niya ang mahabang manggas ng varsity jacket sa kaniyang mga namamagang mata.

"Sino ang nagpaiyak sa 'yo, Cleng?" sambit ko. "Sabihin mo lang, sasaktan ko siya!"

Bigla niya akong tinulak palayo. Tumingala siya sa 'kin kaya nakita ko kung gaano kapula ang mga mata niya kakaiyak. "I said leave me alone..."

Tumalikod na si Cleng at naglakad paalis. Gusto ko siyang habulin, ngunit sumagi sa isip ko ang sinabi ni Anlex kanina. 'Bakit, kayo na ba?'

Kinuyom ko na lamang ang aking kamay at kinagat nang mariin ang aking labi. Tangina. Sino'ng nagpaiyak sa 'yo, Cleng?

Marahan kong inuntog ang aking noo sa pader. Naguguluhan na kasi ako. Hindi ba't ito ang gusto kong mangyari... ang mapalayo kay Cleng? Hindi ba't plano kong iwasan na siya? Hindi ba dapat ay magpasalamat akong nilalayuan niya ako?

"Gago ka rin, Joon, eh..." pabulong kong mura sa 'king sarili. "Nakakagago pala ang magmahal..."

***

Nag-iinuman kaming mga lalaki sa kuwarto ni Tobin nang bigla kaming nakarinig ng pagkatok. Pagbukas ng pinto ay naroon si Cherry na hawak-hawak ang kamay ni Cleng.

"Sali kami ni Cleng!" nakangiting pahayag ni Cherry at hinatak na si Cleng papunta sa loob.

Nakaupo kaming lahat nang paikot sa kama. Sinisipat ng mga mata ko si Cleng, ngunit nakayuko lang siyang magdamag at umiiwas ng tingin sa 'kin.

"Tara, maglaro tayo ng Pinoy Henyo!" hirit ng medyo lasing nang si Anlex. "Sakto, may sticky notes at pentel pen na dala si Nikko!"

"Nicolov, bakit may dala kang ganiyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Denz habang inaagaw ang sticky notes. "Nagre-review ka pa rin ba hanggang dito sa resort?"

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now