Chapter 16: Five Heartbeats

5.5K 273 65
                                    


✦✧✦

CLENG


Mahaba-haba ang biyahe papunta sa beach, kaya karamihan sa 'min ay nagpasya munang matulog. Sinandal ko ang aking ulo sa may bintana, ngunit dahil paminsan ay lubak ang daanan, lagi akong nauuntog sa salamin at nauudlot sa pagtulog.

May biglang malalim na lubak na nadaanan ang bus, kaya hinanda ko na ang aking sarili sa pagtama ng ulo ko sa bintana. Ngunit napadilat ako dahil may kamay na humarang at sumalo sa 'king ulo, kaya hindi ito tumama at hindi ako nasaktan.

Dinala ng malaki at mainit na kamay na iyon ang ulo ko papunta sa kabilang direksyon, para isandal sa balikat ng may-ari nito. I looked up, and saw Joon's face looking away with a faint hint of blush. 

Wala ni isang salitang nabigkas mula sa 'ming mga bibig, ngunit sapat na ang pagdantay ko sa kaniyang balikat upang magliparan ang mga paru-paro sa 'king tiyan. I closed my eyes, enjoying Joon's warmth and calming scent. Finally, I was able to sleep in peace.

***

Medyo tulo-laway pa ako nang magising at matagpuan ang aking sarili na nakahiga sa kandungan ni Joon. Namula ang buong mukha ko dahil sa lapit nito sa kaniyang alaga. Napabangon ako nang 'di oras at sunod-sunod ang aking pagtikhim.

"S-Sorry," nahihiya kong bulong.

"Para ka palang bata kung matulog," sagot ng malalim na boses ni Joon. Hindi pa rin siya nakatingin, ngunit nasipat ko ang lihim niyang pagngiti. "Kanina lang nasa balikat kita, pero kung saan-saan mo gustong pumunta."

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga tainga sa sinabi niya. Buti na lang ay huminto na ang bus at nag-anunsyo na ang driver. "Narito na po tayo!"

Isa-isa nang nagigising, nag-uunat, at nagbababaan ang aming mga kasama. Hahawakan ko na sana ang aking bag ngunit bigla itong kinuha ni Joon. Siya na ang nagbuhat ng mga gamit ko, at walang pasubali na bumaba ng bus. Nalito ang aking puso kung kikiligin ba ako o malulungkot dahil hindi pa rin kami nag-uusap nang maayos.

"Sa wakas, hindi lang ako ang nag-iisang babae!" sigaw ni Cherry habang nag-uunat ng mga braso. Inakbayan niya ako nang may malaking ngiti sa kaniyang mukha. "Ready ka na ba sa Green Giants, Cleng?"

Pagkababa ay sumalubong sa amin ang isang malaki at en-grandeng hotel. Natulala't napanganga ako sa ganda nito.

"Salamat, Joon!"

"Thank you as always, Joonieboy!"

"The best ka talaga, Joon-Joon!"

Nagtataka ako kung bakit nagpapasalamat ang mga kasama namin sa kaniya. Napansin yata ni Cherry kaya siya na ang nagpaliwanag. "Pamilya ni Joon ang may-ari ng resort na ito," aniya.

Halos mahulog ang suot kong salamin dahil sa pagkagulat. Alam kong mayaman si Joon, ngunit wala akong ideya na ganito pala siya kayaman!

***

"Sobrang na-miss ko ito!" tili ni Cherry sabay lundag sa kama. Magkahati kaming dalawa sa iisang kuwarto. Binuksan ko na ang aking maleta at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit.

Nahihiya man ay hindi ko mapigilang magtanong. "Nakapunta na kayo rito noon?"

"Yup!" agad niyang tugon. "Napakarami naming alaala sa lugar na ito..."

May banayad na ngiti sa mga labi ni Cherry pagkasabi niya no'n, tila ba may magandang nangyari noon na siyang nagpapakilig sa kaniya. Sinundan pa ito ng pamumula ng mga pisngi niya. Mukhang may gusto siya sa isa sa mga Green Giants, sino kaya ito?

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now