Chapter 11: Creeping Back

6.2K 303 65
                                    


Warning:

This chapter contains scenes and language that are not suitable for younger readers. 

To emphasize, our character was NOT written as a role model. In fact, he is the opposite: he is broken, struggling, makes wrong moves, acts erratic, and crumbles every now and then.

Please bear in mind that fictional characters are not always heroic idols—they are written as subjects of a narrative that the story wants to convey. 

Reader discretion is advised.


✧✦✧

JOON


Umakyat ako sa condo at hinagis sa sofa ang aking susi. I plunged on the bed and turned around to stare at the ceiling. 

'Tangina, si Joonyakis nga!' Those words were ringing inside my head. Sinubukan kong takpan ng unan ang aking mga tainga, ngunit malakas pa rin ang tinig na 'yon na siyang paulit-ulit sa utak ko. It kept playing over and over, and it's becoming louder and louder—making my head split and explode.

"Ahhh!" Hinagis ko ang unan sa pader dahil sa matinding emosyon. Kumuha ako ng bote ng alak mula sa ref at dali-dali itong binuksan. Nilunod ko ang aking sarili sa alak, baka sakali ay mawala ang mga alaalang pilit lumilitaw sa isip ko.

***

Two years ago, I was at the height of my glory days. Huling taon ko na ng senior high at kakatapak ko lang sa legal na edad. Ang unang-unang nasa utak ko: babae, alak, at sigarilyo. Lahat ito ay agad kong tinikman, at hindi ako naging madamot—nilulong ko ang aking sarili sa iba't ibang mga bisyo.

Kaliwa't kanan ang mga babaeng kinama ko, at walang gabing wala akong inuwing dalaga. I didn't even care anymore what their names are, I only cared about their bodies. Dahil dito, lagi akong napapaaway. Hindi na bago sa 'kin ang mga lalaking nagrereklamo dahil kasintahan na pala nila ang aking nakatalikan. I had no idea, because I never checked who they were. I just wanted to have a good time with a good girl.

Hindi ko alam kung naging masaya nga ba ang buhay ko noon, wala kasi akong naging kaibigan dahil sa 'king mga kalokohan. Ngunit nagbago iyon nang makilala ko si Dallas. Mag-isa akong naglalasing isang gabi sa isang bar, nang biglang may sumugod na lalaki at sinuntok ako sa mukha.

"Ikaw ba 'yong Joon?" galit na galit niyang bulyaw. "Putang ina mo! Ginalaw mo 'yong asawa ko!"

"Sino ro'n? Never mind, I don't remember them anyway." Lasing na rin ako no'ng gabing iyon kaya pinatulan ko siya. "Sorry, tol. Hindi ko alam kung may asawa na pala ang sumasama sa 'kin. Sila kasi ang lumalapit. Pasensya ka na, ha? Ginawan lang naman kita ng pabor, pinaligaya ko ang asawa mo para sa 'yo."

Isang nagmamadaling suntok ang nakuha kong sagot. I don't blame him, I was being such an asshole. Pagkatapos no'n ay pinagtulungan na ako ng mga kasama niyang kaibigan. Naiwan akong bugbog-sarado sa labas ng bar na iyon. I could call my butler to fetch me, but I was too drunk to function.

"Uy, ayos ka lang ba?" Isang mabait na lalaki ang lumapit sa 'kin para tulungan ako. Inalalayan niya akong tumayo at dinala ako sa kaniyang clinic para magamot. Nagpakilala siya bilang si Dallas, at naging matalik kaming magkaibigan.

"Bakit mo 'ko tinulungan noon?" tanong ko sa kaniya isang beses na naglalaro kami ng basketball sa isang court. "Tangina, ang pangit ko no'n! Nawala pagkapogi ko sa dami kong pasa sa mukha. Hahaha!"

"Let's just say... I remembered myself in you," paliwanag niya sa 'kin noon. "I was ambandoned on the streets by my parents. Kaya nang makita kitang halos walang malay sa kalye, hindi na 'ko nagdalawang-isip."

Dallas was the kindest person I have ever met in my life. Bilang doktor, matalino rin siya kaya nagpapaturo ako sa kaniya pagdating sa mga subject na nahihirapan ako. Lagi rin akong bumibisita sa clinic niya para tumambay. Hindi ko kailangan ng maraming kaibigan, Dallas was my only friend and his good heart was enough to keep me going. Nahahawa na nga ako minsan sa kabaitan niya, eh. Unti-unti na akong lumalayo sa 'king mga bisyo.

Isang araw, inanyayahan akong pumunta noon sa kaarawan ng uncle ko. I didn't want to go, but I had to because of my responsibility as family. The party was super boring, and I had to keep on drinking liquor just to entertain myself. Puro kasi matatanda ang narito, at napakapormal pa ng programa. Umiinom na lamang ako para hindi antukin.

May isang babaeng panay tingin sa 'kin kanina pa, at halatang may gusto ito sa 'kin. Using her finger, she gave me a signal to follow her. At dahil bagot na bagot na ako, nagpasya akong sundan siya. She went to the bathroom and winked at me, making me smirk in return.

Pagpasok ko sa banyo, napanganga ako nang makitang nakahubad na agad siya. I immediately locked the door and undressed myself. We spent the night humping each other like there was no tomorrow. Hindi ko na nakuha ang pangalan niya, isa lang naman itong ordinaryong transaksyon sa buhay ni Joon Villamontano.

Kinabukasan, nakipagkita sa 'kin si Dallas sa isang restaurant. Malaki ang ngiti sa kaniyang mukha habang kumakain kami noon, kaya naman tinanong ko kung ano'ng meron. Sabik na sabik siyang ibahagi ang kaniyang mabuting balita. "Joon, ikakasal na 'ko!" he excitedly shared. "My fiancée for nine years finally agreed on a wedding date!"

"Nine years na kayo?" nakangiting tugon ko. "Aba'y, dapat lang magpakasal na kayo!"

"Kukunin kitang best man, Joon!" balita niya na siyang ikinagulat ko. "Ikaw ang pinakamatalik na kaibigan ko. Wala nang ibang mas babagay pa sa posisiyong 'yon kung 'di ikaw, Joon. What do you say, bro? Will you be my best man?"

"Tangina, Dallas. Are you proposing to me?" natatawa kong sagot. "Of course! I would be glad to be the best man in my best friend's wedding."

I was so happy for him, and I was so happy for myself. Being the best man isn't a joke, it means that Dallas really trusts me. And I didn't want to let him down, I'll make sure that his wedding will be the best day of his life.

"By the way, gusto kitang ipakilala sa kaniya. Ayos lang ba kung sumunod siya rito?" paalam ni Dallas.

"Oo naman, I'd be thrilled to meet your future wife!" I responded with a big grin. "Gusto kong makilala ang babaeng nabudol mo. Hahaha!"

Pagkatapos ng isang oras ay may kotseng pumarada sa tapat ng restaurant. "She's here!" pahayag ni Dallas. Sinundo niya ang babaeng bumaba mula sa sasakyan at ipinakilala siya sa 'kin.

"Joon, meet the lucky girl," wika ni Dallas. "My partner for nine years, and now my wife-to-be. Her name is Nessa."

Kasabay ng pagbagsak ng hawak kong baso ang pagbagsak ng aking panga nang makita ang babaeng akbay-akbay ni Dallas. The glass crashed on the floor, and my heart got broken into pieces along with it. Nanlamig ang buong katawan ko noong mga panahong iyon, at nawala panandalian ang aking pandinig.

She was the girl I had sex with last night.

***

Pagdilat ng mga mata ko, natagpuan ko ang aking sarili na nakatulog sa sahig ng condo ko sa Serendra. Dalawang taon na pala ang nakalipas simula nang mangyari iyon, ngunit ito ulit ako at may hawak na namang alak sa kamay.

After having that brief flashback, I immediately went to the CR to vomit. Nasusuka pa rin ako tuwing naaalala ko ang nakaraang iyon. Dali-dali akong naligo at hinugasang maigi ang aking katawan. Halos masugatan na ang balat ko sa sobrang pagkuskos, dahil diring-diri ako sa 'king sarili.

Dallas was my only friend, and I still can't believe that I betrayed him unknowingly. Hindi natuloy ang kasal nila noon, at kumalat din ang balita tungkol sa nangyari. Everyone started calling me Joonyakis, and that forced me to transfer to another city.

Pagkatapos no'n ay nag-aral ako sa Gokongwei University at nakilala ko ang Green Giants. Playing basketball made me forget about the past, and I met new friends. I thought the past was long gone. I thought the nightmare was over. But it's creeping back into my life again.



#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now