CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

7.4M 118K 332K
                                    

DEIB'S POV

Pumasok si Mang Pitong sa cabin at nakangiting humarap sa'min. "Nandito na tayo."

Nakangiti akong tumayo at inalalayan si Mommy. Ramdam ko ang matinding pananabik sa dibdib ko at pakiramdam ko ay ako ang ikakasal kay Taguro.

Bwahahahaha! Ano kayang itsura nang babae ko?

Naiisip ko pa lang na makikita ko siya ngayon ay sobra na ang tuwa ko.

Pero nang lumabas ako mula sa cabin at tumapak sa ibabaw nang yate ay natigilan na agad ako.

Namangha agad ako sa tanawin. "W-Wow.." bulalas ko.

TUMAMBAD SA AKIN ANG ISANG NAPAKAGANDANG ISLA!

Mula sa pangpang ay tanaw na tanaw ko ang isang maliit na isla. Sa gitna nito ay binuo nila ang isang malaking hugis pusong daan sa pamamagitan ng mga buhangin at sa gitna nito ay ang bamboo na siyang pinaka-arko nang mga ikakasal. Iilan lang ang mga upuan ngunit nasa ayos ang mga iyon at uniporme ang kulay asul na theme nito. Pinalilibutan kami ng mga puno at napakasarap na hangin ang iwinawasiwas nito. Puting puti ang mga buhangin at dinig na dinig ang hampas ng alon.

Napakaganda ng paligid.

Mayroon silang ginawang kawayan na nagsilbing maliit na silong kung saan may isang maliit din na kuna at nasisiguro kong lugar iyon para kay RD. May isang maliit na hawla rin kung saan nakakulong ang doves nila. Nagkalat ang rose petals sa kabuuan ng maliit na islang 'yon kaya hindi ko naiwasan ang mapangiti at mapailing.

Inalalayan ko si Mommy pababa ng yate at kasunod niyon ay isa-isang lumabas ang mga kasama namin mula sa bahay. May maliit na bahay na gawa sa nipa roon pero bakas ang pagkamoderno sa disenyo na natatanaw ko sa loob nito. Gwapong gwapo rin ang mga kaibigan ko sa kani-kanilang suits nang pasadahan ko ng tingin ang mga ito. Doon ko lang din napansing pati kami ay nasa ayos ang mga suot at may pagkakapare-pareho.

Sumunod na lumabas si Daddy kasama si Manang na karga karga si RD. Lumapit si Dad sa'kin at kinuha ang kamay ni Mommy. "Hello beautiful." bati niya pa kay Mom. "You look good, son."

"Ikaw rin, Dad. Haha!" nagtapikan pa kami ng likod nang magyakap kami. "Ikakasal na ang panganay mo, hahaha!"

"Oo nga, tsk tsk. Matanda na talaga ako."

"Don't worry, may baby RD naman tayo at Kuya Deib. Hihihihi!" ani Mommy na sinulyapan kay Manang ang tulog na tulog na pamangkin ko. Balut na balot ito at may headset pa.

Hahahaha.

Kasunod niyon ay ang paglabas ni Tita Dayzelle kasama si Rhumzelle at ang Lolo ni Randall. Kasama rin nila si Heurt at si Lolo na pormal na pormal tingnan sa mga suot nito.

"Oh! Rarampa na ang brides maids!" malakas na biro ni BJ kaya napalingon naman kami sa maliit na bahay.

Lumabas ang mga babaeng naggagandahan sa kani-kanilang simple gown. Nagulat pa ako nang makita kong nandoon si Keziah.

"Oh, she's here?" nakangiting usal pa ni Mommy habang nakatingin kay Keziah.

Wala pa mang nangyayari ay umiiyak na si Keziah sa tuwa para kay Noona. Siya ang may pinakamakinang na gown kumpara kina Yaz, Michiko at Parrot, bagaman magaganda pa rin ang mga ito sa simpleng gown na suot nila. Hindi na kailangan pang pagandahin pa dahil mukha nila mismo ang nagpapakinang sa mga suot nila.

Agad namang hinanap ng mga mata ko si Taguro. "Where's my girlfriend?" mahinang tanong ko pa kay Lee.

Hindi ito sumagot at nakangiting lumingon na lang sa pinanggalingan nila. Nilingon ko 'yon at nakita kong lumabas si Taguro na hirap na hirap kumilos sa simple gown na suot niya. Nangiti ako sa itsura niya at nagulat pa ito nang makitang nasa harap niya na ako.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon