Chapter 59

180K 9.7K 5.9K
                                    

HINDI NIYA AKO BINIBITIWAN.

Para na akong mapipiga sa klase ng yakap niya. Kanina ay ako ang nasa leeg niya, ngayon ay siya na ang nakasubsob sa leeg ko. Nararamdaman ko rin na basa na ang balikat ko.

Was he crying? But why?

Hinagod ko ang likod niya. "Jordan, hindi na ako makahinga."

Saka lang lumuwag ang yakap niya sa akin. Nakayuko pa rin siya nang humiwalay ako. Naguguluhan ako dahil namumula ang mga mata at ang dulo ng matangos na ilong niya.

Inalis ko ang suot niyang specs at ipinatong muna sa dresser. Ang mapulang mga labi niya ay bahagyang nanginginig. Namamangha na hinaplos ko ang basa niyang pisngi. Marahang napapikit siya.

Nang dumilat siya ay parang may tumadyak sa dibdib ko dahil sa pait na gumuguhit sa mga titig niya. Nakakagulat na ganito kalalim ang reaksyon na makukuha ko sa kanya. Hindi ito ang inaasahan ko.

"Let's talk..." paos na sabi niya.

Natigilan ako. Why the hell was he so stubborn? Didn't he realize that I was trying to drive him away? 

"You know that there's nothing to talk about. But there's a lot for us to do," nanunuksong sabi ko. Huling subok para matauhan siya sa pinapasok niya.

Matagal bago malungkot ang mga mata na nagsalita siya.  "Then... let's do whatever it is that you want to do."

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. His perfect face was now calm but his deep brown eyes were telling me otherwise.

Jordan had his last chance to run away but still, he chose to stay.

Well, why not? I was bored and he was much more entertaining than before. Ang kamay ko ay tumungo sa buckle ng sinturon niya. Kinalas ko iyon at sumunod kong hinawakan ang zipper ng kanyang suot na pants.

"Well, since you're staying here, I might as well make a use of you."

Isang malamlam na ngiti ang gumuhit sa mapulang mga labi niya. "No matter how you use me, you will never hear me complain."

"That's good." Sabay na hinila ko pahubad ang suot niyang pants and briefs. Itinulak ko siya pahiga sa kama.

And the next things that can be heard in the four walls of my room were Jordan's grunts and and groans. And yes, his dick won't be tucked up tonight. 




KATOK sa pinto ang gumising sa akin. Madilim na sa labas ng bintana at nakabukas na ang lampshade sa kaliwang gilid ng kama nang magmulat ako ng mga mata.

"Ate, handa na ang dinner." Boses ni Nanette mula sa labas ng kwarto.

Nilingon ko ang natutulog kong katabi. Nakadapa siya at ang mukha ay nakaharap banda sa akin. Sa malamlam na liwanag ng lampshade ay maaaninag ang ilang bakas ng kagat ng ngipin sa kanyang balikat at likod.

Hinaplos ko ang ulo niya. "Aren't you hungry?"

Dumilat ang namimigat niyang mga talukap. "Gutom ka na ba?" inaantok pang balik tanong niya.

"Medyo." Nauna akong tumayo.

Bumalik sa alaala ko ang paghihirap niya kanina. Nang sinabi kong pwede na ay nanginginig na siya sa pagmamadali, ang resulta ay ito. Dinampot ko ang sirang underwear sa sahig at itinapon sa trash bin.

Kumuha ako ng damit sa closet. Tapos na akong magbihis pero katatayo pa lang ni Jordan sa kama. Magulo ang buhok niya nang lumapit at yumakap sa akin.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon