CHAPTER 104 : INTERHIGH

5.5M 108K 378K
                                    

MAX'S POV

Parang huminto ang mundo.

"Oh my God! Randall's here!"

"Huh? Where?"

"Look! Sa entrance!"

"WAAAA!"

"KYAAAAH!"

"Randall!"

"Oh my goodness ang gwapo gwapo niya talaga!"

"Super!"

"But wait, nandito ba siya para kay Pein!?"

Bakit ako? Anong kinalaman ko dyan?

Napatingin ako sa entrance at nagtama ang paningin namin ni Randall. Nginitian niya ako bigla at saka niya ako tinanguan.

At aaminin ko.

NABAWASAN ang kaba ko.

Dahil ang totoo, nanginginig na ang kamay ko dahil isang maling kilos ko.

MATATALO ako.

Tsk! This is my most hated part!

Pero hindi ko talaga inaasahang pupunta siya dito. Kahit pa dito alam kong posible at malaki ang chances na manuod siya ng game ko. Hindi ko talaga inaasahang dadating siya.

"Sa tingin ko nga ay nandito siya para kay Pein, hays, she's so lucky."

"That's for sure! Sino pa nga ba? E siya lang ex ni Randall dito."

"Gaga don't lose hope. E ano bang sports ni Randall my mahal? Hindi ba't billiards rin?"

"Oo nga no? Ang talino mo talaga."

"Psh! Possible rin na nandito lang talaga siya para manood ng billiards okay?? Lalo na at ngayon lang nakasali yan sa sports natin."

"Yiiieee may point ka talaga!"

"I know right? Hahaha!"

Hindi ko na sila pinansin pa at pinagpatuloy ko nalang ang pagsipat sa huling bola.

Isang hulog nalang. Nuebe na lang at panalo kana. Wag kang sasablay kung ayaw mong mamatay.

Isang beses ko pa muling sinipat ang bola at sa huling pagsilip ko ah nakita ko ang Sam.

Kunot na kunot ang noo niya at salubong na salubong ang kilay niya. Maayos naman ang pagkakaupo niya pero halatang balisa siya.

Say goodbye baby.

At saka ko tinira ang bola at..

HULOG!

You lose.

*PALAKPAKAN!!*

*HIYAWAN!*

"Waaa! Ang galing galing mo sobra! Idol na kita!"

Thank you!

"Waaaa tapos ang laban! Sobrang galing mo Maxpein!"

"Shet ang lupet!"

"More!"

"Wooh go BIS!"

"MAXPEIN!"

"TAGURO!"

"GO PEIN!"

"We love you Pein!"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon