CHAPTER 95

8.9M 148K 431K
                                    

DEIB'S POINT OF VIEW

HINDI ako makapaniwala sa mga narinig ko at sa mga nakikita ko ngayon. Parang sasabog ang utak ko kaiisip kung totoo ba ito o hindi. Ang puso ko ay animong mga kabayo na naghahabulan at napakatulin ng takbo. Bawat tibok ay may dalang sakit. Pagkalito. Tanong. Inis at galit.

Ang makalaya sa'kin... at sumama kay Dein.

Muling nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang linyang iyon ni Taguro at gusto kong maiyak nang dahil doon. Napatitig ako sa nakakahabag na mukha niya.

Saan ka kumukuha ng lakas ng loob upang masambit ang lahat ng laman ng puso't isip mo, Taguro?

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sundin ang sinasabi ng isip ko na wala akong karapatan na kuwestiyonin sila sa sitwasiyong ito, dahil para sa akin ay damay na rin ako sa nangyayari.

Nanatiling tahimik ang lahat at pilit na nilululon ang sinabi ni Taguro, maikli iyon pero parang napakaraming ibig sabihin. Simpleng salita ang gamit pero parang napakalalalim. Mga salitang inusal lamang ngunit nakakapanakit ng damdamin. Hindi ko napigilan ang sarili kong mataman siyang pagmasdan habang nakakunot ang noo.

Ganyan ba talaga kasakit ang pinagdaanan mo, Taguro?

"P-Pein..." anas ni Randall sa tahimik na lumuluhang si Taguro. Halatang hindi makapaniwala si Randall sa mga narinig niya. Nakakapanlumong titigan si Taguro sa itsura niya, nakakahawa ang sakit ng kalooban na nararamdaman niya.

'Nasasaktan ako para sa kaniya at sigurado ako roon. Dahil ba sa naiintindihan ko siya? O dahil hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan niya? Hindi ko alam. Ex niya ba si Randall? Bakit hindi nila ako sagotin?'

Gusto kong alamin ang lahat ay wala akong magawa, natutukso akong magtanong pero hindi ko alam kung para saan. Natatakot akong baka may masabi silang hindi katanggap-tanggap sa puso ko. Ayaw kong makuwestiyon sa huli.

"Pein, please, tell me," muling pakiusap ni Randall.

"Hindi kita ipinaglaban dahil ipinaubaya kita," malungkot na tugon ni Taguro habang nakatingin sa mismong mga mata ni Randall. Parang dinurog na naman ng mga salitang iyon ang puso ko.

'Badtrip naman, oh! Ano ba 'tong nararamdaman kong ito? Para akong inu-uod! Magsaksak na lang kaya ako rito?! Tsk!'

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin kung ganon?" tanong ni Randall kaya lalong nag-init ang ulo ko sa kaniya.

"Ano ba ang dapat kong sabihin?" tanong naman ni Taguro dahilan upang makuha niya na naman ang atensiyon ng lahat. Humupa na ang pag-iyak niya ngunit basa pa rin ng luha ang mga pisngi hanggang sa baba niya. Nakaalalay si Parrot sa kaniya at nananatiling masama ang tingin sa amin habang kami ng mga kaibigan ko ay parang mga inutil na nakamasid lang sa kanila.

"Na ginawa mo lang 'yun bilang regalo sa'kin at para matupad mo 'yung w-wish ko," huminga pa ng malalim si Randall at pilit pinigilan ang luha niya. "Hindi mo kailangang gawin 'yon, Pein."

'Tch! Stupid reasons! Wish--your face!'

Hindi siya sinagot agad ni Taguro, bahagya pa itong natawa dahil sa tingin ko, gaya ko ay hindi rin nito naintindihan ang sinabing iyon ni Randall.

"Hiniling mo 'yun, Randall, tapos ay tatanongin mo sa'kin kung bakit ko iyon ginawa? You're confusing me." bakas ang inis sa mukha ni Taguro, umiiling-iling pa ito halatang pilit itinatago ang inis niya sa kaharap. Hindi naman agad nakasagot si Randall sa kaniya. "Kung sasabihin ko sa'yong, 'Randall, I'm going to do this to make your damn wishes come true.', ano ang gagawin mo?" mapaklang tanong niya pa. "Kung sasabihin ko ba 'yan, sa tingin mo ay hindi mo na hihilingin sa'kin na palayain kita? Sa tingin mo ba ay ganon mo kabilis maiaalis si Dein sa buhay mo? I don't think so, because what I did back then was the easiest way I know para wala akong masaktang tao," seryoso pa ring aniya. "Don't tell me that you're expecting something else?" nakangising tanong niya pa. "What do you expect me to do then? Maghalumpasay dahil nakipag-break ka sa'kin? Ang magwala dahil para sa'kin ay pangloloko iyong ginawa mo? Ang awayin si Dein dahil ipinagpalit mo ako sa kaniya sa hindi ko malaman na dahilan?"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon