Chapter 6: Missed Kiss

7.6K 386 76
                                    

✧✦✧

JOON


I filled my tumbler with liquor again. Iniinom ko ito maya't maya kahit habang nasa kotse o nagkaklase. This has been my daily routine, I can't survive a day without turning to alcohol. I drink like my life depends on it.

Siguro ay dahil wala ako sa matinong kaisipan, nagpadala ako sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko at napadpad ako sa gym ng Green Giants. Tsk! What am I doing here? Siguro ay masiyado nang nasanay ang katawan ko na pumupunta rito pagkatapos ng klase.

"Oy, Joonieboy!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Anlex nang makita niya 'ko. Awtomatikong nagtinginan sa 'kin ang buong team. Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Bastiel.

Nagngalit ang mga ngipin ko at lumiko ako ng direksyon para umalis, kaso biglang hinawakan ni Anlex ang balikat ko at kinuha ang hawak kong tumbler.

"Painom, Joon, ha!" walang paalam niyang sambit habang binubuksan ang takip nito. "Uhaw na 'ko, eh!"

"H-Hoy, 'wag mong inumi—"

"Puweh!" Pumait ang mukha ni Anlex nang malasahang alak ito. "Ano ba 'tong tubig mo? Expired ba 'to?"

Naningkit ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwalang ganito kahina ang kokote ng kabigan kong 'to. "'Wag ka kasing basta-bastang nakikiinom!" Binawi ko na sa kaniya 'yong tumbler.

"Damot mo naman! Nagbago ka na!" reklamo ng kumag. "Dati naman lagi tayong naghahati sa lahat! Porke't may dyowa ka na!"

I can't believe I just blushed at what he just said. "Wala akong dyowa!"

"Si Joon? Walang girlfriend?" singit ni Nikko. "Bago 'yon, ah." Lumapit na tuloy ang buong team sa 'kin para makiusyoso. Hay, hindi kasi ako nakaalis agad, eh!

"Si Miss Blue Balls ba ito?" kutya ng kupal na si Tobin. "Ano'ng update sa balls mo? Light blue na lang ba?"

"Gago!" Kinutusan ko agad siya.

"Cleng! Naalala ko na ang pangalan niya!" masayang hiniyaw ni Gin. "May bago na 'kong mommy!"

I sighed and ruffled my hair. I regret telling these stupid fools about my personal problems.

"Bakit ba hindi mo makalimutan ang Cleng na 'yan?" nakangiting tanong ni Denz. "Gano'n ba siya kagaling sa kama?"

Bumigay na rin ang puso kong nagsusungit kanina at humingi na naman ako ng payo sa kanila. "'Yon na nga, eh! Hindi ko siya naikama, pero 'di ko siya makalimutan! All we did was kiss—and it was just a fucking short kiss!"

Ginulo-gulo ko ang ang aking buhok habang nagrereklamo. Lahat sila ay nakatulala sa 'kin at hindi makapaniwala sa biglaang pagbuhos ko ng emosyon. "Hindi na tumatayo 'tong si Joon Jr. sa ibang mga babae! 'Yong porn history ko, puro kamukha ni Cleng!"

"A-Ano 'yong porn?" inosenteng tanong ni Gin. "Pagkain ba 'yon?"

Umiiling na tinapik ni Nikko ang ulo ni Gin bago niya 'ko sinagot. "Joon. Unang-una, kumalma ka lang. Hindi namin kailangang malaman ang bawat galaw ng sausage mo—"

"Hindi 'to sausage, hotdog 'to!" kontra ko sa kaniya. Medyo lasing na yata ako kakainom buong umaga.

"Haha! Hotdog lang 'yan?" sundot ni Anlex. "Sa 'kin, Hungarian!"

"Mas malaki size ng akin," dagdag ni Tobin. "Frankfurter 'yata 'to!"

"Itong kay Gin, chorizo!" asar ni Anlex sa kaniyang inosenteng kaibigan. "Hahaha! Cute size."

"A-Ano 'to? Sabihan ba 'to ng baong lunch?" napapakamot sa ulo na tanong ni Gin.

"Hoy! Umayos nga kayo! Gumugulo na naman ang usapan, eh." Pumagitna na si Nikko sa 'min at itinuloy ang kaniyang sinasabi. "Joon, hindi ka kasi sanay sa isang normal na relasyon kaya naninibago ka."

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now