Chapter 4: Number 33

8.2K 436 25
                                    




✦✧✦

CLENG


Oh no! What do I do?

I'm panicking internally. Knockout si Joon at may suka ang damit naming dalawa.

"Joon?" Sinusubukan kong tapikin ang pisngi niya pero wasted na talaga siya.

Anyway, we need to change clothes. Hindi ko na kayang tiisin ang amoy ng suka ko.

Inuna ko na muna si Joon. Inangat ko ang damit niya at muntik na akong mapatili nang makita ko ang abs niya. Napalunok ako pero tinuloy ko ang pagtaas ng suot niyang damit. Hindi ko mapigilang mapasinghap nang matanggal ko na nang tuluyan ang t-shirt at nakita ang maganda niyang katawan. I bit my lip, trying to calm my heart down.

Masyadong makasalanan ang mga mata ko, kailangan kong magsimba sa Sunday.

Napatingin naman ako sa sarili kong suot na narumihan din. Maghuhubad ba 'ko sa harapan ni Joon? Tinignan ko ulit siya, mukhang tulog na tulog naman talaga siya. Wala naman sigurong masama. Tinanggal ko ang mga butones ng suot kong blouse. Pulang-pula ang mukha ko habang ginagawa ito. Yikes! Am I secretly a pervert?

Kinuha ko na ang maruruming damit namin at hinanap kung saan ang laundry basket sa condo. Nang makita ito, saka ko lang naisip na pwede naman palang dito na lang ako naghubad. "Ang B-B mo minsan, Cleng!" Kinutusan ko ang sarili ko.

Ang sunod kong hinanap ay ang closet niya. Kailangan kong kumuha ng mga damit na masusuot namin. Nakailang ikot na ako ngunit hindi ko pa rin makita. 'Yon pala, may malaking walk-in closet siya sa may banyo. Kaya pala hindi ko makita. Kanina pa kasi ako panay hanap ng Orocan.

Sa loob, napangiti ako nang makita ang iba't iba niyang mga damit. Napapangiti ako tuwing maiisip ko kung ano kaya ang itsura ni Joon kapag suot niya ang mga ito. I imagined how he looks like when he goes to school, shop at malls, and hang out with friends.

Napahinto ako nang makita ang jersey niya ng Green Giants. Number thirty-three. Huminga ako nang maluwag dahil hindi ito numero ng monthsary. Hala, bakit naman ako relieved? I slapped my face two times.

Bumalik ang tingin ko roon sa jersey. Naisip ko ang itsura ni Joon kapag naglalaro. Pawis na pawis at sobrang seryoso. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko namalayan, nagkusa nang gumalaw ang mga kamay ko at sinuot ang jersey niya. It felt and smelled nice. I closed my eyes and smiled while hugging myself.

"Why are you wearing that?"

Nagulat ako at napaatras nang marinig ang boses ni Joon. "Gising ka na pala!" Nginitian ko siya ngunit iritado ang mukha niya.

"Take that off!" His voice was loud and booming.

My heart was racing in fear. He's very angry right now. Nakahubad pa rin siya at nakasuot lang ng pantalon. Nakasimangot ang mukha niya at nakasuntok ang kamao niya sa pader. Tears started to come out of my eyes.

"I don't want to see that green jersey!" He raised his voice.

Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatanggal ko ito sa harap niya. Wala na akong paki kahit naka-bra lang ako. Takot na takot na ako. Nagmadali akong maglakad paalis pero pinigilan niya ako.

"Don't tell me you're going home looking like that?" Narinig ko ang pagsinghal niya. "At least wear something."

Inabutan niya ako ng random shirt at dali-dali ko itong sinuot. Tumakbo agad ako paalis ng condo niya at tinawagan agad sina Bey. Hindi sila sumasagot parehas. Iyak na ako nang iyak. Please answer the phone, please!

Pagpasok ng elevator, nagulat ako dahil may pumigil sa pagsara nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Joon na pumasok din sa loob. May suot na rin siyang t-shirt. Nagmadali siguro siyang magbihis at sinundan agad ako.

"I'll drive you home. Hindi na ako lasing."

Hindi na ako nakasagot. Panay iyak ko lang habang nakakapit maigi sa bag ko. I just want to go home.

Joon clenched his fist and exhaled harshly. "I'm sorry, hindi kasi kami okay ngayon ng team ko." Napapakamot siya ng ulo ngunit hindi pa rin siya makatingin sa 'kin. "Sorry, I shouldn't have yelled at you like that."

Wala pa rin akong imik hanggang sa makasakay na ako sa kotse niya at mahatid niya na ako sa bahay. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at palabas na sana nang bigla siyang nagsalita.

"Cleng, can I still see you again?"

Ayokong lumingon sa kanya. Kapag nakita ko ang mukha niya, baka bumigay ako. Kakagaling ko lang sa breakup namin ni Ross. Ayokong mahumaling na naman sa maling lalake.

"Thank you for the ride," were the only words that I told him as I went out of the car.

Dire-diretso akong pumasok sa bahay at sumalampak agad sa kama. Pagtingala ko, nakita kong umaga na pala. Nakauwi na rin kaya sina Bey at Jeb? I breathed out a deep sigh. I'm just so exhausted right now. I faced the ceiling and closed my tired eyes.

Pinatong ko ang likuran ng kamay ko sa ibabaw ng noo ko. Nagulat ako dahil may naramdaman akong sumagi. Pagdilat ko, suot ko pa pala 'yong singsing na gawa sa ring ng soju cap na nilagay ni Joon sa daliri ko. Marry me Pretty Cleng, you never have to be alone. My cheeks blushed when I suddenly remembered that moment.

"Joon Villamontano, dapat ba kitang kalimutan? Isa ka lang bang one-night guy?"

My fingers found my lips. Naalala ko ang paghalik namin sa isa't isa. Kakaiba ang pakiramdam na binigay sa 'kin ng mga labi niya. I want to taste that sweet flavor again.

I remembered his question back in the car. 'Cleng, can I still see you again?'

"I want to see you again too," mahinang bulong ko sa sarili ko bago makatulog nang tuluyan.







#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now