Chapter 21: Broken Screen, Broken Smile

4.6K 222 35
                                    


✧✦✧

JOON


Kinuha ko na lahat ng mga gamit ko sa locker dahil matagal-tagal din ang pagkakasuspendido sa 'kin. Dumaan din muna ako sa gym ng Green Giants upang magpaalam sa kanila.

"Joon..."

Tahimik at malungkot na nakayuko ang mga kaibigan kong nakatayo sa gilid habang kinokolekta ko ang mga gamit ko.

"We'll miss you, Daddy Joon..." mahinang usal ni Gin na nakayakap sa isang bola.

Ngumiti ako at lumapit para guluhin ang buhok niya. "Pagbalik ko, dapat may girlfriend ka na, Baby Gin, ha."

Inakbayan siya ni Tobin na nag-thumbs up naman sa 'kin. "Ako ang bahala rito kay Gin. Pagbalik mo, kagaya mo na 'to!"

"Joon, we'll dedicate our games to you," dagdag ni Nikko.

"Ipapanalo namin ang mga laban para sa 'yo!" bulyaw ni Anlex.

Isa-isa ko silang niyakap at tinapik sa kanilang mga likuran. Nang si Bastiel na ang susunod ay hindi ko inasahan ang sasabihin niya.

"Joon, if there's someone bothering you... Don't forget that you have us," sambit niya na tila ba nakakaramdam.

"Hindi ka nag-iisa. Narito kami para maresbakan ka," nakangiting dagdag ng aming vice captain na si Denz.

Ngumiti na lamang ako sa kanila bilang pagtugon. Ayoko na silang idamay sa gulong napasok ko.

"Thank you, but you have nothing to worry about." I forced a smile and showed them a happy face. "Ang mga sunod na laban ang dapat niyong alalahanin! Huwag kayong papatalo sa Blue Sharks! Pakitaob 'yong ex ng girlfriend ko."

Pagkatapos magsitawanan ay bumilog kami nang magkakaakbay. 

"Go Green Giants, go!" sabay-sabay naming sigaw.

***

Habang naglalakad papunta sa gate ay napansin kong nakaabang ang kupal na si Pabs. Hindi ko na dapat siya papansinin nang bigla siyang nagsalita.

"Ikakalat ko ang video mo, Joonyakis—"

Sinunggaban ko agad siya bago matapos ang kaniyang pangungusap. "Do that and I'll fucking put you in a hospital!"

Tumawa siya nang malakas na medyo may katagalan. Iritang-irita na ako sa mukha niya ngunit hinintay ko pa rin ang kaniyang sasabihin.

"I have lots of copies of your scandal, Joon. Kapag nabalitaan ng mga kaibigan kong na-ospital ako, o may masamang nangyari sa 'kin, iyon ang hudyat para ipagkalat nila ang baho mo," he confidently stated with an evil smile.

"Sino ka bang putang ina ka?!"

Ngumisi siya nang malaki at nagsabing, "Ako lang naman ang may hawak sa buhay mo."

Pagkabitaw sa kaniya ay 'di ko mapigilang dumura sa sahig. "What the fuck do you want?"

"I want your life to go down, Joon Villamontano." Naglabas siya ng papel at tinapat sa 'kin ito para mabasa ko. "Follow the instructions on this list if you don't want me to spread your scandal."

Hinablot ko ito para basahin, at hindi ko maatim ang mga nakalagay roon. Nakasulat isa-isa ang mga masasamang gawain... at kasama na roon ang pagpapabagsak sa mga miyembro ng Green Giants.

"You think I'll let you make me ruin my team?!" galit kong singhal.

He tsked and showed me his phone. Naroon ang scandal ko na handa na niyang i-upload sa isang pindot lamang. "Choose, Villamontano. Ruin your team, or ruin your lovely relationship?"

"Don't fucking bring my girlfriend into this mess!"

Binaba na niya ang phone at binulsa na muli ito. "Then choose carefully..."

Halos magdugo na ang kamao ko sa sobrang higpit nang pagkakakuyom ko. I can't believe I just encountered a devil, and I don't even have a fucking idea who the hell he is.

Pagkabalik sa unit ko sa Serendra ay agad kong hinanap ang pangalan ni Pabs sa Facebook. Isa lamang siyang ordinaryong tao at wala akong makitang kahit anong rason para siraan niya ako nang ganito. Wala rin siyang koneksyon sa dati kong matalik na kaibigan na si Dallas.

Humiga ako sa kama, nakatulala sa kisame habang walang tigil sa pagbuntong-hininga. Naalala ko ang binanggit ni Bastiel kanina. 'Joon, if there's someone bothering you... Don't forget that you have us.'

Lumaki ako na walang kapatid, at simula pagkabata ay matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng kahit isang lalaking nakababata sa 'kin na matuturuan ko ng basketball at iba't ibang mga laro. Kaya naman nang makilala ko ang Green Giants ay sobrang ikinatuwa ko na nagkaroon ako ng mga kaibigang maituturing na mga kapatid.

My heart squirmed at the thought of ruining their lives. I'll never do anything that would hurt my brothers. Inangat ko ang aking singsing na nangalawang at dahan-dahang suminghal.

I'll just let my life get ruined instead... Wala na akong pakialam kahit masiraan ako.

Nakapagdesisyon na akong hindi sumunod sa mga gusto ni Pabs nang makakuha ako ng mensahe sa text.

Unknown Number: Kumusta, Joonyakis? Nakalimutan kong sabihin kanina. Kapag hindi ka sumunod, sisirain namin ang buhay ng kasintahan mo.

"He's a fucking lunatic!" hiyaw ko sabay bato ng phone sa dingding. Napasinghal ako nang malakas dahil hindi ko alam ang aking gagawin.

He's making fun of me by making me choose between my girlfriend and my team. He knows how to fuck my life.

Biglang tumunog ang cellphone sa sahig na basag-basag na ang screen. Akala ko ay si Pabs ang tumatawag, kaya nagulat ako nang makita na numero ito ni Simon.

Lumapit ako para damputin ito at sagutin. Bahagyang napahinto ako nang mapansin ang pagkakabasag ng phone ko na sumakto sa masayang mukha ni Cleng na wallpaper ko. Tila ba nagbabadya at nagpapahiwatig ng masamang mangyayari.

"Simon? Bakit bigla kang napatawag?" bungad ko habang nakangudngod ang mukha sa palad. "I'm not in a good mood..."

"Sir Joon, I was able to find out some information about Fabian Caliones," panimula niya. "Pero hindi po ako sigurado kung gusto niyo po itong marinig..."

"Sige lang, Simon. Tell me," I answered immediately. "I want to know who that fucking lunatic is."

Huminga nang malalim si Simon at nagpatuloy. "He was raised alone by a woman with unstable mental condition... Nabaliw ang nanay niya simula nang iwan silang mag-ina ng kaniyang ama."

Hindi agad ako nakasagot sa 'king narinig. Tila gusto kong bawiin ang masasamang sinabi ko kay Pabs nang malaman ang kaniyang pinagdaanan. Kaya naman hindi ako nakapaghanda sa kasunod na sinabi ni Simon.

"And his father is... your father, Sir Joon. Mr. Villamontano had an affair with his mom and had an illegitimate son."

Napaluhod ako sa sahig nang marinig iyon. Dumiretso ako sa banyo para sumuka dahil hindi naging handa ang tiyan ko sa hindi inaasahang balita.

"Fabian Caliones is your half-brother."




#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon