Chapter 9: Deadly Lips

7.2K 335 54
                                    


Warning: This chapter contains mature topics not intended for younger audiences. Reader discretion is advised.


✦✧✦

CLENG


Nakiusap sa 'kin ang nanay ko na may bilhin sa SM Aura. Sinunod ko naman ang kaniyang utos dahil isa akong mabuting anak—ang kaso lamang, hindi ako mapakali habang nakasakay sa taxi papunta roon. Palibhasa kasi, katapat lang nito ang Serendra na siyang condo ni Joon.

"Ang daya, wala naman akong balak pumunta!" pasinghal kong daing sa 'king sarili.

Pagkatapos mamili ay naglakad na ako papunta sa abangan ng taxi. Malalim ang aking iniisip, at hindi ko namalayang dinala ako ng aking mga paa sa Serendra.

"Cleng! Ano'ng ginagawa mo rito?" sita ko sa 'king sarili. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kiliti sa pagitan ng mga hita ko. Oh no, naiihi ako! Masiyado na 'kong malayo sa mall, at hindi ko na ito kayang tiisin sa biyahe. Sa sobrang taranta ay paroo't parito ako sa harap ng building nila.

"Cleng!"

Muntikan nang sumirit ang wiwi ko nang bigla kong marinig ang boses ni Joon. Niyayaya niya ako paakyat. Gusto kong tumanggi kaso mukhang kailangan ko na talagang magbanyo.

***

Habang nasa banyo, pulang-pula ang mukha ko at malakas ang pagkabog ng dibdib ko. I'm back at Joon's condo! Pero bakit ganito... tila ayaw ko pang umuwi. Maybe, just maybe...

I can stay for a little bit longer...

Habang kumakain kasama si Joon, hindi ko mapigilan na pagmasdan ang kaniyang nakakaakit na mga braso. The way his arms flex naturally when he folds them across the table, and the way his fingers twist around that little, fragile fork... My throat dried just looking at those long, beautiful fingers.

Ganito pala si Joon kapag ordinaryong araw sa kaniyang condo?

Natutuwa ako dahil nag-effort siyang mag-ayos, ngunit hindi niya ito nagawa nang matino. Ako na mismo ang pumunta sa kurtina para ayusin ang pagkakasabit nito.

"'Yan, okay na—ahh!" Muntik na akong mabuwal mula sa pagkakatayo sa upuan, ngunit buti na lamang ay mabilis na nakarating si Joon at nasalo niya agad ako.

"Cleng..."

I saw his Adam's apple bobbing down. At first, he was staring at my eyes. But his gaze moved down to my lips—and was lingering there for some time now.

"Joon..."

He leaned closer. Pinigilan ko ang kaniyang mga labi sa balak nitong gawin at tumingin ako sa gilid. "What's the matter? Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko sa'yo?" mahinang bulong ni Joon. His voice was soft, pleading.

"H-Hindi naman sa gano'n," saad ko habang bumababa mula sa kaniyang pagkakarga. "Ang totoo, g-gustong-gusto ko. Masiyado kong nagustuhan... At natatakot akong hanap-hanapin ito."

"'Wag kang matakot na hanap-hanapin, dahil lagi ko itong ibibigay sa'yo." Naging seryoso na ang tono ni Joon.

Hinawakan niya ang mga balikat ko at tinitigan akong maigi sa mga mata. "Ako rin, Cleng. Kung alam mo lang. My head keeps repeating our kisses over and over. During school, during sleep... All I could think of is the taste of your soft lips, and when the hell will I be able to kiss you again."

Hearing him say those words made me want to kiss him even more. The shape of his eyes became seductive as he stared closely at my lips. "Don't you want me to kiss you, Cleng?"

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now