Chapter 23: Third Wave

5.1K 227 71
                                    


✦✧✦

CLENG


"Hoy, Cleng! Ayos ka lang? Para kang may pinapanood na rom-com diyan sa hangin kung makangiti ka," nanunuksong hirit ni Bey habang kinakaway ang kaniyang kamay sa tapat ng mukha ko.

"Sobrang guwapo kasi ni Joon..." I said with a blissful sigh.

Nagpapalitan ng tingin ang dalawa kong kaibigan na sina Jeb at Bey.

Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita habang nakangiti. "Bakit gano'n? Parang lahat na lang ng gawin ni Joon, ang guwapo niya. Kahit kapag umutot siya, guwapo pa rin."

Nasamid bigla si Jeb sa kaniyang iniinom na softdrinks. "G-Ganiyan talaga kapag in-love, Cleng. Kahit ano'ng gawin niya, mahuhulog ka lang nang mahuhulog."

"Kabaliktaran naman ng prof natin sa Business Management na si Lacunia! Kahit ano'ng gawin niya, lalo lang akong naiinis," singit na reklamo ni Bey. "Kailangan ba talaga nating magtrabaho ng part-time sa mga shop?"

Pinagsabihan naman siya ni Jeb, "Oo. Iba pa rin ang first-hand experience, saka mas gugustuhin ko na 'yon kaysa sumagot sa mga sandamakmak na exams."

"Aray! Eh, may nag-contact na ba sa inyo?"

Nilabas ko ang phone ko mula sa bag at pinakita sa kanila ang Instagram account ng isang cafe. "Dito ako magpa-part time ngayong sem, sa Cloudburst Cafe. Isang third wave coffee shop."

"Uy! Buti ka pa! Kailan na ang start mo?" sabay nilang tanong.

"Bukas," nakangiti kong sagot.

"Nabanggit mo na ba kay Joon?" dagdag na tanong ni Jeb.

Nakaabang silang dalawa sa sagot ko, samantalang ako naman ay nakayuko't nakatitig lamang sa cellphone ko. I scrolled over my unreplied text messages to Joon.

Buong araw ay wala siyang paramdam sa'kin.

***

Pagsapit ng gabi ay nanonood lamang ako ng mga K-Drama habang nakahilata sa kama. Panay silip ko pa rin sa cellphone kung makakakuha ba ako ng text mula kay Joon, ngunit umabot na ng alas onse y medya...pero wala pa rin.

Tawagan ko ba siya? Kaso paano na lang kung isipin niya na isa akong clingy na girlfriend? Ngumuso na lamang ako at sinubsob ang mukha ko sa unan.

Napatili ako nang mag-vibrate bigla ang cellphone ko. Dali-dali ko itong tiningnan, at napalundag ako sa tuwa nang makita ang pangalan ng aking kasintahan.

Joon: Puwede ka bang lumabas saglit? I'm outside.

Saglit na nawala ang ngiti sa 'king mukha. Masaya ako na pinuntahan niya ako, pero bakit saglit lang? At saka... parang iba ang tono ng kaniyang text. Madalas ay malambing siya, makuwento, at laging may smiley. He also always calls me by my name. Pero ngayon, sobrang lamig at walang buhay ng kaniyang mensahe.

Nagsuot na lamang ako ng jacket at pumunta na sa labas. Sinalubong ako ng maginaw na hangin pagbukas ng pintuan. Doon ay nakita kong nakasandal si Joon sa labas ng aming gate. Nakasuot siya ng cap at nakayuko. Ang guwapo niya pa rin talaga.

"Joonie?" pagtawag ko sa kaniya.

Humarap siya sa 'kin at lumapit. Tiningnan niya saglit ang kaniyang relos. 11:55 pm.

"Joonie, bakit pala hindi ka nag-text na pupunta ka? H-Hindi ka rin nag-text buong ara—"

Nagulat ako dahil bigla niyang kinuha ang braso ko at hinila palapit sa kaniya. Ang kasunod ko na lamang na narinig ay ang kaniyang nanginginig na boses.

"I..." He plants a kiss on my forehead.

"Love..." Then another kiss on my left eyelid.

"You..." And a final kiss on my right eyelid.

It's our triangle kiss. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ni Joon na saglit na dumaplis sa'king labi.

"Joon? Is everything alright?" nag-aalala kong tanong. Paghawak ko sa kaniya ay napansin kong nanginginig pala ang buo niyang katawan.

Beep-beep. Beep-beep. Tumunog bigla ang kaniyang relos. Sinilip ko ito at nakita ang oras. 12:00 AM.

Inalis na ni Joon ang kaniyang kamay at dahan-dahang tumalikod sa'kin.

"Joon?"

Naglakad na siya paalis nang wala man lamang binabanggit na anoman.

Just those three words. Nothing more, nothing less.

***

Unang araw ko ngayon sa papasukan kong cafe para sa course namin. Kinakabahan ako, buti na lang ay wala pa masiyadong tao. Ibinalita ko kay Joon ang tungkol dito at nagpadala rin ako ng selfie suot-suot ang aking uniporme. Kaso mula kahapon ay wala pa rin talaga siyang mensahe.

Napalitan ng gulat ang lungkot sa 'king mukha nang bigla akong tawagin ng aming manager. Lumapit siya sa 'kin na may kasamang isang babaeng nakasuot din ng uniporme tulad ko.

"Clestiana Anastacia, ikaw ang estudyante mula sa Yuchengco University, tama ba?" pagkumpirma niya.

"O-Opo. Puwede niyo po akong tawaging Cleng," pakilala ko sa 'king sarili.

"Cleng, ito pala si Van," sabay lahad niya ng kamay sa direksyon ng babaeng katabi. "Matagal na siyang empleyado rito sa Cloudburst Cafe. Kung may kailangan ka, sa kaniya mo tanungin."

Ngumiti sa 'kin ang babae na mukhang excited na makilala ako. "Hi, Cleng! Ako si Van! Huwag kang mahiya sa 'kin!"

Nakipagkamay ako sa kaniya at ngumiti. Gumaan ang pakiramdam ko dahil mayroon akong malalapitan at makakasama na kaedaran ko rin. "Hi, Van! Looking forward to working with you," nahihiya kong sabi.

Tinuruan ako ni Van kung paano kumuha ng orders, paano mag-record ng transactions sa computer, at kung paano ang paggawa ng iba't ibang klase ng mga kape. Kapag daw Lunes ay wala talaga masiyadong tao kaya medyo relaxed pa ako.

Nagpalit na ako ng damit nang matapos ang aking shift. Nagpaalam na ako kay Van at sa 'ming manager. Naglalakad ako pauwi nang biglang tumawag si Bey.

"Cleng! Nabalitaan mo na ba?" bungad niya sa 'kin. "Wala na raw si Joon sa Green Giants!"

Kumunot ang noo ko, ngunit hindi ako naalarma sa sinabi niya. "Lumang balita na 'yan, Bey. Nagbalik na siya ulit sa Green Giants."

"Hindi, Cleng! Bagong balita lang ito, makinig kang mabuti." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Bey bago itinuloy ang kaniyang sasabihin. "Nasuspinde raw si Joon sa Gokongwei dahil may binugbog siyang kaklase."

"B-Binugbog?" Nagulat ako. "Hindi 'yan magagawa ni Joon!"

At kung totoo man, bakit hindi niya ito nakuwento sa'kin?

"Si Joon talaga, Cleng. Confirmed," diin ng aking kaibigan. "Hindi lang 'yon ang balita, Cleng. Ito ang mas nakakagulat. Handa ka na ba?"

I answered her with a gulp.

"Lumipat na ng paaralan si Joon. Nasa Yuchengco na rin siya," pag-ulat ni Bey.

What? Joon transferred to our school? Why didn't he say a word about this? Nagkita kami kagabi pero wala siyang sinabing kahit ano. I'm starting to get worried.

Napahawak ako sa 'king dibdib na walang tigil sa pagkabog nang tapusin ni Bey ang kaniyang nakakagulat na balita.

"Cleng... he also joined the Blue Sharks basketball team."




#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora