Chapter 19: Last Three Kisses

6.2K 269 56
                                    

Warning:

This chapter contains mature scenes and language that are not suitable for younger readers. Reader discretion is advised.


✧✦✧

JOON

"Baka magka-stiff neck ka riyan sa sobrang iwas mo ng pagtingin."

Inaasar ko ang nakatalikod na si Cleng. Narito kaming dalawa sa clinic at binebendahan ko ang aking ahas na sinipit ng walanghiyang putanginang alimangong 'yon.

"Mas madali 'tong matatapos kung ikaw ang magbebenda sa'kin," pilyong hiyat ko sa'king nobya.

Nobya. Oo, girlfriend ko na si Cleng simula ngayon. Napapakagat-labi ako sa kilig. Hindi ko tuloy mapigilang asar-asarin siya.

"N-Natatakot akong makakita ng namamagang daga," nahihiya niyang sagot.

"Ahas nga kasi, Cleng! Humarap ka kasi nang makita mong ahas 'to!" biro ko. "Tuklawin ka nito, eh!"

"B-Bad snake! I don't want to be bitten by a snake," she uttered in a cute voice.

Lumapit ako at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Yup, it's a bad snake. Paluin mo nga para magtino."

"Y-You're so bad!" Ako ang pinalo ni Cleng. Lalong namula ang mukha niya nang makitang naka-shorts na ulit ako.

"Bakit ka namumula? Nag-expect ka yata na nakahubad pa rin ako," I teased her while smirking.

Tumulis ang nguso niya at kumunot ang kaniyang noo. Marahan niyang sinusuntok ang dibdib ko nang hulihin ko ang dalawa niyang kamay.

"Tara na, ipapakilala ko sa mga kaibigan ko ang girlfriend ko."

Ngiting parang nanalo ng isang bilyon ang binungad ko sa Green Giants pagkabalik namin sa kuwarto ni Tobin. Hawak-hawak ko ang kamay ni Cleng na nakayuko at nahihiya.

Panay sipol at kantiyawan nilang lahat, tuwang-tuwa sa 'ming balita. Planado pala nila itong beach trip para ma-develop daw kami kaya hindi na sila nagulat.

"Simula ngayon, taon-taon na tayong babalik sa resort nina Joon!" anunsyo ni Anlex. "Mukhang laging nagkakaroon ng girlfriend ang isa sa'tin kapag nagpupunta tayo rito, eh."

"Hoy! Ako ang next, ha!" taas-kamay na singit ni Tobin. "Dibs na ako sa sunod na babaeng dadalhin natin dito."

"Ang daya mo, Tobyo!" ganti ni Anlex. Nagrambulan na ang dalawang kolokoy.

"Mauunahan pa kayo ni Baby Gin niyan, eh!" biro ni Nikko habang nagpipigil ng tawa.

Hinatak ni Cleng ang braso ko at tumingkayad para bumulong. "M-May nauna nang nagka-girlfriend dito?"

Ngumiti ako at sinabi na sa kaniya ang hindi naman talaga sikreto. Tinuro ko si Cherry na katabi ni Bastiel. "Hindi ba obvious? Si Captain ang nakabihag sa puso ng roommate mo."

Nanlaki ang mga mata ni Cleng at napatakip bigla ng bibig. Natatawa na lamang ako dahil alam kong gulat na gulat siya. "Kaya pala sila laging magkasama!" pagtatanto niya.

Ginulo ko ang kaniyang buhok at dinampian ng halik ang ulo ni Cleng. "And now, we're the second couple in this date series."

***

Nagpatugtog ako nang malakas habang nagpopomada ng buhok. Umaalingawngaw ang kantang 'Habang Buhay' sa buong unit ko sa Serendra.

Tingnan mo lang ang aking mga mata,
'Wag kang titingin pa sa iba...

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now