Chapter 26: Masked Tears

8.2K 455 246
                                    




✦✧✦

CLENG


JOON's emerald eyes were my inspiration as I picked my dress for the Bal Masque party tonight. It was a strapless princess-type emerald cocktail dress with a fluffy tulle skirt that fell halfway over my thighs. It had a sheen type of fabric, making it look like deep cobalt blue at certain angles.

Funny, it's kind of like how we're stuck in the middle of green and blue in our current situation.

My friends gifted me with the black feathery masquerade mask we saw at the mall that covered the skin around my eyes. I put on a nude pink lipstick and curled my short hair. Nagsuot ako ngayon ng colorless contact lens para hindi ko na kailangang magsalamin. I spray-coated my skin with glitters above my chest and over my shoulders.

Habang naghihintay na sunduin nina Bey ay kinakabahan ako. Sabi nila sa akin ay paniguradong dadalo ang buong Blue Sharks dahil selebrasyon nila ito. Kung makikita ko man ulit si Joon, iiwasan niya kaya ulit ako? I touched my flushed cheeks. It's okay, it's worth taking another risk.

The event hall of Yuchengco University's auditorium was turned into a grand ball. Konektado ito sa football field kung saan may malaking bonfire at umaabot din doon ang tunog ng music. Pagkalabas namin mula sa kotse ay nakaramdam ako bigla ng deja vu, sapagkat naalala kong sa isang party ko rin unang nakilala si Joon. Ganito rin ang pakiramdam dahil malakas ang pagtugtog ng musika't lahat ay nakagayak nang maganda.

"Free-flowing cocktails, here we come!" sabik na tili ni Jeb nang makita ang bar area. Tumakbo na siya't hindi man lang kami niyaya.

"Free-flowing boys, come to Bey-Bey!" paghiyaw naman ni Bey na dumiretso naman agad sa dance floor.

W-What happened to friendship?! Wala pang isang minuto ay iniwan na nila akong mag-isa! Napahawak ako sa dibdib at huminga nang malalim.

Nilibot ko ang tingin sa paligid, lahat ay nakasuot ng mga maskara kaya mahirap kilalanin ang mga tao. I wonder if he's here already? Kung sakali man, paano niya kaya ako mamumukhaan nang nakamaskara?

"Ahh! It's the Blue Sharks!" sabay-sabay na pagtili ng mga estudyante nang bumukas ang malaking pintuan at may nagsidatingan na matatangkad na lalaki. Lahat sila'y magaganda ang tindig at may matitikas na pangangatawan. They're the Blue Sharks, no doubt. Nakasuot din sila ng mga maskara kaya nahirapan akong mahanap si Joon. Ang sigurado lamang ako ay ang nasa bungad na team captain nilang si Loujay.

Lalapit pa lang sana ako para sulyapan sila nang magtakbuhan agad ang ilang mga estudyante papunta sa kanila. Naging masikip na masiyado, imposible nang makalapit pa ako. Once again, my hand found my nervous chest. I started to become anxious, wondering if trying to look pretty tonight actually had any bearing. Maybe I should just try to enjoy the party instead?

***

I SPENT most of the night at the buffet table area, grabbing finger food and drowning myself in the sweetness of non-alcoholic fruit punch. Ayokong magpakalasing ngayon, lalo na't mahina ang signal at hirap na akong ma-contact sina Bey at Jeb. While everyone was busy dancing, I was busy munching. Paborito ko ang mini wagyu sliders na may pretzel buns.

"Panay kain ko! Baka mamaya ay hindi na kasiya itong suot kong dress," reklamo ko sa 'king sarili.

"Miss, can I ask you for a dance?" singit bigla ng isang boses mula sa 'king likuran.

Paglingon ko ay nagulat ako nang makilala ang bumulong. Nakasuot siya ng knee-length evening gown na nakayakap sa kaniyang katawan. Ang mahaba niyang buhok ay straight na straight, at pinalamutian ng jewelry butterfly clip sa likod. She was wearing a simple pearl pendant, making her look regal yet innocent.

Drunk DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon