CHAPTER 138

3.6M 80.5K 99.5K
                                    

DEIB'S POV

Minadali ko ang pagpasok at ipinarada sa Gym ang kotse ko.

Marami pa rin ang students na hindi makaalis mula sa pagkakasilong sa harap ng Gym dahil sa sobrang lakas ng ulan! Mababasa sila kung susugod sila sa ulan.

Maaaring marami ang hindi inaasahan ang biglaang buhos ng ulan kaya naman maraming hindi rin handa at hindi nakapagdala ng kanya kanyang payon.

Parang nagliwanag naman ang paningin ng mga kaibigan ko nung makita ako. Bumaba ako ng kotse at saka nakapayong na sinundo sila isa-isa.. Inuna ko sila BJ at Michiko..

"Give it to me.." sabi ko pa kay Michiko na kinuha ang bitbit na bag nito.

"Thanks, Deib.." nakangiting sagot pa ni Michiko.

"Pasok muna kayo sa loob.." sabi ko pa at saka pinayungan silang dalawa papasok sa likod. At saka ko binuksan ang compartment at inilagay ang mga bag doon.

Muli akong bumalik sa gilid ng Gym at sinundo naman sina Tob at Lee.

"Lagay mo yung bag sa likod, dre.." sabi ko pa kay Tob.

"Wag kang malikot, Tob! Nababasa ako!" sigaw pa ni Lee sa kanya.

"Pucha, dre! Makasigaw ka---parang ang laki laki ng payong ah! Ang arte mo! Hahahaha!" sigaw sa kanya ni Tob.

"Ang lakas ng bunganga mo.." singhal ko naman kay Tob.

"Pucha---ano 'to!? Kampihan?!" nanlalaki ang mga mata'ng sigaw nya saming dalawa ni Lee! "Pakyu kayong dalawa!"

"Hahahaha!" sabay namin syang tinawanan ni Lee.

"Baka gusto nyong dito na rin ako sa compartment maupo??" nakangusong tanong nya pa samin.

"Hahahaha.. Don ka na sa loob! Pakiramdam mo na naman---api'ng api ka, loko!" natatawang sabi pa ni Lee sa kanya.

"Mukha mo!!! Bakit?! Hindi ba?! Badtrip kayo ah!" sigaw na naman ni Tob.

"Sige na! Sige na! Lintek ang ingay!!" biro ko pa kay Tob!

"Pakyuu! Pakyuu kayong dalawa! Pinagtutulungan nyo ko ah!!!"

"Hahahahahha!!!"

Nung makapasok sina Lee at Tob ay saka ko binalikan si Parrot..

"Nasan na si Migz??" tanong ko pa kay Parrot nung sya na ang susunduin ko.

"Hindi pa nga sya bumabalik e, sabi nya pupuntahan nya lang yung driver, hanggang ngayon wala pa.." sagot ni Parrot sakin at napatango naman ako. "Teka, kasya pa ba ako dyan?!" takang tanong nya at nilingon ko naman ang kotse ko. Puno na ang likod kaya naman... "Don ako sa harap!"

Gulat akong napatingin sa kanya nung mabilis syang sumilong sakin at dagliang hilahin ako papalapit sa kotse ko! Mabilis nyang binuksan ang pinto ng passenger's seat at isinalampak ang sarili nya kay Taguro!

"A-Aray!" masungit na singhal pa sa kanya ni Taguro! "Aissh!!!!"

"Patabi ah?! Hehehe!!!!" makulit na sagot sa kanya ni Parrot!

At natawa naman ako sa itsura nila. Muli akong lumingon at saka ko hinanap si Kim, at nung matanaw ko sya ay agad ko syang nilapitan.

"Kim.." nakangiting usal ko pa at nakangiting nilingon nya naman ako. "Ibabalik ko na.. thanks.."

"Ahh, sana hindi ka na nag-abala.." nakangiti ring sagot nya.

"Nasundo ko na sila e.." sabi ko na isinenyas pa yung kotse ko. "Mmm.. susunduin ka ba ni Kez?? Kung hindi ka nya masusundo.. i-ihahatid na kita.." bukal sa loob na alok ko pa. Sumilip naman sya sa kotse ko at saka natatawang tumingin sakin.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon