CHAPTER 155

3.1M 73.8K 125K
                                    

MAX'S POV

Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng katotohanan.

Hindi ko na maitago ang sakit na nararamdaman ko at kahit 'di ko ugaling ipakita 'to ay nagkusa na. Hindi ko na napigilang mapaluha at ipakita ang KAHINAAN ko sa harap nila.

Masiyadong masakit para sakin ang katotohanan. Para ako'ng larua'ng pinagpasapasahan.

"Ssshh.. Tahan na.." dinig na dinig ko ang bulong ni Sensui. Ramdam na ramdam ko rin ang yakap niya munit hindi nito magawang bawasan ang sakit na nararamdaman ko. Gayunpama'y kumakalma ang kalooban ko at nabawasan ang galit na kaninang nangingibabaw sa dibdib ko.

Dahan daha'ng umalis si Sensui mula sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang magkabila'ng pisngi ko. Bahagya'ng itiningala niya pa ang mukha ko hanggang sa magtama ang mga paningin namin. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili'ng luha na umagos sa mukha ko.

Kita ko naman ang pang-intindi sa mga mata niya at 'don ko lang naramdama'ng may karamay ako.

Nag-init ang mga mata ko at mabilis na ngilid muli ang mga luha ko at muli'ng umiyak ng umiyak sa harap niya.

"B-Babe.." naluluha ri'ng usal niya pa na muli'ng inakap ako habang hinahaplos pa ang ulo ko.

Pareho kaming wala'ng pakialam sa mga tao'ng nakakakita sa amin.

"I-I'm sorry kung umalis ako, t-tahan na.. nandito na ako.." mahinang dagdag niya pa at naidikit ko naman lalo ang mukha ko sa dibdib niya.

Pakiramdam ko ay siya lang ang tao'ng makakaintindi sa akin sa ngayon.

Ang taong parating nandiyan kapag nasasaktan ang ako dahil sa pamilya ko..

Maya maya pa'y umalis siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang kamay ko.

"D-Dadalhin ko na po muna si Maxpein sa kwarto niya." paalam ni Sensui sa kanila.

"I t-think that's a g-good idea. She needs more rest." si Mokz, hindi ko siya tiningnan.

Tumango lang si Sensui sa kanila at saka marahang inakay na ako palabas.

Hindi ko na nagawang lingunin pa ang mga tao'ng nandon dahil pakiramdam ko ay wala na akong pakialam.

Ilang segundo lang ay nasa harap na kami ng kwarto ko, dahil katabi lang naman 'to ng kwarto'ng pinanggalingan namin. Kusa siya'ng huminto sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako't naiangat ang paningin sa kaniya.

Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni Deib. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ko at saka malalim na napabuntong-hininga. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka pinunasan ang mga basang luha doon.

"N-Ngayon ko lang nalaman na.. h-hindi ko rin pala kaya'ng makita'ng umiiyak ka.." mahinang usal niya habang nasa mga kamay niya ang paningin. "H-Hindi ko alam kung a-anong pwede kong gawin para.. h-huminto 'yung sakit na nararamdaman mo.." dagdag niya at saka tumingin sa mga mata ko.

Napatungo ko at muli'ng nag-iinit ang mga mata ko at pakiramdam ko ay maluluha na naman ako.

"M-Masiyado ko yatang sinanay ang sarili ko'ng nakikita ang lakas mo.. kaya hindi ko kaya'ng makita ang kahinaan mo.." mahina'ng sambit niya pa at saka ako tumingin sa mga mata niya at nagtama ang paningin namin. "M-May magagawa ba ako para.. mabawasan ang sakit na nararamdaman mo??" sinsero'ng tanong niya at hindi ko naman malaman ang isasagot ko.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon