Chapter 61

165K 9.8K 4.4K
                                    

I MUST PROTECT NOT ONLY JORDAN.


I promised that I will not break anyone's heart this time. 


Hindi na nagsalita pa si Jordan pero humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Napakahigpit na para bang kung hindi niya iyon gagawin ay may posibilidad na bigla akong maglalaho.


Tanghali nang bumaba ako sa sala kinaumagahan. Nakahiga si Nanette sa sofa habang nagse-cellphone. Nilampasan ko siya at dumiretso ako sa kusina. Naghanap ako ng makakain dahil nangangatog ang mga tuhod ko sa gutom.


Masarap ang ulam na ininit ko lang sa ref. Gatang tilapia na may gulay. Naghuhugas na ako ng aking pinagkainan nang pumasok sa kusina si Nanette.


"Madaling araw umalis si Architect pero nakapagluto pa siya."


"Siya ang nagluto?"


Tumango siya. "Opo. Mabuti may frozen na gata sa ref. Pagbaba ko ay may ulam na. May note na ilagay sa ref pag lumamig, alam yata niyang tatanghaliin kang magising."


May laman ang salita ni Nanette tungkol sa tanghali kong pagising. Nagpatay-malisya ako at iniwan na siya sa kusina.


Sumasakit ang sentido ko sa pag-iisip. Jordan was doing it again. Akala ko ba nagkalinawan na kami? Ano itong ginagawa niya?


Pagbalik ko sa kwarto ay saka ko napansin na malinis ang paligid. Ang mga magazines na natatandaan kong nakakalat sa maliit na table ay ngayo'y maayos na magkakatapong-patong na.


Ang gamit na tuwalya ay naka-hanger, ang hinubad kong damit ay nasa hamper, at ang phone ko ay fully charged. Ang charger ay maayos na naka-roll sa tabi ng lampshade.


"Shit!" Natapik ko ang aking noo. That man was really getting into my nerves.


Ang balak ko ay maghihiga hanggang gabi dahil magigising busy na ako next week. Mag-i-interview na ako ng mga iha-hire na tauhan sa café. By next week din ang soft opening.


I was about to lay down on my bed when I received a text message from Charles. Ini-invite ako sa birthday ng tita niya. Hindi naman siya namimilit pero naramdaman ko sa text niya na umaasa siyang magpapaunlak ako.


Siguro dahil sa gusto kong malibang at mailipat ang isipan sa ibang bagay kaya napapayag niya ako.


Dagdag pa sa dahilan ng pagpayag ko ang curiosity sa tita niya. Naisip ko rin na baka nandoon si Charlotte kaya wala naman sigurong masama kung pupunta ako. Nag-ready na ako mga bandang 4:30 pm.


Quarter to 6:00 pm nang bumaba ako sa sala. Nude color na bodycon dress ang isinuot ko at sa paahan ay nude flat sandals. Ang naka-blower kong buhok ay hinayaan ko lang na nakabagsak. The only accessory I wore was a nude color wide bangle.


"Aalis ako. Mag-lock ka ng pinto at wag magbubukas kahit kanino. May susi ako," bilin ko kay Nanette.

South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now