Chapter 62

165K 9.5K 3.3K
                                    

"BREATHE..."

My heart was still racing. My chest was still in pain like it was being stabbed by a sharp knife.

"It hurts..." iyak ko habang nanginginig. Pinagsusuntok ko si Jordan sa kanyang matigas na dibdib.

Balewala naman sa kanya ang mga pag-atake ko. Patuloy niya akong niyayakap, hinahagod ang aking likod.

"Jordan, it hurts. It hurts so much!"

"I know, I know it's painful. I'm here. You're safe..."

Ang kalmado at masuyo niyang boses ay pinagagaan ang pakiramdam ko.

"I'm sorry. Tell me what you need? I'll do everything..."

"M-make this pain stop..."

Hinawakan niya ang aking pisngi para itaas ang aking mukha. Masuyo niyang ginawaran ng halik ang aking noo. "If only I could take away the pain from you, I would."

"Jordan..."

Malungkot siyang nakatingin sa akin. "You suffered so much. You have been so brave. I hope you know how far you've come..."

Humikbi ako.

"And I know you can get through this one, too." Marahan niyang pinisil ang mga aking palad habang hinahalikan ako sa ulo. "You are amazing. I know and I believe that can get through everything."

Huminga ako nang malalim.

"Yeah, breathe, Carlyn... take slow and deep breaths... I am here. I will not leave you..."

Nang tumingin siya sa aking mga mata ay muli akong napahikbi. "You are really here."

Ilang beses ko siyang ginustong makita tuwing nasasaktan ako. Gusto kong marinig ang boses niya, gusto kong maramdaman ang mainit niyang paghinga sa ibabaw ng aking balat, at gusto kong makulong sa mahigpit na yakap niya. Pero bakit ngayon lang siya?

Inabot ko ang kanyang pisngi. "Didn't I make you feel my love?"

Ang ngiti sa mga labi ni Jordan ay malungkot at ang mga mata niya ay napuno ng pait at kirot.

"Jordan, tell me. Wala ba akong nagawa na kahit ano para maiparamdam sa 'yo na minahal kita?"

I did everything to make him feel that he was important to me. Kahit alam kong hindi kami bagay, sumugal ako at hinayaan ko siyang makapasok sa buhay ko.

Kahit hindi ko alam kung paano kikilos sa relasyon na bago sa akin pero sinubukan ko pa rin.

Kahit ang dami kong takot at pangamba, binalewala ko lahat ng iyon para lang makasama siya.

Ang mga bagay na hindi ko dating ginagawa, pinag-aralan kong gawin para lang hindi magkulang sa kanya.

Pumatak muli nang masagana ang mga luha ko habang nakatingala sa kanya. "I let you touch me intimately. I trusted you so much. But why... Why couldn't you trust me?"

May mga nagawa akong mali dahil akala iyon ang tamang gawin. Natataranta ako at natatakot sa pwede niyang maging reaksyon kaya naging padalos-dalos ang aking desisyon. Pero pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon. Gusto kong magpaliwanag pero hindi niya na ako pinakinggan.

"Hindi naman agad ako sumuko, di ba? Ipinaglaban pa rin kita. Pero durog na durog na ako. Hindi na ako makakilos at makapag-isip ng tama. Nawala lahat sa akin, kasama ka. Wala sa aking natira."

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon